Chap. 27

538 33 11
                                    


AN : SPG ALERT.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Nagmamadali ang matanda na makabalik sa silid ng kanyang apo. Habang sa silid naman ni Evan, damang dama ni Orang ang matamis na halik ng kanyang kaibigan. Tila tumigil ang mundo ni Orang sa mga sandaling 'yon. Napapikit pa sya ng kanyang mga mata.

Nasa harap na nang pinto ang matanda..dahan dahan na nitong pinihit ang door knob.

Napadilat ng husto ang matanda sa kanyang nasaksihan. Sabay ang pagkunot ng kanyang mga noo. Biglang nasira ang mukha ng matanda tila nandiri sa kanyang nakita. Sabay.

ORANG!!

Isang malakas na sigaw ang napadilat sa kanya. Kaya agad napatayo ang dalaga na parang estatwa. Maging si Evan napadilat din ng kanyang mga mata. 

Mabilis humakbang ang matanda at lumapit sa kanyang muchacha.

PAK

Isang malutong na sampal ang tinanggap ni Orang.

"Punyeta ka! Anong ginagawa mo kay Evan?" Tanong ng matanda. Hindi malaman ni Orang kung anong isasagot sa matandang amo. Tila naputol ang kanyang dila dahil sa pagkabigla. Tanging nagawa nya ay napayuko at hinaplos ang kanyang pisnging tinamaan ng palad ni Senyora Aguida.

"ANo? Sumagot ka." Utos pa ng matanda.

Napapikit ng mga mata si Orang..di malaman kung anong idadahilan. Napakagat sya ng kanyang labi.

"Ano?!" Bulyaw ng matanda.

"May -----sina--sabi po kasi si E-van. Di ko ho maintindihan k-kaya k-ko inilapit ng husto ang mukha k-ko sa kanya. " Sagot ng dalaga.

Tumaas ang arko ng kilay ng matanda at tila di naniniwala sa sinasabi ng kanyang muchacha.

"Ungggg----unggggg....T---tu---big....O---rang.."

Bilgang umungol si Evan at bumulong ng mahina, sapat na nakuha ang atensyon ng matanda. Agad itong lumapit sa kanyang apo. Nakapikit ng bahagyan ang mga mata ni Evan, naramdaman nya ang paglapit ng matanda.

"Evan..hijo." Ginising ni Senyora Aguida ang apo. Kunwari ay di naririnig ni Evan ang boses ng matanda. Tuloy parin ang kanyang pang-ungol. 

"T---tubig...O--rang."

Mahinang bulong ni Evan. Maging ang matanda ay napakunot ng noo at mismong inilapit din ang kanyang tenga sa apo, upang marinig ang sinasabi ni Evan.

"Unggggggg.."

Habang si Orang naman ay di na maunawaan ang reaksyon nang makitang nag-iinarte narin si Evan upang mapagtakpan ang kanilang nagawa. Ang kaba sa dibdib ni Orang ay tila kumalma---nais n'ya nang tumawa ngayon sa kanyang nakikita. Pinigil ni Orang ang sarili na hwag tumawa kaya tinakpan nya ang kanyang bibig.

Biglang napalingon ang matanda sa kanya.

"Hoy, anong tinitingin tingin mo d'yan..halika at ikaw nga ang makinig kung anong binubulong ni Evan." Utos ng matanda.

Napakamot ng ulo si Orang bago lumapit sa kaibigan. Muli n'yang nilapit ang kanyang mukha kay Evan.

"T--tubig."

Malinaw na sinabi ni Evan upang marinig narin ng matanda.

"Tubig raw ho." Agad umayos ng tayo ang dalaga at kumuha ng tubig. 

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon