CHAP. 1

10.8K 107 19
                                    

Isang sasakyan na papuntang Guadalupe, isang binata ang halos hindi maipinta ang mukha. Nasa edad pa lamang na dise-otso si Evan, ngunit nagugulohan na sya sa kanyang pamilya.

"Punyeta! Binagsak mo ang lahat ng subjects mo sa eskwelahan. Nagsasayang ka ng pera. H'wag mong sayangin ang pera na pinagpaguran ko. Pasalamat ka't buhay prinsepe ka. Hindi ka katulad ng iba d'yan na halos lumabas ang ugat sa balat dahil kailangang magbanat ng buto upang makakain at makapag-aral. Samantala ikaw, winawaldas ang perang natatanggap!!"

Sermon ng kanyang ama sa kanya. Hindi lamang s'ya umiimik.

"Evan, kelan ka ba magigising? Hindi kana bata. Dios por Santo, umayos ka naman. Tumatanda kami. May malaking obligasyon kang paghahawakan. H'wag mong sabihing aasa kana lamang sa mga kapatid mo. Magkakapamilya sila. Hindi mo sila pwedeng takbohan." Tuloy na sermon ng kanyang ama.

"Alam ko po 'yon." Pabagsak na sagot ni Evan.

"Alam mo naman pala pero ginagawa mo parin?!" Hindi nakapagpigil ang ama ni Evan at nasapak nito ang binata.

PAK

Masakit ang kamay ng ama na tumama kay Evan kaya naman hindi nakapagpigil si Evan at akmang lalaban sana sa ama. Mabuti nalang at pinigil sya ng kanyang ina. At ang kanyang mga kapatid naman ang pumigil sa ama.

"Lalaban ka sa akin? Bakit may ipapalamon kana ba sa sarili mo? Hoy, kung putol ang mga credit cards mo..putol din ang ligaya mo. Gago!" Dinuro duro ng ama ang anak nito.

"E di putulin n'yo? Gusto n'yo ako pang gugupit ?" Uminit ng husto ang ulo ni Evan. Kaya naman kinuha nito ang kanyang pitaka at inalis ang 2 credit cards na hawak nito binali sa harapan ng ama.

CRACK

CRACK

Sabay tapon n'ya sa sahig. Lalong uminit ang ulo ng kanyang ama.

"Aba lumalaban ka talaga sa akin.." Biglang kumawala ang ama sa mga hawak ng ibang anak. Sinugod si Evan at hinila ang kwelyo ng t-shirt nito sabay..

BOG

Sa lakas ng suntok ng ama natumba si Evan sa sahig. Akmang lalapit sana ang ama ngunit sinipa ni Evan. Pang depensa sa kanyang sarili. Sa lakas ng pagkasipa tumilapon ang ama sa isang side table. Nawalan ng panimbang kung kaya tumama ang ulo sa gilid ng mesa.

"Ernesto!!" Sigaw ng asawa.

"Kuya!" Sigaw ng nakakabatang kapatid na lalaki ni Evan na si Cyrus.

"Papa!" Sigaw naman ng bunso nilang kapatid na babae, si Lily

Napaatras si Evan. Kinabahan sa nangyari sa ama.

"Ernesto tama na." Umiiyak ang na ni Evan na pinipigil ang asawa.

"Bitawan mo ako Evangeline, matatamaan sa akin ang batang 'yan. Sumusobra na sya." Ayaw papigil ni Ernesto. Kahit man sugat ito sa noo ay hindi nito pinapansin. Nais n'yang matamaan ang anak dala ng kanyang galit. Buong lakas na humarang si Cyrus at Lily

"Kuya, tumakbo kana!" Sigaw ni Cyrus.

"Papa, tama na po." Umiiyak narin si Lily nang makitang may sugat ang ama.

"Taman na...Taman na.." Halos kakapusin sa paghinga ang kanilang ina dala ng takot sa nangyayari. Napahawak ito sa dibdib..

"Ernesto.." Napahawak ng matindi sa dibdib ang ina ni Evan.

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon