Chap. 13

1.4K 69 24
                                    

AN :Super Haba... Walang edit na. Basta may update.

-------------------

Kapwa napadilat ng mga mata ang dalawa nang maglapat ang kanilang mga labi. Pakiramdam nila ay tumigil ang lahat sa kanila. Dahil kapwa nagulat ang isa't isa..Agad silang naghiwalay. Halos parehong di makapag salita ang dalawa. Napatakip ng kanyang bibig si Orang. Napakagat naman ng labi si Evan at di malaman ang gagawin. Mabilis agad nag-isip si Evan..

"I'm sorry.." Sabay ng kanyang pagkalito dahil sa nangyari.

Hindi parin magawang magsalita ni Orang. Pero ibang ideya naman ang pumasok sa utak ng dalaga.

"Pwe! Pwe!" Pinunasan agad ni Orang ang kanyang labi ng manggas ng kanyang t-shirt.

Agad namang napahawak sa kanyang lalamunan si Evan. 

"Orang, I'm sorry. Hindi ko naman akalaing.." Di masabi sabi ng binata ang di inaasahang halikan nila ni Orang.

"Pwe! Bwisit ka! May pagnanasa ka ba sa akin?" Walang prenong tanong ni Orang.

"Hoy, kadiri ka! What a joke? Accidental kiss 'yon..not intentional." Biglang nagising ang utak ni Evan. 

Biglang umiba ang titig ni Orang kay Evan.

"Orang, believe me. Hindi ko sinasadya." Paliwanag ni Evan sabay ng kaba sa dibdib. Tumaas ang kilay ni Orang at tumalikod. Hinabol ni Evan ang kaibigan. Hinarangan ang pinto.

"Orang."

"Evan, tama na ang narinig ko. NOT INTENTIONAL..ACCIDENTAL KISS lang 'yon. H'wag kang OA. Wala namang nawala sa akin eh..tsk." Sabi ni Orang. Umatras ng bahagya ang binata kaya agad binuksan ni Orang ang pinto at lumabas.

Nakahinga ng maluwag ang binata..pero si Orang..

"Shit! Ha ha ha ha ha..My god, bakit ang bilis ng utak kong makaisip kanina ng DA MOVES..kaya ayan naka-score tuloy ako.. Waaaa tsalap tsalap!!!" Umabot hanggang tenga ang ngiti ni Orang. Sabay naalala nya..

Nang hinawakan ni Evan ang kanyang kamay, isang bagay ang agad ang naisip nya..ANG PAGNAKAWAN NG HALIK SI EVAN. Tamang tama nang hinila sya ni Evan, MALAKING HAKBANG ANG NAGAWA NI ORANG PALAPIT KAY EVAN..SABAY NINAKAWAN NG HALIK ANG BINATA. UPANG DI MAHALATA NI EVAN ANG GINAWANG KAPILYAHAN NITO; NAGKUNWARI SI ORANG NA NABIGLA SA NANGYARING HALIKAN. NAISIP PA NYANG MAG-DURA KUNWARI DAHIL SA PAGKABIGLA. PERO ANG TOTOO AY PAGTAKPAN ANG KANYANG KAPILYAHAN.

"Hayy, 'yan ang premyo ko sa 'yo Evan..isang halik lang..bwahahahaha ang sarap ng feeling pag nakaisa sa crush.." Gustong tumambling at gumulong gulong si Orang sa sahig.

--------------------------------------------------------

Sumunod na araw..

9AM

EVAN'S POV

Aray..ang sakit naman ng katawan ko. Tsk, hindi nga pala ako nahilot ni Orang kagabi. Lintek naman 'yong nangyari kagabi. Kung bakit kasi hinatak ko pa si Orang? Argh! Halos hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip. Simula ngayon maging maingat na ako. Mahirap na at baka kung ano pa ang maisip ni Orang. Alam ko namang walang kahulugan kay Orang ang nangyari kagabi; kelan man hindi s'ya seryoso. Sanay na ako sa kanya. 

Pinilit kong tumayo, ramdam ko ang pananakit ng aking balakang, mga tuhod, balikat at kamay. Ewan kung pinarating ni Lola kina Papa at Mama ang ginawa ko. I hope not. Dahil siguradong mapapasugod sila dito dahil ayaw nilang sumakit ang ulo ni Lola sa akin.  Magmula kahapon pakiramdam ko galit ang mundo sa akin. Mga bwisit pa ang mga tauhan ni Lola sa bukid, 'yong mga titig nila na para bang pinagtatawanan nila ang ginagawa ko.  Ang sarap nilang hambalusin ang mga ulo ng sabay sabay. Mabuti nalang dumating si Orang. Parang mga basang sisiw 'yong ibang tauhan. Huh! Titiklop lang ang tapang ni Orang kay Lola pero sa kanila magagawa silang parang bola na idi-dribble. 

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon