Chapter22
<> Jessica <>
Pagkagising ko tinignan ko yung cellphone ko hindi pa din nagttxt si Sam
Baka nagpapa miss lang siguro kahit kailan talaga.
Naligo nalang ako at pumasok na.
Wala naman ako makakasabay mag almusal dito sa bahay kaya sa school nalang ako mag breakfast ayain ko nalang si Sam
Nagpahatid na ako sa driver at tinignan ko yung cellphone ko hindi pa din nagttxt si Sam
Pumunta na ako ng classroom namin, wala pa din dito si Sam asan na kaya sya.
Nagugutom na ako, pero hihintayin ko pa din si Sam baka mamaya andyan na sya
Ilang minuto na wala pa din sya, asan na yun nag aalala na ko.
Simula kagabi wala syang txt, nakauwi kaya sya ng maayos kagabi
Tinawagan ko yung cellphone nya pero walang sumasagot nakakailang txt at tawag na ako
Maya maya dumating si Giezel nakabusangot yung mukha nya
Lumapit ako kay Giezel baka alam nya kung asan si Sam at bakit wala pa
" Giezel alam mo ba nasan si Sam nag aalala kasi ako hindi sya nagrereply at sumasagot sa tawag ko " sabi ko
Tumingin sya na parang naluluha
" Jessica, wala na si Sam " sabi nya
Nagulat ako sa sinabi nya
Ano daw? Anong wala na si Sam? Ano ibig nya sabihin?
" Giezel ano ibig mong sabihin? " nagmamakaawa kong tanong natatako na talaga ako
" joke lang, may sakit daw si Sam ngayon kaya hindi makakapasok " sabi nya sabay ngiti.
Kung kanina sobrang lungkot ng mukha nya ngayon sobrang natatawa.
Bwisit na to nakuha pa magloko
Kala ko kung ano na pinagsasabi ni Giezel pero
" pano mo nalaman? Nagtxt ba sya sayo ? Bakit sakin hindi nagrereply o sagutin man lang tawag ko " sabi ko na sunod sunod yung tanong ko
" hep hep hep! Hinay hinay lang sa pagtatanong mahina kalaban " sabi nya na parang tanga
Tinignan ko lang sya inaantay yung sagot ko sa tanong ko kanina
" hindi nagtxt si Sam sinabi lang sakin ng walang hiya nyang kambal na may sakit daw si Sam kaya hindi makakapasok " sabi nya na parang naiinis
" ahhh kaya pala nakabusangot yung mukha mo, pero bakit ka nagblu-blush? " sabi ko sa kanya
" pinagsasabi mo, nahahawa ka na kay Sam sa pang aasar nya sa Samuel na yun " ayun nagblush nanaman sya
Natatawa ako basta inaasar sya kay Samuel nagiging ganito si Giezel.
Bigla ko naisip si Sam oo nga pala may sakit si Sam bigla ako tumayo
" ahhh giezel alis na ako " sabi ko sa kanya sabay beso
Pero bigla kong naalala hindi ko pala alam yung bahay nila Sam kaya bumalik ako kay Giezel
Nagulat sya kasi bumalik ako, nagtataka yung mukha nya bakit parang nalugi ako bumabalik
" ahmmm Giezel san ba nakatira sila Sam? " hiya kong tanong sa kanya
Natawa naman sya bigla
" hanep ka din talaga Jessica, magmamadali kang umalis sabay hindi mo alam kung saan ka pupunta " sabi nya habang patawa tawa
BINABASA MO ANG
My Closet Queen (girlxgirl story)
RandomSi Sam na lagi iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Minsan na syang umibig sa kapwa nya babae pero pinigilan nya dahil iniisip nya ang sasabihin ng ibang tao at ayaw nya masira kung anong relasyon meron sila ni Giezel. Pero pano kung magkagusto ulit...