Chapter 26

617 35 15
                                    

AN :    HELLO MY DEAR READERS! I'M BACK AGAIN. SORRY FOR THE LATE UPDATE OF MY STORY. WELL, MEDYO OKAY NA AKO NGAYON. HOWEVER, I NEED TO REST FOR ABOUT 6 MONTHS ( OR MORE ). SO IT MEANS, YOU HAVE TO WAIT FOR EVERY UPDATES. ANYWAY, I PROMISE THAT I WILL FINISH THIS STORY..

SO, ENJOY THIS CHAPTER AND WRITE YOUR REACTIONS BELOW..

------------------------------------------------------------------------------------------


" Orang.." 

Ilang beses na binanggit ni Evan ang pangalan ng kaibigan. Habang pigil hininga ang lahat na nakamasid sa binata.

"Evan, anak." Agad lumapit ang ina ni Evan.

" Orang.." Halos pabulong na tinatawag ni Evan ang pangalan ng kaibigan.

Lumapit si Lily sa kanyang nakakatandang kapatid. 

"Kuya gumising ka." Sabi ni Lily dahilan na muling gumalaw ang mga mata ni Evan at dahan dahang dumilat. Agad napangiti ang lahat nang makita nilang nagising na ang binata.

Nang maaninag ni Evan ang mga mukha ng mga taong nakapaligid sa kanya, agad n'yang nabanggit ang kanyang ina.

"Mama.."

Halos mangiyak ngiyak ang ina ni Evan na hinagkan ang pisngi ng binata.

"Oh my god, this is a miracle. Thanks God, you're awake now." Napapangiti na may luha sa mga mata ang ina ni Evan. Dala ng tuwa na makitang nanumbalik na ang malay ng kanyang anak.

Humakbang palapit si Senyora Aguida, maging s'ya ay napapaluha nang makitang gising ang kanyang paboritong apo.

"Oh, Evan..Mabuti at nagising kana. Takot na takot ako sa nangyari sa 'yo." Sabi ng matanda at hinagkan sa noo ang apo.

Dumating ang ama ni Evan. Nakita ni Evan ang ama na mababakas ang saya sa mukha nito.

"Anak.." Tulad ng kanyang ina at lola napapaluha ang ama na lumapit.

"Salamat sa Dios at gising kana." Hinagkan ni Ernesto ang kamay ng anak.

Dahan dahang bumabalik ang matagal na nakatulog na diwa ni Evan. Napatingin s'ya sa paligid.

"Si Orang? Nasaan si Orang?" Agad na tanong ni Evan.

Sabay nagkatinginan ang lahat.

"Ahh..nasa bahay pa ninyo. Darating s'ya dito mamaya." Agad na sagot ng matanda.

"Kailangan ko si Orang..Kailangan ko s'ya dito sa tabi ko." Sagot ni Evan.

"Nandito naman kami Kuya. Hindi ka namin pababayaan." Sabi naman ni Lily.

Ngunit mababakas sa mukha ni Evan ang pagkabahala.

"Anak, ayos lang ang lahat. H'wag kang mag-isip." Sabi ng ina ni Evan.

"Hijo, kalimutan mo ang kasalanan mong nagawa sa amin. Nauunawaan naman namin. Hindi naman kami galit sa 'yo." Malumanay na sinabi ng matanda.

"Anak, I'm sorry." Agad namang sinabi ng ama ni Evan.

"Hijo, hindi ko matitiis na pinahihirapan mo ang 'yong sarili." Dagdag na sinabi ng matanda. Hindi naman umimik si Evan. Ngunit nahahalata ng lahat ang pagkabalisa ni Evan sa mga sandaling 'yon.

"Hijo, mabuti pang ipanatag mo ang 'yong sarili. H'wag ka munang mag-isip ng mga bagay na makakasama sa 'yo." Sinabi ng ina ni Evan. Kasabay ng pagbuntong hininga ng binata at bahagyang tumango.

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon