Chap. 30

592 27 11
                                    


Bahagyang nanlaki ang mga matanda nang makita ang singsing..


FLASHBACK


Dalawang araw bago umalis si Evan.. Nasa bodega si Orang at nagbabalat ng mga sibuyas.


"Orang pinapatawag ka ni Evan..Gusto n'yang magpamasahe sa 'yo ng mga kamay n'ya." Sabi ni Linda kay Orang. Napangiwi pa si Orang matapos marinig ang sinabi ng kasamang katulong.

"Anak ng tokwa naman! Ano na naman bang naisip ng mokong na 'yon." Napapareklamo ng lihim si Orang. Mabilis rin namang tumalima ang dalaga at tinungo ang silid ni Evan.

TOK TOK TOK

Biglang bumukas ang pinto at nanlaki ang mga mata ni Orang nang tumambad sa kanyang harapan si Evan at biglang hinila ang kamay ng dalaga.

"E-Evan b-bakit?" Bahagyang napalundag ang puso ni Orang.

"Orang, aalis na ako sa susunod na araw.." Sabi ni Evan.

"Alam ko."

Agad may kinuha si Evan sa isang drawer..

"Orang, itago  mo ang singsing na binigay ko sa 'yo nung isang araw..Ayaw kong makita ni Lola." Agad na sinabi ni Evan.

"Ha? Pag-aari 'yon ng lola mo? Eh bakit mo ibinigay sa akin?" Pagtataka ni Orang.

"Because I want you to keep it. Wala akong panahon para pumunta ng Guatavala at bumili ng regalo para sa 'yo. I mean..That's very important to me..to our friendship." Sabi ni Evan at pinakita ang isang maliit na box.

"ANo na naman 'yan?"

"Eto ang gagamitin mong palawit sa kwintas. Ayaw kong pagdiskartehan ni Lola ang totoong singsing na ibinigay ko sa 'yo." Sabi ni Evan habang isinusuot sa daliri ni Orang ang isang singsing na magkaiba sa disenyo sa unang singsing na ibinigay nito.

"Evan, bakit parang kabado ka?" Napatanong si Orang.

"Hindi ako kabado. Ayaw kong pagdiskartehan ka at pag-usapan ng mga tao dito sa paligid. Alam kong pinag-uusapan nila tayo. Orang, ayaw kong masaktan ka nila na maging dahilan baka lalayo ka o aalis ng wala sa oras. Nangako kang nandito parin hanggang sa pagbalik ko, hindi ba?" Nilinaw ni Evan.

"Naku naman, ilang beses mo na bang narinig sa bibig ko na WALA NGA AKONG TAKAS SA KUKO NG LOLA MO. TSAKA SAAN NAMAN AKO PUPUNTA? Tsaka, paano kung makita ito ng Lola mo at magtatanong?" Tinaasan pa ng kilay ni Orang si Evan habang pinagmamasdan ang bagong singsing.

"Hindi naman nya mahahalata kasi magkaiba ang disenyo, tsaka kung mangyaring magtatanong s'ya, e di sabihin mong MAY ISINANLA AKONG SINGSING MO NOON AT ITO 'YONG KAPALIT. IKAW NANG BAHALA DUMUGTONG NG KWENTO." Sabi ni Evan.

"Sira ulo ka talaga." Mahinang batok ang iginawad ni Orang sa kaibigan.

Bahagyang ngumiti lamang si Evan at hindi inakala ni Orang na..

"Mmmmmmmmmmm.." Hinalikan sya ni Evan sa labi. Ilang minuto din naglabanan ang kanilang mga labi.

"I'll miss your kisses..your smile..your laughter..Everything." Halos pabulong na sinabi ng binata, tila tumigil ang mundo ni Orang sa mga sandaling 'yon.


" Pahabol ba ito ng FRIENDS WITH BENEFITS natin noon?" Tanong ni Orang.

Ngumiti si Evan, hihirit pa sana ng isa pang halik nang..

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon