Chap. 14

1.2K 63 14
                                    

 Gulat na gulat ang dalawa. Napatiim bagang si Evan nang makitang bagong gising si Orang. 

"Hoy, anong ginagawa mo d'yan?" Napatanong si Evan na tila naiinis.

"Ano..mmmm ( Hikab )...natutulog ako. Nagising ako nang maramdaman kong parang umuuga ang kotse." Sagot ni Orang na tila wala pa sa tamang kondisyon ang kanyang utak.

"Orang bumaba ka nga."Agad na utos ni Evan.

"Ha? Ako bababa?" Napakunot si Orang at napatingin sa paligid. Hinawi pa n'ya ang kanyang buhok na tumatakip sa kanyang mukha.

"Sabi ko bumaba ka. Bilis." Utos ni Evan.

Napatingin sa paligid si Orang.

"Teka, nasa bukana tayo ng bayan. Bakit ako bababa? Eh malayo na ito sa sentro ng bayan. Teka, bakit nga pala tayo nandito?" Napatanong si Orang.

"Pwede ba, h'wag ka ngang magtanong. Bumaba ka at aalis ako." Sabi ni Evan.

"Aalis ka? Hoy, hindi ka pwedeng gumala dahil may sakit ang lola mo at hindi ka pa napapatawad." Pagdadahilan ni Orang.

"I don't care. Bumaba kana at baka kakaladkarin kita pag matigas ang ulo mo." Binantaan ni Evan ang dalaga.

"Hoy, h'wag mo akong takutin. Nek-nek mo. Sabihin mo muna sa akin saan ka pupunta?" Pinaggiitan ni Orang.

"Wala ka ngang pakialam." Asik ni Evan.

"Wala kang alam sa lugar na 'to." Kalmado pang sagot ni Orang.

"Orang!" napabulyaw si Evan dahil nais na nitong makalayo. 

"Putchax! h'wag mo akong sisigawan kundi sabog 'yang nguso mo." Tinarayan ni Orang si Evan.

"Bumaba ka nga!" utos ni Evan. Umiling si Orang.

Nang biglang tumunog ang cellphone ni Orang at nakatanggap ng mensahe. Galing kay Linda.

"ORANG,UMALIS SI EVAN NG WALANG PAALAM TANGAY ANG KOTSE. BAKA SAKALING MAKITA MO PIGILAN MONG MAKALABAS NG BAYAN. HUMINGI KA NG TULONG SA MGA BANTAY D'YAN SA CHECKPOINT. LALAYAS YATA S'YA. MAY DALANG MGA BAG SABI NI MANANG SEMA."

Napatingin si Orang sa binata. 

"Bakit ka aalis? Lalayas ka ano?" Mapatanong si Orang.

"Wala kang pakialam. Bumalik ka sa bahay ni Lola." Sabi ni Evan. Walang pasabi sabi sinilip ni Orang ang katabing upuan ng driver's seat. At nakita nya ang dalawang bag.

"Lalayas ka nga." Nasabi ni Orang.

"Ano ngayon? Ayaw ko na sa kanila." Sagot ni Evan.

"Gago ka pala! Ayaw mong pangaralan ka nila." Sumbat ni Orang.

"Shut up! Hindi kita kadugo, wala kang karapatan na sermonan ako!" Uminit ang ulo ni Evan.

Nabigla si Orang sa binitawang salita ni Evan. Bahagyang natauhan si Evan, muling pinaandar ang kotse.

BROOOMMMMM

"Evan bumalik na tayo." Sabi ni Orang.

"No way!" Singhal ni Evan.

May kalayuan na ang tinakbo ng sasakyan. May nakitang bus stop si Evan at inihinto nito ang kotse.

"Orang bumaba ka at bumalik." Agad dinukot ni Evan ang wallet nya at iniabot ang pera kay Orang.

"Aanhin ko 'yan?"

"Pamasahe mo pabalik ng bahay." Sagot ni Evan.

"Ayaw ko. Sasamahan kita. Kung nasaan ka..nandoon ako." Sagot naman ni Orang.

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon