My Closet Queen (Chapter 68)

4K 86 2
                                    

Chapter 68


<> Jess <>


I miss you so much


Nung narinig ko sa kanya yun gustong gusto ko sabihin na sobra ko din sya namimiss pero alam ko kung ano ang mas makakabuti sa kanya kung san sya mas liligaya.

Siguro yung pagkamiss nya sakin dahil lang sa pinagsamahan namin. Kaya ako nalang ang lalayo para mas malaman namin kung kailangan ba talaga namin ang isat-isa

I turn around and touch her angelic face gently, gusto na tumulo ng mga luha ko sa mata pero pinipigilan ko dahil kailangan ko ipakita sa kanya na buo na ang desisyon ko.

" I made up my mind you deserve someone........ I.... I think we're not meant to be "

Nanlaki ang mata nya halatang nagulat sya sa mga nasabi ko

"please don't do this I love you so much! I need you please don't leave me alone. Hindi ko makakaya ikaw ang kailangan ko! Baby please Im begging you please stay with me ! " hinawakan ni Sam ang magkabilang braso ko nagmamakaawang  pinipigilan ako umalis.

" I don't love you Sam, I've made up my mind there is no turning back you've been good to me and you deserves better than this " dahan dahan kong tinanggal ang kamay nya sa kanang braso ko kahit mabigat sa loob ko tong desisyon na to pero para rin sa kanya to, naririnig ko ang paghikbi nya

It's the hardest thing I'll ever have to lie, to show her no emotion when she start to cry

Agad agad akong tumakbo palabas ng cr para hindi ko na marinig yung pag iyak ni Sam pumunta ako sa classroom na walang tao at agad kong sinarado ang pinto at dun ko na binuhos ang kanina pang emosyon na pinipigilan kong lumabas. Umiyak lang ako ng umiyak alam kong ako may kasalanan bakit ko nararamdaman tong sakit na ito nararapat lang sakin to. Sobrang sakit pala pakawalan yung taong mahal na mahal mo kahit na alam mong mahal ka din nya pero mas sa ikabubuti nya kung maghihiwalay kayo.

Kailangan ko umalis na lang dito sa pinas para makalimutan ko sya tutal nakapag paalam naman na ako sa kanya. Tama si Christian ako ang kailangan lumayo.

Simula nun pangyayari sa cr hindi ko na nakitang pumasok si Sam hindi ko naman matanong kila Giezel dahil lumalayo ako sa kanila pag alam ko lalapit sila sakin nagmamadali ako umalis.

Bukas na ang alis ko papuntang Canada pumayag si dad na dun na ako mag aral dahil hindi din naman nya ako naaalagaan simula nung nawala si mommy tutal dun sa canada nandun ang lola ko may mag aalaga sa akin lalo na ngayon kailangan ko ng mag aalaga para sakin.

Maaga akong nagising dahil 6am ang flight ko kaya 3 palang nag aayos na ako papunta airport pagbaba ko ng hagdan nakita ko si dad nag aantay sa tapat ng pinto


" anak! "


"daddy?"

Maluhaluha si dad ng lumapit sa akin, ngayon nalang ulit ako tinawag ni dad ng anak.

" Im sorry sa lahat ng pagkukulang ko sayo alam ko simula nung nawala ang mommy mo hindi na kita naalagaan dapat ako ang kumakatuwang sayo pero napabayaan kita alam ko sa kagagawan ko hindi lang ina ang nawala sayo kundi ama na rin. Sana anak mapatawad mo ako sana bumalik tayo kagaya ng dati dahil ang mommy mo nandyan lang naman palagi sa paligid natin at syempre sa mga puso natin"

My Closet Queen (girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon