Chap. 29

467 31 9
                                    

Bumalik si Evan sa loob ng bahay na may ngiti. Papasok na sana s'ya sa loob ng bahay nang makasalubong n'ya ang kanyang lola.

"Saan ka ba nanggaling ?"

Bahagyang nagulat ang binata.

"Ho? Ah..doon lang po sa likod bahay. Pumunta po ako sa bodega." Sagot ni Evan, kitang kita nya ang pagtaas ng kilay ng kanyang lola.

"Ehem..pinuntahan mo talaga si Orang." Sabi ng matanda.

"Ah..eh gusto ko lang naman pong may makausap." Pagdadahilan ng binata.

"Aba, pwede mo namang kausapin si Linda o di kaya mga ibang katulong dito. Bakit ba puro si Orang nalang ang hinahanap mo tuwing nandirito ka?" Naintriga na ang matanda.

"Lola naman, para kayong naninibago sa aming dalawa. Alam n'yo namang kasangga ko si Orang. Tsaka, BFF ko 'yon." Sagot ni Evan sabay kamot ng kanyang ulo. Lalong umarko ng husto ng kilay ng matanda.

"Pinapaalala ko lang kung sino sya sa bahay na 'to." Diretsang sinabi ng matanda.

"Lola, stop treating her as your servant. She's loyal to our family. She loves and respect you. Why are you so naive?" Tanong ni Evan.

"Stop it. Ako ang nagpalamon sa kanya. Kung hindi dahil sa akin malamang matagal na s'ya miyembro ng mga babaeng bayaran ng tiyahin n'ya." Sagot ng matanda.

"Hindi n'ya kagustohan na tumira dito at ampunin nyo." Diinang sinabi ni Evan.

"I promised to her mother to keep her away from her Aunt. Kahit magkadugo pwedeng ipagkanulo kapalit ng salapi." Sagot ng matanda.

"Hindi naman siguro ganun ang Tiyahin n'ya." Sagot ni Evan.

"Whatever. Eto lang masasabi ko sa 'yo, h'wag kang masyadong lumapit kay Orang. Alam kong naging usap-usapan kayo nang tumakas kayong dalawa. Evan, marumi ang isipan ng ibang tao; h'wag n'yo nang dagdagan. " Sabi ng matanda sabay tumalikod.

Napatiim bagang si Evan.

Habang patuloy sa kanyang trabaho si Orang, panandaliang napahinto ang dalaga at pinagmasdan ang singsing na ibinigay ni Evan sa kanya.

"Kung sana isang engagement ring ito galing kay Evan, lalapad na sana ang ngiti ko hanggang tenga..pero hindi. Hayyy, tsk tignan mo nga naman etong si Evan kung anu-ano pang nasa isip. Hindi ko kailangan ang mga material na bagay. Gusto kong maramdaman nya na mahal ko s'ya kahit super manhid sya." Napasimangot pa ang mukha ng dalaga habang pinagmamasdan ang singsing..Nang biglang may naamoy si Orang.

"Shit! Amoy Bulgari na pabango." Sabay isinilid ni Orang ang singsing sa kanyang bulsa. Lumingon agad ang dalaga. Ilang dipa na lamang ang layo nakikita n'yang papalapit si Senyora Aguida. Agad binaling ni Orang ang sarili sa trabaho. Habang papalapit ang matanda may kabang nararamdaman si Orang. 

"Orang, bilisbilisan mo ang ginagawa mo. Hindi makapaghintay ang driver na hahatid ng mga produkto natin dahil marami pang pupuntahan." Sabi ng matanda na nakatayo sa likuran ni Orang.

"Opo." Mahinang sagot ni Orang. Kasunod ay katahimikan. Bawat isa sa kanila ay nakikiramdam.

"Orang, matanong nga kita..Ayaw ko ng paligoy ligoy sa sagot. May namamagitan ba sa inyo ni Evan?" Biglang tanong ng matanda. Nanlaki ang mga mata ni Orang sabay lunok ng laway. Kumunot ang kanyang noo. Lalong lumakas ang kaba sa dibdib ng dalaga.

"Senyora, wala po kaming relasyon ni Evan. Magkaibigan lang po kami. Kahit noong magkasama kami sa Santa Catalina..ako nga po ang nangungunsume sa apo n'yo. Ang tigas kasi ng ulo." Naisip sabihin ni Orang.

"Tsk, eh bakit mo natiis na samahan ang mokong na 'yon?" Tanong ng matanda.

"Eh Senyora walang alam sa buhay 'yong apo n'yo. Ultimo magsaing ng kanin nasusunog pa o kaya lugaw. Ni hindi nga marunong magprito ng isda o maglaba ng boxer shorts nya, dapat bang iwan 'yon?" Pagdadahilan na lamang ni Orang.

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon