HDDL 20 - Preparation

171K 1.8K 97
                                    

A/N:

Sorry ang tagal ng ud... Busy much aketch eh... ^___^V

Chapter 20

>>>Cleo's POV

"Ang daya-daya nyo talaga, mga bakla,"reklamo ni Jill sa min ni Sapphire. Nasa salon kaming apat. Mamaya kasi ung wedding anniversary nina Krystal at ang asawa nito. Panganay na kapatid nina Harry at Jewel na si Krystal.

"Makabakla, 'te?"singit nung baklang hairstylist na nakatoka sa kin. Sinundo kami ng driver nina Jewel kanina at dinala sa pag-aari nitong salon at spa. Kailangan daw magandang-maganda kami mamaya. Sya rin ang magpoprovide ng mga damit namin. Masquerade party ang magaganap mamaya.

"Bakla ka naman talaga, loka,"sabi naman nung bakla na nakatoka kay Sapphire.

"Angel aketch. Can't you see my angelic face?"

"Angel ka talaga. Anghel na ipinatapon sa lupa, tumama sa agila, nahulog sa Pacific Ocean. At ayan ang kinalabasan, butanding. Bundat na bading,"pang-aasar nung bakla. Malaki kasi tyan nung baklang nakaassign sa kin.

"Eh paano ka pa? Anghel na ipinatapon sa lupa, tumama sa agila, nahulog sa forest. At ayan ang kinalabasan, ungging. Unggoy na bading,"ganting pang-aasar nito.

Tawa kami nang tawa sa kanila. Buti na lang hindi sila nagkakapikunan.

"Teka, ano bang inirereklamo ng beauty mo,te?"tanong nung 'butanding' kay Jill.

"Paano ba naman, ang dalawang yan,"sabi nya sabay turo sa min ni Sapphire,"may ka-date mamaya sa party. Samantalang kami ni Candice na walang kasingganda, wala. So unfair,"

"Te, makawalang kasing ganda?"singit ni 'Ungging'

"Wag kang kumontra. Moment ko 'to,"nakairap na sabi ni Jill. Tapos binalingan kami ni Sapphire,"Sino ba talaga ang kadate nyong dalawa? San nyo naharbat yan? Bakit hindi nyo man lang kami binigyan?"nang-uusig ang boses na sabi nya.

Nag-init ang pisngi ko pagkaalala kung sino ang ka-date ko.

***Start of Flashback***

"Cleo!"medyo malakas na tawag sa kin ng isang boses na kilalang-kilala ko. Kakarating ko lang sa hospital nun. Panggabi ako kaya halos walang tao sa lobby ng hospital.

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Agad na tumahip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. He is wearing a simple polo shirt and a black pants but I felt like I'm seeing a model who came out from a magazine.

"Hi, Doc. Bakit?"nahihiyang bati ko.

Lumapit sya sa kin at mukhang nahihiyang napapakamot pa sa ulo.

"C-Can I? Ah can I?"sabi nya.

"Can you?"nagtatakang tanong ko. Para kasing hindi sya sure sa sasabihin nya. Parang ayaw pa nga nyang sabihin eh.

"Canyoubemydate?"mabilis na sabi nya na animo hindi nahinga.

"Ano?"tanong ko ulit kasi hindi ko masyadong naintindihan.

"C-Can you be my date in Krystal and her husband's anniversary?"namumulang sabi nya. Alam ko ung party na un kasi nasabi na ni Jewel.

Namula din ako sa tanong nya.

"Why me?"

"Why not you?"ganting sabi nya. There is determination in his eyes.

"Ah eh. Hindi kasi ako sanay sa mga party na yan eh,"

"It's a masquerade party. Hindi ka naman nila makikilala,"

"Pero---"

"Please?"pakiusap nya sa kin. "I want you to be with me that night,"

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon