Chap. 17

1.2K 67 7
                                    

Unang araw ng pagpasok ni Evan sa kanyang trabaho, maaga silang nagising ni Orang. Pinaghandaan agad ni Orang ng makakain si Evan. Napapangiti pa tuwing naaalala n'ya ang sinabi ng binata sa kanya; na s'ya ang Lucky Charm nito. Habang si Evan naman ay napapaisip sa trabahong kanyang papasukan.

EVAN'S POV

Alam kong mahirap ang trabaho ko. Pero titiisin ko. Ilang buwan lamang ang lilipas ay masasanay din ako. Mabuti nalang at kasama ko si Orang, may mag-aasikaso dito sa bahay. Malaya naman s'ya kung anong gusto n'yang gawin. Kung gusto n'yang kumita ng sariling pera ay okay lang naman sa akin. Ang mahalaga, wala akong iisipin pag dumating ako dito sa bahay; lalo na sa labahin. 

Nahihiya nga ako sa kanya dahil alam kong nag-aalala s'ya sa kalagayan ko. Pero di bale, babawi ako sa lahat ng kabutihan nya sa akin. 

Matapos kong maligo ay lumabas ako sa aking silid. Mmmmmm..Amoy na amoy ko ang corn beef at frizzled sunny- side up eggs. Naks! Talagang energetic si Orang ngayon dahil papasok ako ng trabaho. Kung sabagay, mamamasukan ako bilang trabahante sa ibang tao. Natural ibang pakikisama ang kailangan ko. Lahat ng taong makakasalamuha ko, ordinaryong pagtrato ang ipapakita sa akin. 

Dumiretso ako sa kusina, inabutan ko si Orang. At bigla akong napahinto at napadilat ng mga mata. Ang aga-aga para gulatin ako ni Orang. Napanga-nga talaga ako ng husto. Oh my God! Nakatayo na lamang ako sa bungad ng pinto at nakatitig sa kanya. Naglalagay sya ng mga pagkain sa mesa. Napalunok talaga ako ng laway. Nakasuot sya ng maiksing shorts, naka-T-shirt ng puti at naka-apron. Jesus Christ! Hindi ko mapigilan ang paghagod na tingin kay Orang mula ulo hanggang paa. Napahinto ang mga mata ko sa balakang n'ya! WOWWW!..AS IN WOWW!!

Hindi ko akalain na may tinatagong ganitong curve si Orang! BOOOM!! Pwedeng ihambing kina Jennifer Lopez, Kim Kadarshian, Beyonce at Shakira. Para akong natutuyuan ang laway. Whew! Ang aga-aga ganitong surpresa agad ang gumising sa utak ko. I really don't mind the excess fat na nakikita ko sa gilid ng kanyang katawan..Oh my God! Damn! Bakit parang uminit ang paligid?Argh! si Junior parang nabubuhay!

Agad akong napatalikod. Naisipan kong bumalik sa kwarto ko pero..

"Evan, Good morning. Halika na't kumain. Baka mahuhuli ka sa trabaho." Narinig ko ang pagtawag nya sa akin. Napapikit ang mga mata ko. At dahan dahang humarap sa kanya. Argh! Bakit naman kasi ang aga-aga ganun ang suot n'ya? Di ba n'ya naisip na kami lang dalawa nasa loob ng bahay?

Shit! Umiiba ang takbo ng utak ko. No...hindi ako paapekto. Nang humarap ako, sa ibang direksyon agad akong tumingin.

"Yeah, k-kakain na ako. Please join me." Sabi ko nalang.

"O sige." Sagot n'ya. 

Nang maupo ako, agad kong itinuon ang aking tingin sa mga niluto ni Orang. Umupo narin sya sa harap ng mesa.

"Kumain ka ng marami Evan, baka gutumin ka. Pinag timplahan narin kita ng kape. Para di ka antokin habang nagtatrabaho." Sabi nya sa akin.  Pero sa iba naman nakatingin ang mga mata ko.

Por Dios por Santo! V-neck ang suot na t-shirt ni Orang. At malaki ang neckline kaya bumaba. Abot tanaw ko ang dibdib nya. Hindi ko alam kung saan ako titingin; sa mga pagkain ba o sa dibdib ni Orang?

"Kumain kana, ano pang hinihintay mo?" 

Nagitla na lamang ako nang marinig ko ang mga tanong n'ya saka ako napasubo ng pagkain.

"Masarap ba?" Tanong n'ya.

"O-Oo. Sooo good. Yes, very good." Sabi ko sabay OKAY SIGN ang nagawa ko.

Napangiti pa si Orang sa akin. Bigla na namang iba ang tingin ng mga mata ko kay Orang. She looks so attractive..'yong tipong parang ayaw mong umalis na di man lang makakuha ng isang halik o 'yong tipong "push her against the wall and f*** her before you leave." My head is teasing me. Pero hindi ko pwedeng gawin kay Orang. For Pete's sake! Di ko naman pwedeng sabihing maghiwalay kami ng tirahan. This is enough, I have to leave the house. Umiiba kasi ang takbo ng utak ko. Binilisan ko ang pagkain. Hindi paman umabot ng 30 minuto agad akong tumayo.

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon