Chap. 4

2.4K 85 25
                                    

Asar na asar si Evan sa kanyang natuklasan, gustohin man n'yang sugurin si Orang ngunit nagdadalawang isip s'ya.

"Talagang hindi mapagkatiwalaan itong si Orang, ang daming alam na kalokohan. Aba, pagkakaperahan pa nya ang mga larawan ko. Ayos din, mukhang inosente pero iba pala ang tumatakbo sa likod ng utak." Napapatiim bagang si Evan. 

Samantala si Orang naman ay di na napapakali. Iniisip n'ya ang kanyang nawawalang sd card.

"Huhuhuhu patay ako ngayon kung sakaling nakuha ni Evan ang sd card. Kailangan kong makuha 'yon sa kamay n'ya baka isumbong ako sa matanda." Napapakagat ng sariling daliri si Orang.

Habang hindi pa bumabalik ang kuryente hindi napapakali si Orang . Pabalik balik ang kanyang lakad sa kusina. Pasilip silip pa sa isang sulok habang tinitignan si Evan. Samantala si Evan, umiikot din ang mga mata sa paligid. Alam n'yang malalaman din ni Orang na nawawala ang sim card ng cellphone nito.

"Sige, alam kong lalapit s'ya sa akin. Humanda s'ya." Napapaisip na si Evan sa kanyang gagawin kay Orang.

Agad napatayo si Evan, naisip n'yang pumunta ng kusina. Dahan dahan lamang naglalakad si Evan. Gamit n'ya ang kanyang cellphone upang makita ang nilalakaran. Hanggang sa marating nya ang kusina. Inabutan n'yang naglalakad pabalik balik si Orang.

"Ehem.." Agad kinuha ni Evan ang atensyon ng dalaga. Biglang napahinto si Orang sa kakalakad lakad. Napatayo ito ng tuwid.

"Evan..may--kailangan ka ba?" Napilitang tanungin ni Orang si Evan.

"Oo, nauuhaw ako eh." Sagot ni Evan. Nagmadaling kumuha ng baso ang dalaga at ibinigay kay Evan. Hindi naman nagpahalata ang binata na nasa kanyang kamay ang sim card ni Orang. Habang si Orang naman ay nag-aalangang tanungin si Evan tungkol sa sim card. Ramdam naman ni Evan na may nais tanungin sa kanya si Orang. Nakikita n'ya kasing napapakagat sa sariling daliri si Orang.

"Gutom ka ba Orang? H'wag mong simulang kagatin ang daliri mo." Sabi ni Evan. Mabilis inalis ni Orang ang daliri nito.

"Evan..ahmmm.." Nagdadalawang isip ang dalaga na tanungin si Evan.

"Ano? May sasabihin ka ba?" Napatayo ng maayos si Evan.

"Evan..nawawala kasi ang sd card ng cellphone ko. Baka sakaling nakita mo? Ahmmm..binasa mo ba ang cellphone ko kanina sa ulan? Kasi pagkakaalam ko nilagay ko lang sa tabi ng gulay nang kumukuha ako ng sibuyas at bawang sa bodega kanina." Napakagat ng labi si Orang.

Hindi umimik si Evan. Kinabahan na si Orang. Walang pasabi sabi biglang tinulak ni Evan si Orang sa ref. Dahilan napasandig ang dalaga at agad hinarangan ni Evan ng kanyang magkabilaang kamay.

"H'wag mo akong paglaruan Orang. Kaibigan kita pero h'wag mo akong paglaruan. Naintindihan mo ba?" May pagbabanta sa boses ni Evan. Natakot naman si Orang.

"A-Anong--pinag--sasabi mo?" Kabadong kabado ang dalaga. 

"Akala mo ba hindi kita nakita kanina na kinukunan mo ako ng larawan? Orang, mabilis makiramdam ang buong katawan ko. Hinahanap mo ang sd card mo? Nandito sa akin." Sabi ni Evan.

Itutulak na sana ni Orang si Evan dahil napakalapit na ng mukha ng binata sa kanya.

BLAG

Hinampas ni Evan ang isang kamay sa ref. Dahilan napatigil si Orang.

"Gusto mong makuha sa akin ang sd card mo? You have to play with me."

"Evan...ano kasi..." Hindi malaman ni Orang kung anong sasabihin.

"Ibibenta mo ang mga kuha mong larawan? Oo, nabasa ko sa mga messages nila sa 'yo." Sabi ni Evan. Napapikit ng mga mata si Orang.

"Orang, I don't sell my body. H'wag mong pairalin sa akin ang pagiging BERDE ng utak mo."Sabi ni Evan. Napayuko si Orang.

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon