Chap. 19

1.3K 63 2
                                    

Gabi-gabi hindi nakakaligtaan ni Evan na di sunduin si Orang sa karinderia na pinapasukan nito. Kaya naman abot langit din ang tuwa ni Orang at lalong napapalalim ang pagkagusto nito sa binata. Ayaw ni Orang na mahalata ni Evan ang kanyang lihim na pagmamahal kaya naman may mga pagkakataong..

"Evan, mauna kana lang umuwi mamaya. Kasi mag-o-overtime ako ng dalawang oras. Wala kasi ang isang waitress." Pinaalam ng dalaga.

"Ha? Eh sinong kasabay mo sa pag-uwi?" 

"Magpapahatid ako sa driver ng amo ko. Ayos lang, hindi naman manyakis 'yong driver. Isang tadyak at suntok sigurado bulagta 'yon. Tsaka, payat ang pangangatawan nun kaya kayang kaya kong patumbahin." Pagyayabang ni Orang.

"H'wag kang magpakasigurado, 'yong iba d'yan advance kung magplano sa gagawing kalokohan kaya dapat alisto ko." Paalala ni Evan.

"Yes, Sir." Sabay saludo ni Orang.

Tamang-tama napalingon si Orang sa kalendaryo.

"Hala, malapit na pala ang birthday ng kumag na 'to. Tamang-tama at naisipan kong mag-overtime. May pambili manlang ng maihahanda sa kanya tsaka regalo." Naisip ni Orang habang pinagmamasdan si Evan na nagpupunas ng mesa.

"May sasabihin ka ba Orang?" Tanong ni Evan.

"Ahmmm, wala. Naisip ko na malaki na ang pinagbago mo ngayon. Biruin mo noon hindi ka manlang makapag punas ng mesa pagkatapos kumain, pero ngayon ikaw na ang gumagawa. Pati narin sa pagliligpit ng mga gamit mo. Hindi ko na sinusunod." Sabi ni Orang.

"Eh, hindi na ako sa bahay nina Lola o sa amin. I need to stand on my own. And thank you for teaching me. Dati rati hindi ako marunong magprito ng isda. Pero ngayon kaya ko na. Ni hindi nga ako marunong magsaing ng kanin pero dahil sa tinuruan mo ako, eh di bawas na sa gawain mo dito sa loob ng bahay. Kahit kunting gawaing bahay dapat kong gawin, kasi alam kong pagod karin." Untag ni Evan.

"Ano kaya Evan kung hindi tayo naging magkasama?" Naisip tanungin ni Orang.

"Ewan ko. Siguro sobrang hirap ang pagdadaanan ko. Sobrang gastos narin." Sagot ni Evan.

Napangiti na lamang si Orang, pakiramdam n'ya naging bahagi na s'ya sa pagbabago ng buhay ni Evan.

-----------------------------------------------------------

Dumating ang araw ng kaarawan ni Evan, maagang nagising si Orang. Agad n'yang tinungo ang kusina at nagluto ng mga pagkain. Iniisip n'ya ang bibilihing regalo para kay Evan at ang ihahanda sa araw na 'yon.

"Good morning.." 

Agad napaharap si Orang.

"Happy Birthday!" Mabilis na binati ni Orang si Evan. Agad itong humakbang at napayakap ng mahigpit kay Evan. Dahil sa gulat ni Evan, napayakap din kay Orang.

"Thank you, Orang. Salamat at naalala mo pala."

"Engot, natural 'no. " Sagot ni Orang sabay pitik sa noo ni Evan.

"Ouch! Eto ba ang surpresa mo?" Tanong ni Evan habang hinihimas ang noo nito.

"He he he he he nilalambing lang kita, kasi birthday mo." Sabi ni Orang.

"Ang sama mong maglambing. H'wag kana nga palang mag-isip sa mga ihahanda. Ayaw kong mapagod ka at mag-isip pa gayung may trabaho kang ginagawa. Ako nang bahala sa mga kasama ko sa trabaho."  Paliwanag ni Evan.

"Ahhh ganun ba. Eh di sige, ikaw ang bahala." Ngunit sa kaloob looban ng dalaga nais n'yang makita at maramdaman ni Evan kung gaano pinapahalagahan nito ang kanilang samahan.

"Uuwi ako ng maaga, syempre magcelebrate tayong dalawa. Pwede ba namang hindi kita ililibre..malakas ka sa akin." Tinapik tapik ng binata ang balikat ni Orang. Ngunit may kunting dismaya ang dalaga. Hindi na lamang nagpahalata.

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon