Chap. 3

3.2K 83 21
                                    

ORANG'S POV

Lumabas ako sa silid ni Evan, ibinigay n'ya sa akin ang box ng tampon. Iniisip ko kung paano ko 'to gagamitin, wala naman akong nakikitang mabibili nito sa mga tindahan. Sabi n'ya sa akin..

"H'wag mong ipapakita 'yan kay Lola. At kung magtatanong man s'ya sabihin mong ibinigay sa 'yo ng tiyahin mo."

'Yon ang bilin n'ya sa akin. Pero napapaisip ako, bakit nasa bag ni Evan ang tampon? Siguro gumagawa sila ng milagro? Mmmm..kung sabagay wala namang mawawala kay Evan kasi lalaki s'ya. Pero ang swerte naman ng syota n'ya, magsasawa ng husto kay Evan.

Nagmadali akong pumunta ng aking silid. Sinigurado kong walang tao sa paligid, lalo na si Manang Sema. Intrigerang tunay ang matandang 'yon. Hindi ako tatantanan hangga't may naamoy na di tama. Tapos, numero uno pang magsusumbong kay Senyora. Hmp! maging sa paglalagay ko ng lipstick minsan, isusumbong pa nya ako. Lipstick nalang nga malaking isyu pa sa kanya. Tapos kung pupunta ako ng simbahan, kailangan 'yong palda ko lampas tuhod, kaya napagkakamalan akong Manang. Kaya ang ginagawa ko, nakasuot ako ng palda pag lumalabas dito at hahanap ako ng public toilet upang magpalit ng pantalon. Hayss, ang daming epal sa buhay ko.

EVAN'S POV

Lintek naman ang lakas palang manuntok ni Orang. Hindi ko akalain na dudugo ang ilong ko sa isang suntok ng kamao n'ya. Tumigas na yata ang kanyang kamao dahil sa kakikilo't kabubuhat ng mga sibuyas at bawang. Tsk, nilagyan ko nga ng band-aid ang ilong ko. Namumula pa nga eh.

Gusto ko na ngang tumawa kanina nang makita n'ya ang tampon.Halatang hindi s'ya gumagamit ng tampon at talagang first time n'yang nakakita ng ganung bagay. Palibhasa dito lang sya sa maliit na bayan napapagawi. Kaya walang alam. Naisip ko nga, ano kaya kung bibilhan ko sya ng menstrual cup? Baka isipin n'ya pang embudo ng mantika..ha ha ha ha ha..O di kaya bibigyan ko s'ya ng femidom ( female condom ), baka gagamitin n'yang pantali sa buhok. Ha ha ha ha ha.. maraming alam na maiisip si Orang.

Lumabas ako ng silid ko, mabuti nang makipag-usap sa matanda para naman makuha ko ang loob at makapag-request sa kanya na pagawan ako ng credit cards. Siguradong hindi ako matitiis ni Lola na walang wala.

Pagbaba ko pa lamang sa hagdan nakita kong inuutusan na ni Lola si Manang Sema.

"Sema, pumunta ka sa palengke at bumili ka ng karneng baka at baboy sa suki natin. At tsaka, utusan mo nga si Orang na ihanda na ang mga rekado sa lulutuin n'yong ulam para kay Evan. "

Napapangiti talaga ako kapag nakikita kong abala si Lola sa pag-aasikaso sa akin. Kaya naman para may palubag loob ako, lumapit ako sa kanya at inakbayan s'ya.

"Lola, h'wag naman ninyo akong busugin ng husto mamaya sa ihahanda ninyong pagkain, baka mamimiss ko pagbalik ko ng Assuncion." Sabi ko.

"Mmmm..Aba'y natural lang dahil minsan ka lamang umuuwi dito." Sagot n'ya sa akin. Pero napansin n'ya ang band-aid sa aking ilong.

"Napano ang ilong mo Evan?" Tanong n'ya sa akin.

"Ahh, nauntog po ako kanina sa banyo." Pagsisinungaling ko.

"Aba'y patignan natin sa doktor 'yan baka mapano pa." biglang nag-alala ang matanda sa akin.

"Lola, relax lang po. Ayos lang 'to. Tsaka, hindi na po masakit." Sabi ko. Ayaw kong mag-alala ang matanda nang dahil sa ilong ko.

"Kaya mag-iingat ka Evan. Simula pagkabata mo, lapitin ka ng disgrasya. Kaya hindi ako napapakali kapag nakikita kong may sugat o galus ka. " Paliwanag ni Lola sa akin. Tumango na lamang ako upang di na magdagdagan ang kwento. At baka madulas pa ang dila ko at masabi kong si Orang ang may kagagawan.

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon