Chap. 36

790 20 29
                                    


Natatarantang lumabas sina Orang sa silid at agad pinuntahan ang amo. Inaabutan nilang pinagtutulungan ng ilang tauhan ang matanda. Agad tumawag ng ambulansya ang isang kasambahay. Si Aling Sema naman ay agad tumabi na kay Senyora Aguida at sabay hinablot ang paypay na hawak ng isang katulong.

"Dios ko po, Senyora naririnig nyo ba kami?" Mababakas agad ang pangamba sa mukha ni Aling Sema. Samantalang nakatingin lamang sina Linda at Orang. Akmang kikilos sana si Orang upang tulungan din si Aling Sema ngunit pinigil ni Linda.

"Ops! H'wag kang magpakabayani, kaibigan n'yan si Kamatayan. Dios ko, sa laki ba naman ng tenga ng matandang 'yan sa tingin mo maaga s'yang kumkunin ni Lord? Orang, umasa nalang tayo na sana maapektohan ang dila n'ya at para di na makapagsalita." Nakataas pang kilay ni Linda.

"Hoy, h'wag ka namang mag-isip ng ganyan. Hindi na 'to biro." Sabi ni Orang.

"Ay, matapos kang maliitin ng bruhang 'yan concern ka parin? Girl, gising gising din pag may time. Eh ayaw nga sa 'yo para sa apo n'ya. Hoy, ipasok mo sa kukute mo, HINDI GINTO ANG ARMAS NI EVAN..MAS MARAMING ARMAS ANG MAKIKITA MO NA MAS MATIBAY, MAS MALAKI, MAS MAHABA, AT MAS NAKAKA-ENJOY. Hindi s'ya kawalan sa 'yo." Sabi ni Linda.

Hindi na lamang kumibo si Orang, batid n'yang may tama parin ng alak si Linda kung kaya ganun ang pananalita. 

"Punyeta! ang tagal ng ambulansya, isakay na natin sa kotse si Senyora at nang maitakbo na agad sa hospital. Nahihirapan s'yang huminga." Sabi ni Aling Sema kaya agad kumilos ang mga kasama nito.

BROOOOOOOMMMMMMM

------------------------------------------------------------------------------------

Samantala sa kabilang dako..


Kagagaling lamang ni Evan sa pamamasyal kasama ng ilang kaibigan. Nasa labas pa lamang s'ya ng pinto ng bahay nang may naamoy s'yang masarap..

"Mmmmmmmm..." Nasabi ni Evan kaya nagmadali s'yang pumasok. Tila naiinganyo ng husto ang tiyan at bunganga ng binata na matikman ang masarap na naaamoy dirediretsong tinungo nito ang kusina at inabutan n'ya si Carla.

"Hi, Evan. I made brownies for you." Nakangiti pa si Carla na sinabi kay Evan habang buhat nito ang isang tray ng brownies. Bahagyang napataas ng kilay si Evan at dahan dahang lumapit.

"Why are you here?" Napatanong ang binata.

"I invited her to come." Biglang lumabas ang ama ni Evan.

Napatikum ng bibig ang binata.

"Sit down." Utos ng ama ni Evan kung kaya dahan dahang napaupo ang binata sa harap ng mesa. Agad binigyan ni Carla ng brownies si Evan. Nakikita ni Ernesto na tila parang nawalan ng gana ang kanyang anak.

"Pagod ka yata. Saan ba kayo gumala?" Napatanong si Carla.

"Pumunta lamang kami sa park at naglaro ng basketball." Sagot ni Evan.

Lihim ng kumindat kindat si Ernesto at dahan dahang iniwan ang dalawa.

"Where are you going Dad?" Tanong ni Evan nang makitang humakbang papalayo ang ama.

"Ahh d'yan lang sa labas. I'll be back." Sagot ni Ernesto na di man lang lumingon sa anak. Kaya napatiim bagang si Evan batid n'yang gumagawa ng hakbang ang ama n'ya upang magkaayos sila ng maigi ni Carla. Binaling ni Evan ang atensyon kay Carla.

"What's up Carla?" 

"What?" 

"Anong kadramahan na naman ba ito?" Pataas na kilay na tinanong ni Evan ang dating kasintahan.

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon