cHAP. 21

1.4K 63 17
                                    

ORANG'S POV

Matapos naming ginawa ni Evan ang pagsiping kanina, hindi ko alam kung tama ba ang nagawa ko o mali. Tama dahil gustong maramdaman na naging akin s'ya kahit sandali. Walang ibang paraan para mailabas ko ang nararamdaman ko. Takot akong aminin sa kanya ang totoo baka magbago pa ang lahat. Ayaw kong mawala s'ya o iwasan n'ya ako dahil meron nang nangyari sa amin. Di ko s'ya pipilitin na mahalin ako dahil alam kong WALA SA ISIP N'YA NA MAUUWI KAMI SA ISANG RELASYON MALIBAN NA LAMANG SA PAGIGING MAGKAIBIGAN. Kahit paman ibinigay ko ang sarili ko kay Evan hindi 'yon sapat upang turuan n'ya ang sarili n'ya na mahalin at tanggapin ako. Alam ko rin namang ang dating nobya n'ya ang kanyang iniisip. Mali na kung mali, sadyang hindi ko kaya pigilan ang nararamdaman ko sa kanya. Kahit magmumukha akong gaga nito at tanga pero naging maligaya ako..maligayang maligaya sa unang pagkakataon. Narating ko ang UNANG LANGIT.

EVAN'S POV

Hindi ko akalaing ibibigay ni Orang ang kanyang sarili sa akin. Damn! It was a good sex with her. I didn't control myself.  Ahh, sadyang di ko maiwasang di mailabas ang init ng katawan ko. Kampante naman akong hindi magbabago ang pagtingin ni Orang sa akin. She's very important to me. Parang kapantay ng pamilya ko ang pagtingin ko sa kanya ngayon. Alam kong naniniguro lamang si Orang sa taong pagbibigyan n'ya ng kanyang sarili. Oh my God, she trusted me that much. 

Friends with benefits..Yon ang sabi n'ya. Ganun lang ang lahat sa kanya. Hindi s'ya naghinayang sa nawala sa kanya. Ahhhhh, dapat ba akong makonsensya? 

______________________________________________________

Samantala sa Guadalupe..

"Matagal nang nawawala sina Evan at Orang hanggang ngayon hindi natin sila natatagpuan. Kailangan na sigurong magpalathala na tayo sa dyaryo." Sabi ni Senyora Aguida.

"Huminahon ho kayo, pasasaan ba't uuwi rin si Evan pag naubos n'ya ang kanyang perang nakuha sa inyo." Sabi naman ng ama ni Evan.

"Anong klase ka bang ama? Hindi ka manlang nag-aalala kung nasaan ang iyong anak. Kahit na sabihin mong isa s'yang sutil o sakit ng ulo sa 'yo, anak mo parin ang bata!" Sermon ng matanda.

Hindi na lamang sumagot ang ama ni Evan, ayaw na nitong makipagtalo pa sa kanyang tiyahin. Batid din naman nitong nag-alala ng husto ang matanda sa kanyang apo. Magmula nang mawala sina Evan at Orang walang araw na di tinatanong ng matanda kung may balita na sa dalawa. Madalas nakadungaw sa bintana na tila naghihintay sa mga sasakyan na napapahinto sa harap ng bahay.

Nang...

KRINGGG KRINGGG KRINGGGG

"Hello."

( Sir, tumawag po dito ang bangko nagpapa-alala po sa utang ninyo. Tsaka, tumawag dito ang ***** Capital, nagpapa-remind sila sa pera na kinuha nyo sa credit card ninyo. Pag di po daw ninyo aasikasuhin maghahabla po sila ng reklamo laban sa inyo. )

"Okay, ihanda mo ang cheque at pipermahan ko para mabayaran na 'yan lahat. Teka nga muna 'yong mga kliyente ba natin nagbayad na ba? "

( Yes, Sir pumasok na po ang mga binayad nila pero hindi po 'yon sapat upang mabayaran ninyo 'yong sinisingil ng bangko at ng ******Capital. )

"Pwes, bayaran muna natin ang interes nang sagayon hindi magdudoble ang problema. Sa susunod na lamang na buwan natin babayaran ang principal amount."

( Sir, baka mahihirapan po tayo abutin ang pera sa susunod na buwan, kasi 'yong ibang kliyente natin ay nagigipit din kaya binabawasan nilang kumuha sa mga products natin. )

Napapikit ng mga mata ang ama ni Evan. Ligid sa kanyang kaalaman nakikinig ang matanda.

" Problema sa pera na naman ba ang problema mo?"

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon