Chap. 12

1.4K 69 17
                                    

 Mangiyak ngiyak si Orang sa kanyang sinapit sa matanda. Awang awa naman sina Linda at Aling Sema sa dalaga. Samantala, nasa sariling silid si Senyora Aguida, pigil na pigil parin ang galit sa kanyang apo. Halos di makapag salita si Evan sa kanyang nagawang kasalanan. Lagi lamang nakayuko ang binata at halos di makatitig sa kanyang lola.

"Evan, you are a big problem of your parents. Hindi ko akalain na ikaw ang maging dahilan ng nangyaring sunog.  You know it's dangerous. Nakapaskil sa dingding ng bodega ang pagbabawal ng paninigarilyo doon. Hindi mo ba nakita? O sadyang hindi mo rin ginamit ang logic? Nakita mo namang mga tuyong balat ng bawang ang meron doon. Bakit hindi kana lang humithit sa hardin? At kelan ka pa natutong manigarilyo? Alam kong hindi alam ng mga magulang mo na may panibago kang bisyo." Dakdak ng matanda sa apo nito.

"I'm sorry.." Mahinang sagot ni Evan habang nakayuko parin. Hiyang hiya sa kasalanang kanyang nagawa.

"Evan, you have to make a plan for your life. Hindi pang habang buhay ay palalamunin ka ng mga magulang mo. Damn! You give me a headache. Alam mo bang ipapadala ang mga naka-imbak na mga bawang na 'yon sa mga mamimili? Por dios por santo! Pwes, bukas na bukas din pumunta ka sa taniman ng mga bawang, makisama ka sa mga tauhan na umani ng mga bawang. Kahit tirik ang araw, h'wag kang umarte at umasta na apo kita. Kailangan mong magtrabaho para sa nasunog mong mga bawang ko." Lumaki ang mga mata ng matanda.

Kagat labi si Evan at napakuyom ang mga kamay. Agad itong lumabas sa silid ng matanda at tinungo ang kanyang kwarto.

BLAG

Napaupo sa kanyang kama ang binata at pinagsusuntok ang unan sa kama. 

"Damn!" Galit na galit si Evan sa kanyang sarili lalo pa't sumasagi sa kanyang isipan ang pagpalo at pagsampal ng kanyang lola kay Orang.  Napasabunot si Evan sa kanyang sariling buhok. Hindi n'ya alam kung paano haharapin si Orang gayung s'ya ang dahilan ng sunog.

Agad tumayo si Evan, naisipan n'yang puntahan si Orang. Dali dali s'yang lumabas sa kanyang silid at tinungo ang silid ng kaibigan. Nagdadalawang isip man si Evan pero kailangan n'yang humingi ng paumanhin kay Orang. Napapalunok ng laway si Evan, iniisip n'yang baka makakarinig sya ng masasakit ng salita mula sa dalaga.

"Bahala na.." Bulong ni Evan.

TOK TOK TOK

Ilang sandali bumukas ang pinto. Binuksan ni Linda.

"Si Orang?" Mahinang tanong ni Evan. Hindi umimik si Linda at pinapasok ang binata. Agad pumasok si Evan at nakitang dinadampihan ng ice pack ng mayordoma ang braso ng dalaga na tinamaan naman ng tungkod ng matanda. 

"Jesus.."

Napatingin si Orang at ang mayordoma.

"Ayan, si Orang ang nakatanggap ng parusa ng Lola mo. Parusa na pinataw ng pabigla bigla. Ikaw ano? Dios ko, Evan nandadamay ka ng ibang tao sa pagiging sutil mo." Sermon ang inabot ni Evan mula sa matandang mayordoma.

"Pasensya na po. Di ko naman naisip na aabot sa ganito ang lahat." Sagot ni Evan.

"D'yan kana man magaling..Hugas kamay." Sabay irap ng matanda at tumayo. Iniwan sina Evan at Orang, lumabas narin sa silid si Linda. Alam ng dalawa na hihingi ng paumanhin si Evan kay Orang. Hiyang hiya si Evan kay Orang habang nakikita nitong dinadampian ni Orang ng ice pack ang mga pasang natamo mula sa matanda.

Pakuway, inagaw ni Evan ang ice pack at s'ya mismo ang nagdampi sa braso ni Orang. Awang awa sya sa sinapit ni orang. Hindi magawang magsalita ni Orang kundi ang tumulo ang luha.

"I'm sorry. It was my fault. She's not supposed to hurt you. Kesyo kasalanan mo man o hindi, wala s'yang karapatan na hambalusin ka ng kanyang tungkod. Madalas ba n'yang ginagawa sa 'yo 'to , sa tuwing nagkakamali ka? Alam kong malaking utang na loob mo sa kanya, pero labis na ang ginagawa nya. " Sabi ni Evan.

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon