My Closet Queen (Chapter 45)

9.1K 123 8
                                    

Chapter45



<> Sam <>



Nung tumakbo si Jess hindi ko alam gagawin ko, kung uupo lang ba ako dito o hahabulin sya.

Bumuntong hininga ako at hinabol ko na si Jess, nakikita ko syang papalayo at tumatakbo lang ng tumatakbo

Binilisan ko yung takbo ko para maabutan ko sya, hanggang sa mapaupo sya sa buhangin

Umiiyak lang sya ng umiiyak yung dalawang kamay nya ay nakasalo sa mukha nya

Hay! Jess hindi ko gusto tong nangyayari hindi ko alam kung ano tong ginagawa ko

basta ang gusto ko lang ay maging masaya ka sa piling ni Gabriel kung sya talaga ang gusto mo papalayain kita kahit masakit para sakin to.

Lumapit ako sa kanya at inangat ko yung chin nya gamit yung kanang kamay ko para makatingin sya sakin

Sobra akong nanghihina pag nakikita ko yung mata nya na umiiyak kitang kita yung lungkot sa mga mata nya

Pero inalis nya agad yung kamay ko sa chin nya at yumuko sya

" Jess I'm sorry " sabi ko

" hindi ko sinasadyang saktan ka, hindi ko alam yung ginagawa ko ang alam ko lang eto ang nararapat "

Tumingin sakin si Jess, kitang kita sa mata nya yung lungkot na naghahalong galit na tingin

" nararapat? Nararapat na pumayag ka magpaligaw sa Charles na yun? Sam, girlfriend kita kahit na hindi nila alam na girlfriend kita siguro naman kahit ikaw man lang panindigan mo na girlfriend mo ko. Harap harapan Sam sobrang sakit at dinig na dinig ko yung pagpayag na sinabi mo na magpapaligaw ka sa kanya. Pwede naman hindi ka nalang magsalita nung tinanong ka pero para itago yang sikreto mo sikreto nating dalawa pumayag ka magpaligaw! Sobra kang makasarili Sam! " galit na sabi ni Jess

" I'm sorry! Sana maintindihan mo ko Jess, hindi lang para sakin tong ginagawa ko "

" I think we need to stop this " sabi ko

Ayaw ko man sabihin pero kailangan, sobrang sakit din para sakin to

" anong.... i-ibig... m-mong..... s-sabihin? " gulat na nauutal na tanong ni Jess

" Mahal na mahal kita Jess pero kailangan na nating tapusin kung ano meron satin ngayon, hindi lang para sakin to kaya ginagawa ko. Sana maintindihan mo ko " sabi ko at tumayo na ako

Aalis na sana ako ng biglang hawakan ni Jess yung kanang kamay ko

" Please Sam don't do this. Please don't leave me. Mas mahal mo ko diba kesa kay Charles? "

Hindi ko alam gagawin ko gustong gusto ko yakapin at pahirin yung luha na umaagos sa mukha ngayon ni Jess pero kailangan ko to gawin.

Hinatak ko nalang yung kamay ko at umalis ako ng walang sinasabi kay Jess

Baka pag nagtagal pa ko hindi ko na kayanin at bumigay na din ako, mahal na mahal ko si Jess at ayaw ko sya nakikita ng ganun

Habang pabalik ako sa kwarto namin hindi ko mapigilan hindi tumulo luha ko

Pagkarating ko sa kwarto pumasok ako agad sa cr buti nalang wala pang tao dito

Baka nandun pa sila, sumandal lang ako sa pinto ng cr at patuloy lang tumutulo yung luha ko

Biglang nag flashback yung kaninang eksena habang hinahalikan ni Gabriel si Jess

Napayukom yung kamay ko at sinapak sapak ko lang yung tiles gusto ko ilabas lahat ng nararamdaman ko

My Closet Queen (girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon