My Closet Queen (Chapter 17)

12.5K 166 0
                                    

Chapter17




<> Jessica <>




Nagising ako at nakayakap ako kay Sam sana hindi pa sya magising para akap akap ko lang sya.


Hinigpitan ko pa yung yakap ko kay Sam at ang sarap sarap talaga sa feeling pag katabi ko si Sam,


feeling ko akin lang sya at kaming dalawa lang ang tao dito sa mundo saka wala ako pakielam sa mga tao kahit parehas kaming babae


basta ang alam ko mahal ko na si Sam at kahit na ayaw nya sabihin sakin ang nararamdaman nya papakita ko nalang kung gaano ko sya ka mahal.



Naalala ko nanaman yung halikan namin kagabi, alam ko nadala si Sam dahil kahit lagpas ng 3 mins ay humahalik pa din sya at nararamdaman ko sa bawat halik nya na gusto nya din ang paghalik sakin sa bawat diin ng halik nya mas lalo ko rin nagugustuhan.



Gumalaw si Sam at pupungay pungay pa ang mata, ang ganda pa rin ni Sam kahit na bagong gising nakatitig lang ako sa kanya


bigla ako na conscious baka may morning glory pa ko, nabasa nya ata yung iniisip ko at aakto na kong tatayo pero hinatak nya ako at niyakap.




Hiindi ko alam kung ano tong yakap nya pero nararamdaman ko may mangyayaring hindi maganda,


sobrang diin ng yakap nya na parang ayaw ako pakawalan, kaya I'll take the chance at niyakap ko na din sya ng mahigpit.


Mga ilang minuto din kaming ganun, nakapikit lang si Sam



Lumuwag na yung pagkakayakap nya, hinarap nya ako sa kanya pero nakahiga pa din kami.



" huwag ka ng iiyak kagaya ng kagabi ah, ayoko nakikita kang ganun " sabi nya.



Sabay hinimas yung pisnge ko saka yung mata ko alam ko na mamaga pa yung mata ko dahil sa pag iyak ko kagabi




" ikaw kasi pina iyak mo ko " sabi ko habang hawak nya pa din yung cheek ko



" I'm sorry baby ko. I'm really sorry Jess " sabi nya na parang naluluha at tumayo na sya.




Ano ibig sabihin nya sa pag sosorry nya, ayan nanaman yung takot ko.





<> Sam <>



May isang araw pa kami para mamasyal.




Ngayong araw ko na pala sisimulan iwasan si Jess pero ayoko sana gawin gusto ko lagi kasama sya at saka masaya kasama si Jess sobrang saya ko pag kaming dalawa lang.


Namasyal kami at nag prisinta na ako na ang magdridrive dahil iniiwasan ko na nga si Jess.



Alam ko nagtataka yung mga kasama namin pati na si Jess alam nyang iniiwasan ko sya pero kailngan kong gawin to.


Ayun katabi nya si Josh ngayon laging nakadikit sa kanya.


Kung successful akong iwasan si Jess hindi naman successful na hindi ako magselos kina Josh at Jess pero here I'am nakatingin sa kanila ngayon habang masaya at nagpipicture.


" bakit kasi iniiwasan mo " sabi nya habang umupo sa tabi ko.




Pagtingin ko sa nagsalita si Giezel pala.



Tumingin lang ako sa kanya na kunwari hindi ko alam yung pinagsasabi nya


" alam ko naman Sam kung ano ka at tanggap ko kung ano pagkatao mo. " dagdag nya.


Kung kanina nagkukunwari ako na hindi ko alam yung sinasabi nya ngayon hindi ko na talaga magets kung ano pinupunto nya.




" ano sinasabi mo Giezel? Ang ganda ganda ng view saka lamig oh " patawa tawa kong sabi sabay tayo




hinatak nya ako para umupo ulit. Kaya napa upo na lang ako.



" Sam bestfriend mo ko, kala ko ba walang taguan ng sikreto " sabi sakin ni giezel pero pareho kami nakatingin sa malayo





" Giezel, wala ako sinesekreto saka ano pinag sasabi mo para kang sira. " pagbibiro ko pa din




" Samantha umayos ka nga, seryoso ako ngayon " halatang naiinis na tong si Giezel binuo nya na yung pangalan ko.



Umiling nalang ako at tumayo. Hindi ko pa kaya pag usapan,


hindi ko pa kayang husgahan ako ng bestfriend ko.



Natatakot ako.



Pumunta nalang ako sa sasakyan dahil hindi ko na din gusto ang nakikita ko dahil si Jess at Josh naghahabulan kala mo mga bata.


Kainis




Hapon na ng makarating kami sa rest house at mga pagod tong mga kasama namin sa kakapasyal at kakabili ng mga pasalubong.


Dumeretso ako sa music room namin at dun ako maglalabas ng nararamdaman ko ang galit, inis, at selos.



Tumugtog lang ako ng gitara. Ganito ako pag malungkot ako dinadaan ko nalang sa pag tugtog diba nga sabi nila kung hindi mo masabi idaan mo nalang sa kanta.



Habang tumutugtog ako, bumukas ang pinto at may tumabi sakin.



Nag strum lang ako, pinunasan ni giezel yung luha na umaagos sa pisnge ko.



" Shhhhh! Handa ako makinig, kung iisipin mong huhusgahan kita hindi ko gagawin yun " sabi ni giezel



Nag strum pa din ako sa gitara. Nagulat ako ng nagsalin si Giezel ng whisky sa shot glass at inabot sakin


" tara inom! " sabi nya.




Mukhang kailngan ko to para magkaron ako ng lakas ng loob sabihin kay Giezel lahat ng nararamdaman ko dahil ang bigat bigat sa pakiramdam.





Ininom ko yung binigay nya at nag inuman lang kami. Lumabas sya sandali at kumuha ng mapupulutan.

My Closet Queen (girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon