Chap. 7

1.7K 75 8
                                    

ORANG'S POV

Hindi ko alam kung dapat ko bang pagkatiwalaan ang mokong na 'to. Hmp! kung sakaling uulitin n'ya pa sa akin hindi lang sampal ang ibibigay ko sa kanya..umaatikabong suntok ang ipapakita ko. Kung bakit naman kasi nangyari pa 'yong kanina? Gago rin 'yong Richard na 'yon may pagnanasa pala sa akin. Hayop ang gago, matinding hithit siguro ang nagawa n'ya kung kaya naging seksi ako sa mga mata n'ya . Tapos, di ko inasahan ang action moves ni Evan. Tignan mo nga naman, pumapanig sa kanya ang pagkakataon. Wala pa naman akong balak na makipagbati sa kanya. Argh! Wish ko lang hindi na maulit ang pinagawa nya sa akin. Ayaw ko s'yang masaktan ng bongga dahil sigurado isusumpa na ako ng matanda.

EVAN'S POV

Hayy, salamat naman at napatawad ng ako ni Orang, hindi na ako magiging bagoong sa loob ng bahay ni lola. Sa wakas, may isasama ko na sya sa Guatavala. Tsaka, syempre matutulungan n'ya akong dumiskarte kay Lola na gawan ako ng credit card. Syempre kukumbinsihin ni Orang si Lola dahil alam kong magpaparamdam sya sa akin na bilhan ko ng mga gusto n'ya. Tsk, sa tagal na naming magkaibigan ni Orang, sasamantalahin nya na ang lahat.

Nahuli ko na naman s'yang nakatitig sa akin, alam kong may tumatakbo na naman sa utak nito. Lalo na pag tumatahimik si Orang, may lihim na plano na naman s'ya. Mukhang inosente kuno pero maraming alam na kalokohan.

"Hoy, Orang bakit tahimik ka yata? Masama ba ang pakiramdam mo? Nahihilo ka parin?" tanong ko.

"Medyo." Sagot n'ya.

"Mmmm..gutom ka pa ba?" Muli kong tanong. Tahimik na naman ang bruha. Tsk, akala n'ya hindi ko alam na nagkukunwari na naman sya.

"Ahmmmmm...ewan ko." Sagot nya sa akin...DING DONG DENG! Nahihiya pa ang bruha.

"Orang, mainit ang panahon..gusto mo bang.......????" Naisip kong tanong. Alam kong mabilis pa sa alas-sinco ang sagot nya..

"Halo-halo. Kaumain tayo ng halo-halo. May alam akong restaurant na may masarap na halo-halo." Sagot nya sabay ngiti. Halos nawawala na ang kanyang mga mata. Parang hindi lang nahilo.

"S-sige. Go tayo doon." Sagot ko.

Ayan, ngumiti sya sa akin na abot tenga.

BROOOMMM

Dinala ko si Orang sa isang ordinaryong restaurant. Inalalayan ko pa sya kasi inisip kong baka nahihilo pa ang bruha, nagkukunwari lang na okay.

"Evan, h'wag mo na akong alalayan. Baka mapagkamalan tayong magsyota." Sabi nya.

"Um!"

Pinitik ko ang noo nya.

"Anong syota ang pinagsasabi mo? Hoy, ikaw ha, nahahalata ko na..baka may pagnanasa ka sa akin. Aminin mo." Nagpakasigurado na ako.

"Ulol, ayaw kong isumpa ng lola mo. Tsaka, virgin pa ako. May gatas pa ako sa labi."

Napanganga ako ng husto.

"Hoy, h'wag mo nga akong dramahan. Pa- inosente ka pa. Siguro ikaw madalas kang pumupunta doon sa bahay aliwan ng tiyahin mo. H'wag mo nga akong utuin, alam kong marami kanang alam. H'wag mong sabihin di nagkukwento ang mga alipores ng tiyahin mo sa 'yo tungkol sa S*x?" Tanong ko.

"Gago karin ano? Kung nagkukwento sila e di sana alam ko kung anong tampon. Siguro naman meron silang dosenang tampon pero di lang nilang nasasabi sa akin. Tsk." Depensa nya.

Napakunot ang noo ko at tinitigan si Orang.

"Hoy, h'wag mo akong titigan ng ganyan..nagsasabi ako ng totoo." Sagot nya.

Hindi ko na dinugtungan ang usapan namin baka kung saan pa makarating. Umorder ako ng 2 halo-halo. Tamang tama at kakausapin ko si Orang tungkol sa credit card.

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon