My Closet Queen (Chapter 66)

5K 109 1
                                    

<> SAM <>

Pag pasok ko sa pinto napatingin ako sa mga larawan na nakadikit sa dingding, walang kabakas bakas sa mukha ko may ganun na palang karamdaman ako. Alam ko galit ang nararamdaman ko ngayon dahil sa paglihim sakin ng magulang ko dahil sa sitwasyon ko pero gusto lang siguro nila na mamuhay ako ng normal na hindi ko iisipin yung lagay neto sabay turo ko sa puso ko.

" ate? "

hindi ako tumingin sa tumawag sakin dahil ayoko makita nya akong umiiyak, pero huli na dahil pinaharap nya ako sa kanya

" anong nangyari sayo? umiiyak ka ba? napa-ano ka?" bakas sa mukha nya ang pag aalala. Yung itsura nya lagi na pag may sakit ako, na seryoso na makikita mo, yung takot sa mga mata nya.

" Samuel " yun lang ang nasabi ko at napahagulgol na din ako.

" ate anong nangyari? may masakit ba sayo? ate sabihin mo sakin nandito ako hindi kita iiwan. " sabi ni Samuel at niyakap ako ng mahigpit.

naramdaman ko sa pagyakap nya na yun ang comfort na hinahanap ko ngayon kaya medyo kumalma ako. Niyakap ko din sya ng mahigpit pasasalamat dahil nandyan sya lagi para alagaan ako at handang gawin lahat para sakin.

" ok ka na ba? teka papakuha kitang tubig" bago pa sya makasigaw pinigilan ko na sya siguro nagpapahinga na din ang mga kasambahay maiistorbo pa sila.

" ok na ako. Tulog na siguro sila manang wag na natin sila istorbohin"

" sige ako nalang kukuha, umupo ka muna dito." inalalayan ako umupo ni Samuel at pumunta na sya sa kusina para kumuha ng tubig

Dumating si Samuel at may dalang dalawang baso ng tubig iniabot nya sakin yung isa. Iinumin ko na sana yung tubig ko pero nakatitig lang sya sakin habang hawak ang isang baso ng tubig.

" bakit kaya hindi mo inumin yang tubig mo hindi yung binabantayan mo ang pag inom ko"

" tapos na ako uminom, para sayo pa tong isang baso ng tubig baka kasi kulangin dahil sa dami ng luha na nilabas mo" sabay tawa nya. Pero yung tawa nya na yun para lang siguro ngumiti na ako dahil knowing Samuel ayaw nya ako nakikita na ganito. Napaka lambing nyang kapatid/kambal.

" gaya mo naman ako sa butete mong tyan ang laki oh" pang aasar ko din sa kanya, pero hindi naman talaga malaki tyan nya inaasar ko lang. May abs nga yang si Samuel alagang-alaga yan sa katawan nya.

" ate hindi ako nag g-gym para asarin mo lang na butete. Uminom ka na nga dyan."

Pagkainom ko naalala ko yung sinabi ni Samuel sakin, kung MAY MASAKIT BA SAKIN. Dahil biglang nag re-recall sakin pag meron akong masamang nararamdaman o kaya pag may sakit ako lagi yun ang tanong nya agad sakin kung may masakit ba sakin. Alam nya kaya? Napatingin ako sa kanya.

" bakit ano iniisip mo? bakit ang seryoso ng tingin mo, may nasabi ba ako?" pagtatakang tanong ni Samuel.

" Samuel, may hindi ka ba sinasabi sakin na dapat kong malaman dati pa? " tanong ko diretso titig sa mata nya dahil alam ko pag nagsisinungaling sya sakin.

Umiwas sya ng tingin at bumuntong hininga.

" Ate gustong gusto ko.....namin sabihin sayo pero pag nakikita ka namin na masaya hindi na namin sayo masabi dahil gusto nila mama at papa na makagalaw ka ng walang iniisip na kung ano ano. Bukod pa sa business na ginagawa nila mama at papa sa ibang bansa naghahanap din sila ng paraan para gumaling ka na. Gusto nila sabihin sayo pag nakahanap na sila ng donor. Sorry ate kung hindi namin sayo sinabi ayaw ka lang namin masaktan. Sana nga nakabaliktad nalang tayo ng sitwasyon, lagi ko pinagdadasal na sana makahanap na sila mama at papa ng donor para maging ok na yang heart mo. Para wala ka ng maramdamang sakit. Sana ako nalang dahil hindi ko makakayanan kung ang kambal ko ang nasasaktan."

My Closet Queen (girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon