Chap. 16

1.1K 69 18
                                    

Maagang nagising si Orang, agad s'yang napabangon at napatingin sa tabi ng kanyang kamang hinihigaan.

"Evan.."

Wala ang binata sa folding bed na hinihigaan nito. Napakamot ng ulo si Orang, nang biglang narinig nya ang lagaslas ng tubig sa banyo.

"Huh? S-sa banyo si Evan?" Napatakip ng bibig si Orang, biglang napalunok ng laway. Napakagat sya ng kanyang labi. Habang sa banyo naman ay tuloy tuloy ang pagbuhos ng tubig.

"Oh my gulay! Naliligo yata si Evan. Dios mio..anong tukso na naman ba itong nakahanda para sa akin? Anong gagawin ko? Hindi pa ako handang ibigay ang sarili ko sa kanya." Agad napatakip ng sariling kumot si Orang.  Bigla na namang napaisip ang dalaga at binatukan ang sariling ulo.

"Peste! Kung anong iniisip kong kalibugan kay Evan. Eh, hindi nga ako papatok sa panlasa nya. Argh! bakit ba ako nababaliw sa mokong na 'to? Kelan ba mawawala itong kahibangan ko? Bakit hindi ko kayang ilayo ang sarili ko sa kanya? Para bang ginayuma ako ng husto ni Evan." Napangiwi na naman ang dalaga. Ilang sandali lang narinig n'yang nawala ang lagaslas ng tubig. Agad nataranta si Orang. Muling nahiga sa kama at tinakpan ang sarili ng kumot. Tumagilid ito at pumikit ng kanyang mga mata. Pero sumagi sa isipan n'ya na..

"Patay! maling posisyon ang higa ko. Dapat patalikod ako. Nasa tabi ng folding bed ni Evan ang kanyang mga bag. Sigurado sa harapan ko maghuhubad ang mokong. Oh my God, I can't believe this. Nakasuot na kaya s'ya ng brief/ boxer shorts? Ohhh-emmm-geeee!!! Shite! Makikita ko ang kanyang birdie ng malapitan. Hala!" Napangiti hanggang tenga si Orang, hindi mapigilan ang kiliting nararamdaman.

 Nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. 

Pigil hininga si Orang..

Ayaw n'yang kumilos..

Naaamoy nya ang bango ni Evan. Lalong umaandar ang kilig na nararamdaman ng dalaga. Kinagat nya ang kanyang labi. Hindi n'ya alam kung paano mapipigilan ang lahat. 

DUBDUBDUB

Lalo pang nagtatambol ang kanyang puso.

Naramdaman n'ya ang paglapit ng binata.

Dahan dahan n'yang dinilat ang kanyang isang mata...nagulat si Orang..dahil sa kanyang nakita..imbis isang mata lang ang kanyang idinilat..napadilat narin ang kabila. Sabay nga-nga ni Orang at kagat sa kumot. Hinagod ng kanyang mga mata ang magandang hubog ng katawan ng binata.

"YUMMY.." 

Nakatalikod naman si Evan, nakasuot ng boxer short. Tila natataranta pang naghanap ng susuoting damit. Pakuway nilingon si Orang, agad namang pumikit ng mata ang dalaga. Ang akala ng binata tulog parin ang kaibigan kaya naman dali daling nagsuot ng pantalon. 

Nang maayos na ni Evan ang sarili ay lumapit sa telepono at tumawag upang magpadala ng pagkain sa kanilang silid ni Orang. Habang tuloy parin ang pagkukunwari ng dalaga. Patuloy parin na pinakikiramdaman ni Orang ang kilos ni Evan.

SWISSSSHHH

Narinig ni Orang ang pagbukas ng kurtina ni Evan sa bintana. Dahilan napadilat si Orang. Kunwari pa'y tinakpan ng kanyang mga kamay ang kanyang mukha. 

"Mmmmmm.."

"Good morning Orang. Gising na." Sabi ni Evan.

"Good morning Senyorito." Bati ni Orang. Napangiti ng husto si Orang lalo na't humarap ang binata sa kanya at ngumiti.

Dahan dahang bumangon si Orang at pinagmasdan si Evan na  nakatayo sa bintana at pinagmasdan sya.

"Anong oras na ba?" Napatanong si Orang.

UNANG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon