Chap. 34

472 22 14
                                    


Abot langit ang ngiti ni Orang nang umuwi sa pamamahay ng lola ni Evan.  Nasa labas pa lamang sila ng pinto ni Linda nang marinig ang boses ng matanda na may kausap. Tuloy lamang pumasok ang dalawa. Ang ngiti sa mukha ni Orang ay biglang nawala.

"O dumating na pala sila." Ang sabi ni Senyora Aguida. Lumingon sa pinto ang taong kausap nito na walang iba kundi si Esmer.

"Hi.." Agad na binati ni Esmer ang dalagang si Orang. Napilitang ngumiti si Orang.

"Orang naparito si Esmer dahil nais ka n'yang anyayahan sa kanyang kaarawan. Magkakaroon daw ng kunting salo-salo sa kanilang tahanan. Untag ng matanda.

Napataas ng kilay si Orang sabay tingin sa matanda.

"Sumama ka Orang. Basta't umuwi kalang ng maaga." Sabi ng matanda. Napanga-nga na lamang si Orang at napatingin kay Linda. Napaismid si Linda at tumirik ang mata.

"Ano 'yang reaksyon mo Linda?" Biglang natanong ng matanda.

Nanlaki ang mga mata ni Linda sa tanong. 

"Ah.Eh..w-wala naman ho. Ang swerte naman ni Orang at ligtas sya sa mga gawaing bahay. Sana all." Hilaw na ngiti ang makikita kay Linda.

"Kelan po ba?" Agad na tanong ni Orang.

"Mamayang gabi." Agad na sagot ng binata.

Tumaas ang arko ng kilay ni Senyora Aguida. 

"Ahmmm..sige po." Mahinang sagot ni Orang.

"Bueno, babalik nalang uli si Esmer mamaya upang sunduin ka. At tsaka nga pala, bago ka umalis, ibaba mo ang 130 na sako ng sibuyas sa 2 paleta sa labas. Kulang ang timbang ng bawat sako. Ulitin mo dahil ipapadala na mamaya sa Assuncion. Tulungan mo Linda upang mapabilis." Utos ng matanda. Nanlaki ang mga mata nina Linda at Orang matapos marinig ang sinabi ng kanilang amo. Maging si Esmer ay nagulat.

"Senyora, mukhang mahirap naman po ang pinapagawa nyo sa kanila, dapat mga lalaki ang bubuhat at gagawa nun." Agad na sinabi ni Esmer.

"Hindi ikaw ang amo dito sa loob ng pamamahay ko. Ano man ang gusto ko gagawin nila. Esmer, habang nasa poder ko si Orang ako ang susundin n'ya at wala nang iba pa." Diinang sinabi ng matanda. Napakuyom na lamang ng kanyang kamay si Esmer. Walang nagawa si Esmer sa kagustohan ng matanda, nakita nalamang n'yang napayuko ang dalawang dalaga at umalis sa kanilang harapan.

Nang nasa kusina na ang dalaga..

"Ayaw ko na sa EARTH! Ba't kasi sinilang pa sa mundong ito si Senyora Aguida. Sana kinuha na sya ni Lord nung bata pa s'ya." Reklamo ni Linda.

"Shhh! Tumigil ka nga. Pag narinig ka baka dadagdagan ang trabaho natin." Sinaway agad ni Orang.

"Nakowwww, natural na  kanya ang pagiging salbahe. Darating ang araw pag nastroke s'ya sana 'yong dila nya ang unang ma-paralyzed." Ayaw matigil ang bibig ni Linda.

Napapikit ng mga mata si Orang. Di n'ya masisisi ang kaibigan na makapagsabi ng ganun laban sa matanda.


=====================================================================


FAST FORWARD


Bandang alas-sais ng hapon muling dumating ang kotse ni Esmer. Nasa sala na ng bahay si Orang at simple lamang ang kasuotan. Powdered blue na blouse ang suot ng dalaga, pinares sa denim jeans at doll shoes na kulay krema. Nakalugay ang itim at kuluting buhok ng dalaga. Nakapag-makeup din ng bahagya.

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon