Chap. 37

140 4 5
                                    


Halos di maipinta ang mukha ni Linda nang makitang dumating ang matandang amo. Gustohin man n'yang umiwas ay walang nagawa si Linda kundi ang magkunwari sa harap ng matanda. Samantalang nakatitig ng husto si Orang kay Senyora Aguida, hindi mawari ni Orang kung bakit wala s'yang lakas na kontrahin ang matanda kahit alam n'yang inaapakan na s'ya ng husto.

"Hoy Orang, dumating ang bruha. Mag-isip isip kana. Sigurado akong bawat kilos mo babantayan n'ya na. Kaya mabuti pang iwasan mo muna si Evan. Hayaan mo s'yang magpakita ng lakas na kalabanin ang matanda dahil sa 'yo." Bulong ni Linda.

Napapikit ng mga mata si Orang, nagugulohan s'ya sa mga nangyayari. Agad gumawa ng eksena si Linda..

"Naku, Senyora mabuti't di kayo tumagal sa hospital. Nag-alala kami ng husto sa inyo. Kumusta na po pakiramdam n'yo?" Tanong ni Linda. Tumaas lamang ang kilay ng matanda at sinabing..

"Hindi pa panahon para mawala ako sa mundo Linda. Marami pa akong dapat asikasuhin sa pamilyang ito. Nais ko lamang na h'wag kayong dumagdag ng problema ko, at nang hindi kayo masaktan sa mga sinasabi ko. H'wag n'yong kalimutan kung sino kayo dito sa pamamahay ko." Sagot nang matanda sabay tingin kay Orang. Halos di kinaya ni Orang ang pasaring ng matanda dahilan na yumuko na lamang sya.

Nang makalayo ang matanda nanatiling nakayuko si Orang. Tila isang reyna si Senyora Aguida na di dapat umangat ang ulo ni Orang habang nasa harap nya ito. Siniko ng bahagya ni Linda ang kaibigan.

"Hoy Orang, simula ngayon mag-isip kana kung paano mo puputulin ang relasyon ninyo ni Evan. Naku, isipin mo muna sarili mo. Kung talagang mahal ka ni Evan at kung para sa isa't isa kayo, lumindol man, bumaha at bumagyo, kayo parin ang magkakatuluyan. Pero habang buhay ang matandang maldita na 'yan, asahan mo maraming pasabog na gagawin si Senyora." Bulong ni Linda.

Napapikit ng mga mata si Orang kasabay ng malalim na pagbuntong hininga.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kinagabihan habang naghahanda ng pagkain ang mga katulong, di inaasahan ni Orang na..

KRINGGGG KRINGGG

Tumunog ang kanyang cell phone. Tumatawag si Evan.

"Anak ng tokwa! Ang aga namang tumawag si Evan." Nasabi ni Orang. Napalingon s'ya sa paligid sinigurong walang taong makakakita sa kanya na sasagutin ang tawag ng binata. Naisipan nyang sumaglit muna sa labas ng bahay. At agad sinagot ang tawag ng nobyo.

"Hello.." Mahinang sagot ni Orang na halos pabulong.

( Orang, kumusta? Bakit ang hina ng boses mo? Halos di kita marinig.)

"Evan, naghahanda kami ng pagkain ng lola mo. Ang aga mo namang tumawag."

( sorry. Tumawag ako kasi medyo nagiging busy ang oras ko ngayon. Naisip ko baka magtatampo ka kaya kita tinawagan. )

"Evan, okay lang ako. Tsaka, h'wag mo akong alalahanin. Isipin mo muna sarili mo. Alam mo namang madaming bagay kang dapat unahin. Mas mahalaga kesa sa akin." Kusang lumabas sa bibig ni Orang.

( Orang, pasensya kana. Pero mamadaliin ko ang lahat para makabalik agad. Alam kong mahirap itong relasyon natin sa ngayon. Pero magtiwala kalang sa akin-----Ikaw at ikaw parin ang gusto kong makasama. I really wanted to marry you. It doesn't matter if they won't agree. Napatunayan ko na sa 'yo na kaya kong talikuran ang yaman ng pamilya namin basta't ikaw ang makakasama ko.)

Napapikit ng mga mata si Orang. Lalong nasasaktan ang dalaga sa mga binitawang salita ni Evan. Pakiwari nya lumundag ang puso nya sa ika-siyam na langit pero may matinding kirot sa dibdib nya na di kayang ipaliwanag.

"Evan..."

Biglang nababasag ang boses ni Orang.

( Orang bakit? )

"Evan..Ano kasi...."

Namumuo ang mga luha sa mata ng dalaga.

( Orang.. )

"Evan..mahal kita. Alam mo naman na simula noon pinapangarap kita. Ikaw yong nagdala sa akin sa Unang Langit. Ikaw 'yong nagbigay ng dahilan na magkaroon ako ng halaga sa buhay. Kasi sa totoo lang, buong buhay ko hindi ako naging masaya. Naging masaya ako sa unang pagkakataon nang sabihin mong mahal mo ako. Sapat na 'yon. Pero...ang hirap kalabanin ang katotohanan."

Napakunot ang noo ni Evan matapos marinig ang sinabi ni Orang.

( Teka sandali, may problema ba? Anong pinagsasabi mo? ) Biglang umiba ang tono ng boses ni Evan.

" Evan..alam ko namang nangako ako sa 'yo na maghihintay hanggang bumalik ka." Kinakabahan si Orang.

( Orang umayos ka sa pananalita mo. ) Tila uminit ang ulo ng binata.

"Evan..BUMITAW MUNA TAYO. " Pikit matang sinabi ni Orang.

( What the F ***!) Napamura si Evan.

"Evan kasi mas mahirap sa akin ang ipagpatuloy ang relasyon gayung kinabukasan mo ang kataya." Sagot ni Orang.

( Putchax! Kasasabi ko lang nga na kaya kong talikuran ang yaman ng pamilya ko alang-alang sa 'yo. Orang, I gave you my word. Tapos ikaw, bibitaw. Nangako karin. Si Lola ba ang dahilan? )

"Hindi ang matanda ang dahilan. Napag-isip isip ko kung tayo talaga ang para sa isa't isa..magiging tayo sa huli." Pagdadahilan ng dalaga.

( No no no..Pinagtatakpan mo lang si Lola. ) Diinan na sinabi ni Evan.

"Hindi. Gusto kong bumitaw." Sagot ni Orang.

( Damn! Ginago mo ako..)

Hindi sumagot si Orang, hindi na mapigilan ng dalaga ang luha sa kanyang mga mata.

( Fine..I don't know the real reason. Pero ito lang ang sasabihin ko sa 'yo. Kung may balak kang lumayo sa poder ni Lola. Siguraduhin mo lang na di kita makikita. Run fast as you can. Hide in any holes you can hide. Ipagdasal mo lang na babaliktad ang mundo natin.)

"Evan.."

( Enough.) Agad pinutol ni Evan ang tawag.

Umiyak ng umiyak si Orang. Ligid sa kanyang kaalaman nakasilip sina Linda, Aling Sema at Senyora Aguida sa bintana ng kusina. Binuksan nila ng bahagya ang salamin bintana upang marinig ang mga sasabihin ni Orang. Kitang kita ni Senyora Aguida ang paghikbi ni Orang. Awang awa man sina Linda ngunit di nila magawang lapitan si Orang, takot silang malintikan ng matanda.

"Mabuti at natauhan si Orang. Tsk tsk tsk She's not worthy for my grandson. Wala s'yang maitutulong sa pamilyang ito." Nasabi pa ng lola ni Evan. Napalunok na lamang ng kanilang laway ang dalawang kasambahay.

---------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR : Bloated na ang tiyan ni Orang bago nagkaroon ng update. Sorry, busy na kc career ko. Abangan ang susunod na chapter. Sana makapaghintay kayo. Salamat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon