Chap. 20

2.1K 81 56
                                    

Nang sumapit ang gabi halos di dalawin ng antok si Orang, naaalala n'ya ang kanyang nakitang marka ng lipstick sa damit ni Evan. Biglang napasimangot ang mukha ng dalaga at tila naiinis.

"Bwisit! Bakit kaya hindi n'ya matiis na di makapag-ulayaw sa mga babae? Nauunawaan ko naman na may pangangailangan s'ya bilang lalaki, pero sana maisip n'ya na dapat maging maingat sya. Anak naman tokwa! Bakit ba ako nababahala sa kanya? Problema n'ya 'yon kung sakaling mapahamak sya. Hayyss, di kaya mamihasa ang mokong na 'yon at baka tuwing Sabado o Linggo pupunta sa mga bahay aliwan at doon magpapakasaya? Magtatapon ng pera ang mokong." 

Pakiramdam ni Orang apektadong apektado s'ya sa ginawa ni Evan. Hanggang nakadama s'ya ng pagka-uhaw. Naisipan n'yang lumabas upang uminum ng tubig. Nakita n'yang bukas ang ilaw ng silid ni Evan. Hindi na lamang n'ya pinansin, tinungo nga ang kusina at uminum ng isang basong tubig. Pabalik na sana s'ya nang may narinig s'yang ingay na nagmumula sa silid ng binata.

"Huh? Parang may pusang nakapasok sa silid ni Evan." Pinakinggan ng maigi ni Orang.

AAhhhh-unggggggg....

"Babaeng pusa kaya ang nakapuslit sa loob ng silid?" Napaisip ang dalaga. Dahan dahang naglakad si Orang tungo sa silid ni Evan. Napansin ni Orang na hindi naman nakapinid ang pinto.

"Hindi naman nakapinid ang pinto at bukas pa ang ilaw, tulog na kaya si Evan?" 

Kaya naman dahan dahan n'yang tinulak ang pinto.  Nanlaki ang mga mata ni Orang at napatakip ng bibig. Hindi naman pala tulog si Evan kundi nakatuon ang mga mata nito sa cellphone . Ang kanyang naririnig na ingay ay nanggagaling sa cellphone. Doon naging malinaw ang lahat para kay Orang kung anong pinapanood ng binata.

"Right there, babe! Don't stop thrusting my p***y!!" Napapahiyaw na boses ng babae.

"Yeah, Here I go.." Boses ng isang lalaki.

Hindi pala pusa ang nakakagawa ng ungol. Kundi ang porno movie na pinapanood ni Evan. Biglang napalingon si Evan sa pinto.

"O-Orang.."

Nagulat din si Orang sabay talikod at parang di alam kung anong gagawin. Agad naisip na tumakbo sa kanyang silid. Samantalang napatayo agad si Evan at nabitawan nito ang kanyang cellphone.

BLAG

Agad sinaraduhan ni Orang ang pinto.

"Orang." Tawag ni Evan.

Hindi magawang sumagot ni Orang. Ilang beses tinawag ni Evan ang pangalan ng dalaga. Nalilito si Orang kung sasagutin ba ang kaibigan.

"Orang."

Napakagat ng labi si Orang. 

"E-Evan matulog kana. H'wag mo nang ubusin ang oras mo sa kapapanood ng porno." Lakas loob na sinabi ni Orang.

Maging si Evan ay di alam kung anong susunod na sasabihin. Magkahalong hiya at pag-aalinlangan ang kanyang naramdaman sa sarili. Ligid sa kaalaman ni Evan nasa pinto lamang ang dalaga at nanatiling nakatayo. Kumakalabog ang kanyang dibdib.

"Orang..Nababagot kasi ako." Tanging nasabi ni Evan.

"Nauunawaan ko. Sige matulog kana." Utos ni Orang. Pinakiramdaman nito si Evan. Ilang sandali lang narinig n'ya ang tunog ng kabilang pinto. Agad sinilip ni Orang ang kabilang silid. Nakita n'yang pinatay ni Evan ang ilaw. Saka lamang nakahinga ng maluwag ang dalaga. Agad sumampa sa kama si Orang at tumalukbong ng kumot.

---------------------------------------------------------------------

Sumunod na araw..

"OMG! Heto na..Kailangan uunahan kong bumangon si Evan. Maghahanda na ako agad ng makakain n'ya tapos, hindi ko s'ya sasabayan sa pag-almusal. Pupunta ako sa likod bahay at maglalaba. Tsk, hindi ko talaga kayang humarap sa kanya. Nahihiya ako. Oo nga naman, bakit ako mahihiya? Dapat nga s'ya pa ang mahihiya. Hay naku, ayaw ko nang maalala 'yong eksena kagabi. Kailangan kalimutan ko na 'yon." Umiling iling ng husto si Orang. Mabilis s'yang lumabas sa kanyang silid at ginawa ang kanyang planong naisip. Habang si Evan naman..

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon