Chap. 5

2.4K 84 8
                                    

ORANG'S POV

Napaiyak ako ng husto sa ginawa sa akin ni Evan. Hindi ko akalain na babastusin nya ako ng ganito. Sobra naman ang ginawa n'ya. Alam kong mali 'yong ginawa ko pero hindi naman yata tama na pahubarin nya ako sa harapan n'ya. Pakiramdam ko napakababa ang tingin nya sa akin. Hindi man lang n'ya inisip na para kaming magkapatid. Hindi man lang n'ya inisip na babae ako at dapat lang na mahiyang maghubad sa kahit sinong lalaki. Bakit dahil ba 'yong tiyahin ko ay nagmamay-ari ng bahay aliwan; ganun narin ba ang pagtingin nya sa akin? Halos manikip ang dibdib ko. Ayaw matigil ang luha ko.

Dali-dali akong naglakad, tinatakpan ko ang aking dibdib. Wala na akong maisip kung anong gagawin ni Evan sa bra ko. Manyak ng lalaki. Gagawin yatang pangparausan ang bra ko.

EVAN'S POV

Mangiyak ngiyak si Orang sa ginawa ko sa kanya. Ayan, e di madadala narin s'ya. Kung anu-ano kasing kalokohan ang naiisip. E di s'ya rin tuloy ang napahamak. Ewan ko kung sukdulan s'yang magagalit sa akin. Hayyy, matabaing sexy pala si Orang. Kahit ganun ang katawan, swak na swak ang kurba ng katawan. Malaman nga lang. Tinitigan ko ang bra ni Orang, talagang malaki ang hinaraharap ni Orang. Kahinaan talaga ito ng mga lalaki. But I won't dare to touch her body. Baka mapapatay pa ako ni Orang.

Nagrirehestro pa sa isipan ko ang kanyang reaksyon kanina. Ayaw kong makonsensya..bumabawi lang ako sa kanya. Siguro hindi naman sya magsusumbong kay Lola, takot 'yon eh. Tsk, hindi ko naman sya ginalaw..bumawi lang ako. Inabuso nya kasi ang tiwala ko. Siguro madadala na s'ya.

Nilagay ko sa loob ng aking bag ang bra ni Orang. Mahirap na at baka may makakita. Ibabalik ko 'to sa kanya, baka isipin pa nyang parausan ko 'to. Haysss, inuto ko lang sya kanina.

----------------------------------------------------------------------------

Halos hindi dinalaw si Orang ng kanyang antok, pinipigil ang paghikbi sa loob ng kanyang silid.

"Wala ana akong maitatago pa sa gagong 'yon. Gustong gusto ko s'yang tadyakan at sampalin ng bonggang bongga..pero inunahan ako ng takot. Baka pag nasaktan ko s'ya malalagot ako sa matanda. Hindi ko talaga ito inaasahan sa kanya." Napaisip si Orang sabay tulo ng luha.

Kinabukasan...

"Mmmm..ang sarap ng amoy. Nagugutom na ako." Nagising si Evan sa masarap na amoy. Alam n'yang naghahanda na ng pang-almusal ang mga katulong ng bahay. Kaya dali-dali s'yang bumangon at tinungo ang banyo. Ilang sandali lang ay inayos na ni Evan ang sarili upang lumabas ng silid.

Nang lumabas na s'ya naririnig nya na ang boses ng kanyang lola Aguida.

"Magtimpla ka ng tsokolate para kay Evan, Orang. Gawan mo rin ako ng kape. " utos ng matanda.

Tuloy na pumasok si Evan sa hapag-kainan.

"Good morning, Lola." Sabay halik nito sa pisngi ng matanda.

"Good morning, hijo."

"Ang sarap naman po ng amoy ng pang-almusal natin. Nagutom po agad ako." Sabi ni Evan sabay himas ng tiyan. Ngumiti si Senyora Aguida.

"Heto, meron tayong fried rice, tortang talong, hotdog, daing na bangus.." Sabi ng matanda. Pero napatingin si Evan nang makita si Orang na may dalang tray. Namumugto ang mga mata ni Orang magulo ang buhok at tila walang tulog.

"Orang, anong nangyari sa 'yo? Bakit namumugto ang mga mata mo? Wala ka bang tulog?" Napansin ng matanda.

"Ahhh..sumakit lang po ang ngipin ko kagabi. Matagal ko pong nakita 'yong gamot ko. Okay na po ako." Sagot ni Orang. Batid naman ni Evan ang pagsisinungaling ng dalaga.

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon