Chap. 24

1.2K 48 42
                                    

AUTHOR'S NOTE : 

HELLO ABANGERS!! Namiss ko kayo..sorry sa sobrang late ng update. Busy lang talaga ako. Sana abangan nyo parin. THANK YOU!!

SORRY, DI KO NA INEDIT ANG CHAPTER NA 'TO..

===========================================================


Abalang abala si Orang na matapos ang kanyang mga gagawin sa loob ng bahay, panaka naka namang naaalala ang kanyang kaibigan.

"Lintek naman! Bakit ba sumasagi pa sya sa isipan ko? Argghh!! Pakiramdam ko ako pa ngayon ang may kasalanan sa di namin pagkakaunawaan ni Evan." Napapasimangot ng husto si Orang at napapakamot ng kanyang ulo. Pinagpatuloy nya ang kanyang ginawa nang..

"Orang! Orang!"

Isang boses ng lalaki ang kanyang narinig mula sa labas ng bakuran. Kasabay pa ng malalakas na katok sa gate.

"Ay nakuu, sino ba namang bwiseta itong dumating?" Halos di na maipinta ang mukha ni Orang dala narin sa pag-iisip sa sitwasyon nila ni Evan. Iniwan ng dalaga ang kanyang gawain at tinungo ang pinto upang lumabas. Pagkabukas pa lamang ng pinto ni Orang ay..

"Orang, magmadali ka..si Evan dinala sa hospital. Nagkaroon ng barilan sa kahabaan ng ***** Avenue. Tinamaan si Evan ng bala. Nasa kritikal syang kalagayan. Tumama ang bala sa likod nya. Meron din s'yang daplis sa kanyang braso."

Ikinagulat ni Orang ang balita, tila napatigil ang lahat sa kanya.

"Evan.."

Hindi na naisip ni Orang ang kanyang gawain, dali-dali na lamang n'yang tinungo ang kanyang silid at kinuha ang kanyang bag at cellphone. Patakbo ang nagawa ni Orang na lumabas ng bahay. Nagmadali sila ng lalaking kasama. Habang naglalakad sila ay padahan dahang naikwento kay Orang ang pangyayari. Abot langit ang kaba ng dalaga, halos di nya namamalayan ang mga pagtulo ng kanyang luha dala ng pangambang bumabalot sa kanyang isipan.

"Dios ko, Dios ko iligtas po ninyo si Evan.." Usal ni Orang sa kanyang sarili.

Tila pakiramdam ni Orang ay nakaangat na sa ere ang kanyang mga paa sa bilis ng takbo at lakad nila ng lalaking kasama.

"Orang, diretso tayo sa Emergency room. Tatawagan ko ang ibang kasamahan namin sa trabaho. Baka kakailanganin ni Evan ng dugo. Tatawag din ako sa boss namin baka sakaling may maitulong sila sa inyo ni Evan." Sabi ng kasama nito.

"Ha? O-Oo." Sagot ni Orang.

Mabuti nalamang at may pumara agad na dyip, nagmadaling sumakay ang dalawa. 

BROOOMMM

FAST FORWARD

Narating ng dalawa ang hospital, parang wala sa sarili si Orang na tumatakbo ng matulin kasama ng lalaki na marating ang emergency room.

"Orang dito muna tayo, huminahon ka. Magdasal tayo na mailigtas si Evan. " Pinakalma ng lalaki ang dalaga subalit humagulgol si Orang.

"Natatakot ako..paano kung may masamang mangyari sa kanya. Dios ko, paano ko maipapaliwanag sa mga magulang nya ang lahat." Umiyak ng husto si Orang dahil sa matinding pag-alala.

"Orang naman, magdasal nga tayo. Maliligtas si Evan. Masasagip ang buhay nya." Sabi ng lalaki. Gayun paman di napapakali si Orang. Iniisip nya kung saan kukuha ng pera na gagamitin para ka Evan gayung hindi nya alam ang password ng bank account ng binata.Napapakagat ng sariling   daliri si Orang.

"Kailangang gumawa ako ng paraan kung hindi mapapahamak si Evan." Napapaisip si Orang, nakuha ang kanyang pansin sa telepono na nasa isang sulok. Pikit mata si Orang at lumapit. Napabuntong hininga s'ya ngunit alam n'yang kinakailangan na..Pinindot n'ya ang access number upang makapag tawag ng collect call..

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon