Chap. 8

1.7K 85 33
                                    

Dahil sa ibinigay ni Senyora Aguida ang kanyang credit card, laking tuwa ni Evan. Maging si Orang ay napangiti hanggang tenga. Alam n'yang tutuparin si Evan ang pangako sa kanya.

"Evan aalis muna ako. May pupuntahan lamang akong kaibigan. Siguro gagabihin ako sa pag-uwi." Nasabi ng matanda.

"Ahmm..Mag-ingat po kayo Lola." Sagot naman ng binata.

"Alam kong kumakati na ang mga paa mo na pumunta ng Guatavala. Hoy, binabalaan kita  h'wag kang padalos dalos sa credit card na pinagkaloob ko sa 'yo." Bilin ng matanda sa kanyang apo.

Napakamot naman ng kanyang ulo si Evan.

"Alam ko naman po 'yon." Sabay ngiti sa matanda.

"Mmm..kung susuway ka hindi na kita pagbibigyan sa susunod." Dagdag na sinabi ni Senyora Aguida.

Tinaas lamang ni Evan ang kanyang kamay..

"Promise.." Maiksing sagot sa matanda.

"Isama mo si Orang pero umuwi kayo agad. Ayaw kong abutin kayo ng dilim sa daan. Magsama kayo ng isang tauhan." Sabi ni Senyora Aguida.

"Lola naman, marunong po akong magmaneho. Tsaka, hindi po kami magpapaabot ng dilim." Sabi ni Evan.

"Siguraduhin mo lang. Alam kong pareho kayo ng utak ni Orang. Tsk, kailangan pag dumating ako nandito na kayo." Sabi ng matanda.

"Opo." Sagot naman ni Evan. 

Mabilis na umalis ang matanda. Pagkalayo ng sasakyan ni Senyora Aguida..

"Evan.." Malambing na tinawag ni Orang ang pangalan ni Evan.

"Yes, Orang.." Sagot ni Evan sabay ang malapad na ngiti.

"Tuloy na ba tayo?" nakangiti pa si orang na tinanong si Evan.

"Of course." Naningkit ang mga mata ni Evan na sinagot si Orang. Sabay high-five sa kaibigan.

"Gyaahhh! Makakawala na ako sa hawla!!!" Napapalakpak si Orang. Kaya naman, dali-dali silang tumungo sa kanilang mga silid upang magbihis. 

Pagkaraan ng ilang sandali..

"Are you ready?" Tanong ni Evan.

"Y- E-S.. YES na Yes." Sagot ni Orang. Kaya hindi nag-atubili ang dalawa, dali-dali silang sumakay sa kotse na nakaparada sa labas..

"Fasten your seatbelt..HERE WE GO!!!" Sabi ni Evan.

BROOOOOMMMMMMMMMM

--------------------------------------------------------------------------------

Habang nasa biyahe ang dalawa, panay awitan ng dalawa. Sumasabay sila sa music na naririnig sa stereo.

"Kiki, do you love me?

Are you riding?

Say you never ever leave  from beside me..

Cause I want you, and I need you.

And I'm down for you  always.."

Duet pa nilang dalawa. 

Mahigit isang oras pa ang biniyahe nila. Abot tenga ang ngiti nila. 

"Orang, meron kana bang lista ng mga ipapabili mo?" Tanong ni Evan.

"He he he he he..syempre." Kunwaring nahihiya pa si Orang na sinagot ang binata.

"Ano na naman kaya?" Tanong ulit ni Evan.

"Secret. Syempre mauna kang bumili ng gusto mo." Sagot ni Orang.

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon