Chap. 31

549 22 30
                                    

" Your son needs no surgery. He's fine. Kailangan lang ng tuloy tuloy na pag-inum nya ng gamot. There's nothing to worry about." Sabi ng doktor sa mga magulang ni Evan. Napangiti hanggang tenga ang mga ito at niyakap ang kanilang anak.

"However, he needs check-up every month. Anyway, he can travel abroad if you wish to go. Ipapagawa narin namin ang medical report para sa hospital na inyong padadalhan sa kanya." Dagdag ng doktor.

"Narinig mo 'yon anak, wala palang malaking problema pwede kang magbyahe." Sabi ng ina ni Evan. Napangiti naman ang binata matapos marinig ang sinabi ng doktor.

Hindi naman tumagal sina Evan sa hospital. Umuwi sila ng kanilang bahay. Pagkarating pa lamang nila ay sinalubong sila ng secretary ng kanyang ama.

"Good morning, Sir. May importante po akong sasabihin." Sabi ng sekretarya at tila nababalisa.

"Okay. Let's go to my office." Sabi ni Ernesto at nilingon ang panganay na anak. Pinagkibit balikat naman ni Evan.

Nagmadaling naglakad ang sekretarya at si Ernesto sa loob ng isang silid.

"What's the problem Vivian?" Tanong ni Ernesto.

"Sir, tumawag po ang bangkong pinagkautangan ninyo. Halos 3 buwan na po tayong di nakapagbayad ng interes at pinaalala po nila sa atin ang kontrata."

Napabugtong hininga si Ernesto matapos marinig ang ibinalita ng sekretarya. Napaisip ito ng malalim.
Agad itong kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang isang kaibigan.

"Pare, tumawag ako sa 'yo. Di ba gusto mong bilhin ang isang share ko sa kompanya ng ****? I think I need to give it up to you."

( Wow, biglaan yata ang desisyon mo Ernesto. May problema ba? )

"Nalulugi ang kompanya ko at kailangan ko ng dagdag na pera at isa pa maraming naniningil sa akin dahil nakahiram ako ng pera. Lalong lalo na sa bangko." Paliwanag ni Ernesto.

( Sana kung noon pa pumayag ka na makipag-sosyo ako sa negosyo ninyo e di sana wala kang problema. At isa pa, may utang ka sa akin. Ilang beses kanang nakiusap na bigyan kita ng palugit. Ako naman ay pusong mamon pagdating sa 'yo. Well, then if that's what you want I will help you. But with one condition.. )

( AN : SKIP TAYO SA PINAG-USAPAN.. )

"What? Bakit mo naman naisip 'yon?" Nagulat si Ernesto sa sinabi ng kausap nito.

( Ernesto, I just want to save my family. And I want to save yours. Come to think of it. )

"Iniisip ko ang hinaharap."

( Ernesto napaka simple ng hiling ko at mareresolba ang problema mo. )

"Fine."

( Then make a plan now. The early the better. )

Napakagat ng labi si Ernesto sa sinabi ng kaibigan.

----------------------------------------------------------------------

Sa silid ni Evan..

"Hijo, may gusto akong tanungin sa 'yo." Sabi ni Evangeline sa anak.

"Bakit?" Tanong ni Evan.

"Gusto mo ba talagang pumunta ng abroad? Baka kasi napipilitan kalang." Nasabi ng ina ni Evan.

"Di ba kailangan dahil doon ako magpapagamot at mag-aaral. Ginusto n'yo 'yon. I don't want to disappoint you." Mababang boses ni Evan.

"Kasi ilang araw na nakikita kitang malalim ang iniisip mo. Alam kong may iniisip ka. Pwede ko bang malaman."

" Wala akong iniisip." Sagot ni Evan.

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon