Chap. 9

1.5K 71 21
                                    

AN : WALANG EDIT, BASTA MAKAPAG-UPDATE NALANG.

===============================================


Pauwi na ang dalawa, pareho tahimik sa loob ng sasakyan. Ayaw simulan ni Orang ang pag-uusap. Ramdam n'ya na merong hindi magandang nangyari kina Evan at Carla. Gayun paman ayaw n'yang alamin dahil batid n'yang masasaktan lamang s'ya sa anumang salitang sasabihin ni Evan tungkol sa nararamdaman nito.

"Send my love to your new lover..treat her better.." Awit na lamang ni Orang. Mag-isang inaaliw ang sarili. Nanatiling tahimik si Evan habang nagmamaneho. Napasulyap ang dalaga sa kaibigan, nakita nitong nakakunot ang noo ng binata. Pinihit ni Evan ang stereo at nakinig sa music.  Napaismid naman si Orang at napatingin na lamang sa daan.

Hanggang sa nakarating sila sa Guadalupe, wala nang ingay na maririnig sa dalawa.

Nang maiparada na ni Evan ang kotse, nauna na itong lumabas sa kotse at kinuha ang mga pinamili sa likod ng sasakyan. Sumunod naman si Orang. Lumabas sa pinto ang mayordoma, bahagyang napataas ang kilay ng matanda nang makitang may bitbit din si Orang. Diretso lamang si Evan at tila nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Sinundan naman ng tingin ni Aling Sema, at di pinansin. Bagkus binaling ang tingin kay Orang sabay lapit.

"Manang, pera ko po ang ginamit kong pambili nito.." Inunahan agad ni Orang ang matanda bago paman ito nakapagsalita sa kanya at punahin ang kanyang dala.

"Saan ka naman nakakuha ng pera mo, aber? Matagal pa ang sahod natin." Naintriga si Aling Sema.

"Aba, may pera po ako. Minsan lang po ako magshopping para sa sarili ko." Pagsisinungaling ni Orang.

"Binili mo 'yan lahat? Aba, ano ka instant millioner?" Ayaw maniwala ng matanda sa mga sinabi ni Orang.

"Bakit? Dapat ba maging milyonarya ako bago ko matikman ang mamahaling bagay na 'to. Manang, dalaga pa po ako at wala pang responsibilidad sa buhay. Tsaka, may itinabi naman po ako. Tsk, h'wag na ho kayong umepal pa. Sinusunod ko naman payo ninyong mag-ipon. Minsan naman nais ko ring matikman ang salitang LUXURY sa buhay. " Sabay ngiwi ni Orang.

"Lukaret! Hoy, kung gumastos ka sa tama lang. Hindi 'yong lumampas ka sa budget mo." Dinuro duro ng matanda ang noo ng dalaga.

"Bakit ba kayo epal? Minsan lang naman po ito." Mahinang sagot ng dalaga.

"Nakuuu, itago mo 'yan at baka makita ni Senyora. H'wag mo akong dramahan, alam ko ang mga brand na 'yan..si Evan ang bumili n'yan." Biglang sinabi ni Aling Sema.

Napanganga si Orang. Maya-maya..

BEEEEP BEEEP

"Ayan na si Senyora, bilis dalhin mo 'yang pinamili mo sa 'yong silid bago pa n'ya makita." Agad na sinabi ng matandang mayordoma. Dali daling tumalima si Orang dala narin ng takot na baka mabisto ng Lola ni Evan.

Samantala sa silid ng binata..Pagkapasok palang ni Evan sa silid ay agad humilata sa kanyang kama.

"Shit! Saan kaya nakatira si Carla sa Guatavala? I miss her so much. Kailangan magkita kami. I need to say sorry about what happened to us." Sabay napabuntong hininga si Evan. 

TOK TOK TOK

"Evan..dumating na ang lola mo." Narinig ni Evan ang sinabi ng matandang mayordoma sa labas ng pinto. Kaya naman napabangon muli ang binata. Mabilis itong lumabas sa kanyang silid at bumaba sa hagdan upang magpakita sa kanyang lola.

----------------------------------------------------

Bahagyang napangiti ang matanda nang makita si Evan.

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon