A/N:
For ShiveringFingertips... Here's ur dedic... ^____^
>>>Exer's gif on the right side... So hot 'no? ^___^
Chapter 3
Nagising ako dahil mahinang katok ng pinto. Nakatulog na pala dito. Sinulyapan ko muna si Tatay bago ko tinungo ang pinto. Tulog pa si Tatay pero kahit sa pagtulog nya, halatang may dinaramdam sya.
Naalala ko na naman pinagtapat nya sa kin kanina. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maramdamang hindi ko sya tunay na tatay. Pero nagpapasalamat pa rin ako na inalagaan at minahal nya ako kahit na bunga ako ng pagtataksil sa kanya ni nanay. At kahit bumalik ang nakaraan at kaya kong pumili, si tatay p rin ung pipiliin ko.
Maingat na binuksan ko ung pinto. Bumungad sa kin si Sapphire na halatang nag-aalala.
"Cleo,"mahinang sabi ni Candice at niyakap ako.
Dun ako bumigay at umiyak. Bukod kay tatay, sila ang pamilya ko, lalo na si Candice na kilala ko na dati pa kahit na hindi kami maituturing na kaibigan. Nung nagcollege lang talaga kami nagclick.
Sinara ni Jill ung pinto. Para siguro hindi magising si Tatay.
Patuloy lang ako sa pag-iyak habang hinahagod nila ung likod ko.
"Natatakot ako,"naiiyak na sabi ko sa kanila. Nakwento ko na sa kanila ung ipinagtapat ni tatay sa kin kanina nang tumawag sila. Nagulat sila. At ang ipinagpapasalamat ko, hindi nila kami hinusgahan o ano. Humanga pa sila kay tatay.
"Magiging maayos rin ang lahat. Magtiwala lang tayo sa Kanya,"pag-aalo ni Candice.
"Anong sabi ng doctor?"seryosong tanong ni Sapphire.
"Nag-undergo sya kanina sa angiogram. May isang bara sya sa right coronary artery. Kailangang malagyan agad un ng stent. Delikado daw dahil halos wala nang madaanan ang dugo papunta sa puso ni tatay. Kailangang maoperahan sya agad within 72 hours dahil unstable ang lagay nya. Pero halos lahat ng ipon namin, nagastos ko na sa mga test pa lang na ginawa kay tatay. Hindi ko alam kung san kukuha ng pera,"imporma ko sa kanila. Para akong nauupos na kandila dahil sa sitwasyon namin. Pero ayokong mawalan ng pag-asa at pagtitiwala sa Diyos.
"Magkano daw ang magagastos sa angiography?"tanong naman ni Jill.
"More or less, 150 thousand. Less na daw ung professional fee ng doctor dun dahil sa charity ko ipinasok si tatay,"
"Magagawan natin 'to ng paraan. Kung kailangang bawat tao dito hihingan natin ng tulong, gagawin natin. Tutulungan ka namin,"pag-aassure ni Sapphire.
"Kahit na magbenta ako ng kidney, gagawin ko,"seryosong sabi ni Jill.
"Sigurado ka?"tanong ni Candice sa kanya. Si Jill kasi, takot na sya ang operahan. Kaya nya makakita ng mga inooperahan pero kung sya na, ayaw nya.
"Hindi 'no. Mas kaya ko pa atang magbenta ng buong katawan kesa magpaopera,"bawi ni Jill. Asahan mong sa mga seryosong usapan, hihirit ng ganyan si Jill. Hindi nya daw kasi matake ang seryosong usapan. Mas nakakabigat daw kasi un ng dalahin sa dibdib.
Natawa na lang kami sa kanya. Mas okay na rin 'tong may lukaret kang kaibigan. Mapapatawa ka sa kabila ng problema.
"Lukaret ka talaga kahit kelan,"pang-aasar ni Candice.
"Duh! Pinapagaan ko lang ang atmosphere dito. Ang heavy eh,"nakangising sabi nito. Pero maya-maya, naging seryoso din,"But,seriously, Cleo, tutulungan ka namin anuman ang mangyari,"
Niyakap ko silang tatlo sabay sabing,"Thank you,"
***
"Ang kuripot naman nung mayor na 'yon. Ang laki-laki ng bahay pero ito lang ang binigay? Kahit tonsilectomy, hindi masusuportahan nito eh,"reklamo ni Sapphire. Kagagaling lang namin sa bahay ni mayor para humingi ng tulong. Sa kasamaang palad, maliit lang ung binigay sa min. Kesyo marami daw iba pang nanghihingi ng tulong sa kanila kaya hindi sila makapagbigay ng malaki.
"Naku, te. Sana hindi na lang natin binoto un. Kurakot lang alam nun eh,"sabi naman ni Jill.
"Hayaan nyo na sya. At least may natulong sya sa 'tin. Tayo ang nanghingi ng tulong, magpasalamat na lang tayo na binigyan nya tayo,"saway ko sa kanila. Alam ko rin namang hindi tamang magreklamo ka sa tulong na binibigay ng ibang tao. Dapat matuto ka na lang magpasalamat.
"Oo na po. Naiinis lang kami sa kanya,"sagot sa kin ni Jill.
"Umuwi muna tayo sa bahay para kumain. Ituloy na lang natin 'to mamaya,"yaya ni Candice sa min.
Pagdating namin sa bahay nila, nadatnan namin sa labas si Lyka. Sabi ng mga tsismosang mga kabarangay namin, prostitute daw ito sa Manila. Pero hindi ko naman pinapansin. Mabait kasi sya sa kin pag nauwi sya dito.
"Hi, Cleo. Nabalitaan ko ung nangyari sa tatay mo,"bati nya sa kin.
Sinulyapan ko muna sina Candice. Parang tumututol sila nakausapin ko si Lyka pero tinanguan ko lang sila at sinenyasan na mauna na.
"Oo. Kailangan syang operahan agad kaya ito naghahanap kami ng tulong,"sagot ko sa kanya.
"Eto, tanggapin mo, tulong ko inyo"sabi nya sa kin at inabot ung pera.
"Salamat, Lyka,"sinserong sabi ko sa kanya. Hindi na ko nahiya dahil kailangang kailangan ko talaga ng pera.
"Cleo, may isa pa akong gustong ialok sa 'yo,"sabi nya.
"Ano yun?"nagtatakang tanong ko.
"Virgin ka pa di ba?"seryosong tanong nya na ikinagulat ko.
***
>>>Exer's POV
"Exer, pare, hindi ka ba talaga sasama sa stag party ni Tyler bukas ng gabi?"tanong sa kin ni Blake habang nagpapahinga kami dito sa office ko sa hospital. Katatapos lang kasi namin sa operation. May inoperhang bata na may tumor sa utak si Blake. Pasyente ko rin un kaya sumama ako sa operating room. Blake is my bestfriend and one of the best neurosurgeon in the country. Ugali lang nyang tumambay dito sa office ko dahil ang ganda daw ng sekretarya ko. Aside from being a doctor, he's also a certified womanizer.
May office ako sa hospital dahil aside from being a pediatrician, I'm also the medical director. Pag-aaari ng pamilya namin 'tong hospital. Sa buong Metro Manila, may 3 branches kami. Usually, nandito lang ako sa main branch.
"I already told you, I'm not coming. Tyler and I are not in good terms. And besides, stag parties are not my thing,"sagot ko sa kanya. Nung isang linggo pa nya ako kinukulit na sumama. Gusto kasi nitong magkaayos kami ni Tyler. Un ung naisip nitong pagkakataon para magkaayos kami
"You will miss half your life if you don't come. A hot virgin dancer will be the surprise,"nakangising pambubuyo nya sa kin.
"Cut it out, Blake. I'm not like you,"sabi ko at binato ko sya nang nilamukos na papel.
"Ouch! I thought we have this birds of the same feather flock together,"umaarteng sabi pa nito pero nakangisi naman.
"Just for the record, I'm not a bird,"pamimilosopo ko sa kanya pero tinawanan lang nya ako.
"Seriously, Exer, anong pwedeng magpabago sa isip mo?"
Kunwari nag-isip muna ako.
"No woman for a week,"nakangising sagot ko kanya. Hindi kasi ito makatagal nang walang babae.
"Tsss! You know I can't do that. Other option,"helpless na sagot nya. Babaero talaga.
"None,"sagot ko sa kanya.
Wala naman talaga akong balak na pumunta. Like what I have said, stag parties are not my thing. I can have a woman anytime I want. Wala akong pakialam sa babaeng magsasayaw sa party and I don't do virgins, sakit lang sa ulo un.
>>>tnx for reading... ^___^
---till next time... ^___^
BINABASA MO ANG
Hot Doctor's Destined Love(ongoing)
General Fiction*Please be open-minded* Cleo sold her virginity in exchange of money, a night with a hot doctor. Cleo thought that their paths won't ever crossed again. But destiny played a trick.