NOTE: Hay nakapag update din, sorry kung natagalan mag update busy kasi saka nahirapan akong gawin tong chapter na to, sa lahat ng chapters dito ako nahirapan gawin hindi ko alam kung magugustuhan nyo eto lang nakayanan.
Anyway thank you sa mga nagfo-follow at nagugustuhan tong MCQ at sobrang salamat sa mga nagvo2te :)
THANK YOU SO MUCH din sa love birds na tumulong para magawa ko tong chapter na to Jamai & Sho, ang dahilan din kaya nagawa ko tong My Closet Queen :)
ENJOY READING! :)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 60
<> SAM <>
Nakarating kami ni Jess sa bahay nila, halatang pagod na pagod sya dahil siguro hindi sya sanay mag commute at sobrang siksikan pa sa lrt.
" baby uuwi na ako para makapag pahinga ka halatang napagod ka ngayong araw na to. " sabi ko kay Jess habang pinagbuksan ko sya ng main door nila
Hindi sya nagsasalita dirediretso lang sya sa paglalakad. Nang mapansin nyang hindi ako nakasunod sa kanya sa pag akyat ng hagdan huminto sya at nakatitig lang sakin.
" What? " pagtatakang tanong ko
" ano pang ginagawa mo dyan? Hindi ka ba dito matutulog? " tanong nya na parang hindi narinig yung sinabi ko kanina
" hay! Ang baby ko sa sobrang kapaguran hindi na ako pinapakinggan " sabi ko habang papalapit sa kanya at umakbay
Nakataas lang yung isang kilay nya na nagtataka, mukhang hindi nya nga narinig yung sinabi ko kanina.
" wala sabi ko umaakyat na tayo para makapag pahinga kana "
Umakyat na kami sa kwarto nya at pinahiga ko na sya para makapag pahinga na sya.
" bakit ikaw hindi ka pa humiga? " tanong ni Jess na nakataas pa din ang isang kilay nya. Ang taray talaga ng baby ko pag pagod.
" aantayin lang kita makatulog, uuwi din ako " sabi ko sa kanya at umupo ako sa tabi nya
Pumaupo naman din sya at hinawakan nya yung mukha ko.
" dito ka nalang matulog, please " sabi ni Jess at may pag puppy eyes pa. Kung kanina nakataas yung kilay nya ngayon nagpapacute naman.
" sige na nga, hindi kita matiis eh " sabi ko at humiga na din ako sa kabilang side ng bed.
" thank you baby ko " sabi ni Jess at halik sa cheek ko.
Umiling nalang ako at ngumiti kahit kailan talaga to parang bata. Yumakap lang sya sakin at pinaunan nya yung kamay ko.
Nang nakakaidlip na ko nagulat ako ng may kamay na gumagalaw sa loob ng tshirt ko nakikiliti ako sa ginagawa nya she traced my tummy using her index finger.
Nawawala yung antok na nararamdaman ko na napapalitan ng kakaibang feeling na hindi ko dapat maramdaman baka hindi ko mapigilan yung sarili ko.
" Argggghhh baby what are you doing? " sita ko kay Jess
Pagtingin ko sa kanya ayun naka ngiti lang sya na parang may kalokohang iniisip.
" baby yang ngiti mo ha " sabi ko sa kanya na tinakpan ko yung mata nya pano na h-hypnotize ako sa ganung mga titigan nya.
BINABASA MO ANG
My Closet Queen (girlxgirl story)
RandomSi Sam na lagi iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Minsan na syang umibig sa kapwa nya babae pero pinigilan nya dahil iniisip nya ang sasabihin ng ibang tao at ayaw nya masira kung anong relasyon meron sila ni Giezel. Pero pano kung magkagusto ulit...