Chap. 32

465 27 17
                                    

Lumipas ang ilang araw, sa pamamahay nina Evan..

"Anak, kompleto na ba ang mga dala mo?" Tanong ng ama ni Evan habang pinagmamasdan ang binata na inaayos ang sarili sa harap ng salamin.

"Yup." Tipid na sagot ni Evan. Lumapit si Ernesto at tinapik ang balikat ni Evan.

"You'll be fine. We will be fine. Lagi mong isipin ang ginagawa naming ito ay para sa kinabukasan mo. Siguro naman, sapat na ang naranasan mong hirap noong lumayo ka sa amin." Paalala ng ama ni Evan.

Napangiti ng bahagya ang binata at minsan pa sumagi sa kanyang isipan si Orang. Napabuntong hininga ito at humarap sa ama.

"Yeah, I learned my lesson Papa." Sagot nito sa ama.

"I hope you keep your dream. We're hoping for you and the entire family. Sana h'wag mo kaming biguin." Mahinang boses ng ama.

"Yes, Papa. I will never fail you." Nangako ang binata. Dahil napayakap ang ama sa kanya at sinabing " That's my boy."

Hindi naman tumagal ang ama ni Evan at lumabas sa silid ng anak. Nang mapag-isa si Evan, dali-dali nitong kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan si..

"Hello, Orang.."

---------------------------------------------------------------------------

Nasa gitna ng bukirin si Orang, basang basa ng pawis dahil namimitas s'ya at ng kanyang mga kasama ng mga sitaw, okra at ampalaya. Sa di kalayuan naman ay may naglalagay sa mga box dahil agad ipapadala ang mga produkto sa syudad ng Guatavala.

KRING KRING KRING..

"Anak ng tokwa! baka si Senyora na naman ito." Napapakunot pa ang noo ni Orang na kinuha ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Napadilat ang mga mata ni Orang nang mabasa ang pangalan ng tumatawag.. Agad gumuhit ang malapad na ngiti ni Orang at dali-daling tinanggap ang tawag ni Evan. Dahan dahan din s'yang umalis sa kanyang pwesto. Umiiwas ang dalaga na may makarinig sa tawag ng binata.

"Hello, Evan."

Napalundag ang puso ni Orang sa tawag ng binata. Sabik na sabik s'yang marinig ang boses ni Evan.

(Orang..Tumawag ako dahil aalis na ako mamayang hapon.)

"Ha? Ngayon na ba ang alis mo." Nagsimulang nababasag ang boses ni Orang.

( O-Oo. )

Madaling namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ni Orang. Halos di n'ya malaman kung anong sasabihin. Ang maikling saya n'ya at tila napalitan ng agarang lungkot.

" E-Evan, mag-iingat ka doon."

( Thanks. At ikaw, mag-iingat ka. Matatagalan tayong magkitang muli.)

"O-Oo nga. Pero meron namang FB, Twitter, WhatsApp, Hangouts..maraming paraan para makapag-usap tayo." Sabi ni Orang.

( Oo naman. I will keep in touch with you. )

"Evan, h'wag kang mag-alala sa akin. Sundin mo ang mga magulang mo para sa kinabukasan mo ang lahat. H'wag kang pasaway."

( Ilang beses ko nang narinig 'yang mga linyang 'yan sa 'yo. OPO. )

"Tsaka, h'wag kang magpapalipas ng gutom. Dapat maging maingat ka sa 'yong kalusugan."

( OPO. )

Napangiti si Orang.

( Orang, yong pangako mo.)

"Anong pangako?"

( Hayy, naku nakalimutan mo na yata.)

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon