Chap. 18

1.5K 64 12
                                    

AN : HAPPY NEW YEAR!! ETO ANG UPDATE KO. BIGYAN KO MUNA ng SOLID MOMENT 'YONG DALAWA.  WALANG EDIT ITO..GO! GO!

---------------------------------------------------------------


Masayang binalita rin ni Orang kay Evan ang tungkol sa trabahong kanyang papasukan. 

"Talaga magra-raket ka narin?" Natanong ni Evan.

"Yup. Nakakahiya namang umasa lang sa 'yo tapos sa iisang bubong tayo nakatira. Dapat hati tayo sa mga bayarin dito sa loob ng bahay." Sabi ni Orang.

"Orang, hindi kita pipigilan. Hindi rin kita sisingilin sa anumang gastusin natin dito sa bahay. Kasama kita, hindi ka iba sa akin. Kung mapapagod ka sa trabaho mo pwede kang huminto. If you need money then tell me." Untag ng binata.

"He he he he para tayong mag-asawa sa takbo ng ganung drama." Sabi ni Orang.

"Silly." Agad ginulo ni Evan ang buhok ng kaibigan.

"Nakakaasiwa ang ganung set-up; h'wag namang ganun." Sabi ni Orang ngunit ang totoo kinikilig s'ya at pabor na pabor sa sinabi ni Evan sa kanya.

"We're not couple. We're----friends. Close to each other. Turingang kapatid." Agad na sagot ni Evan. Dahilan napa-nga-nga si Orang at napilitang tumango.

"Arg! may kumikirot sa dibdib ko.. Hindi ba pwedeng maging KAMI? Ambisyosang palaka ako pero KAPIT PARIN AKO SA PANAGINIP KO." Lihim napangiwi si Orang. Samantalang napangiti lamang si Evan.

---------------------------------------------------------------

Unang araw ng trabaho ni Orang, maagang nagising si Orang at inasikaso ang loob bahay. Inihanda ang mga pagkaing lulutuin para kay Evan. Mabilis ang kanyang kilos dahil kailangan n'yang mahabol ang oras. Nais n'yang maayos na ang lahat bago s'ya aalis ng bahay.

"Good morning. Parang excited ka yata." Bati ni Evan sabay napansin ang mga kilos ng kaibigan.

"Syempre dapat energetic na ako dahil unang araw ng trabaho ko. " Sagot ni Orang.

"Ehem, tutal araw lang naman ang pagitan nating dalawa sa pagpasok ng kanya-kanya nating trabaho, sa unang sweldo kapwa tayong manglibre sa isa't isa." Sabi ni Evan.

"Ayos 'yon! Okay." Thumbs-up si Orang.

"Pero Orang, mag-ingat ka sa trabaho mo. Alam mo namang maraming mga pilyong kostumer na pumapasok. 'Yong iba pasaway. Nag-aalala ako baka ka mabastos. Pag binastos ka, supalpalin mo agad. Sabay takbo, walang lingon-lingon." Turo ni Evan.

"He he he he he..Don't worry. Yakang yaka ko 'yan. Ikaw nga ang inaalala ko eh. Baka sobrang pagod mo sa trabaho. Tsk, alam kong kaya mo pero syempre 'yong katawan mo ang di ako sigurado." Nabanggit ng dalaga.

"Sus, h'wag kang mag-alala matibay itong katawan ko." Pinagmalaki pa ni Evan ang muscles n'ya.

Sabay silang kumain ng almusal. Hindi naman tumagal at nagpaalam si Evan kay Orang.

"Orang saan nga pala ang papasukan mong trabaho? Baka mamaya maaga akong matatapos sa trabaho ko dadaanan kita." Nasabi ni Evan dahilan napadilat ang mga mata ni Orang. Dahan dahan humarap kay Evan si Orang at ngumiti na hanggang tenga.

"Owww na touch ako. Takot kang may manloko sa akin? Mmmmmmm..." Sabay pabebe ng dalaga.

Agad inakbayan ni Evan si Orang lalong nagpakilig sa dalaga. Kagat labi na lamang ang nagawa ni Orang upang pigilan ang sarili sa sobrang kiliting nararamdaman. Dahan dahan silang naglakad papuntang pinto.

"Jusko po..feel na feel ko talaga itong moment. Supportive si Daddy Evan ko. Ayeee!!! Sarap halikan..Mas masarap kung may goodbye kiss pa ito..pramis." Namumula na ang pisngi ni Orang sa sobrang kilig na di nya mawari sa mga sandaling 'yon. Pasimpleng tumirik ang mata at tila humihiling sa langit.

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon