My Closet Queen (Chapter 56)

9.9K 170 5
                                    

Chapter56

<> Jessica <>

Andito lang ako ngayon sa duyan dahil kakatapos lang kumain sobrang sarap ng hangin dito

maaliwalas talagang probinsyang probinsya medyo mainit nga lang yung singaw dahil tanghaling

tapat pa.

Si Sam tumutulong magligpit ng mga pinagkainan nagprisinta nga ako pero ayaw nila

kaya andito ako ngayon mag isa si Samuel kasama daw ng mga pinsan nila.

Habang nagmumuni-muni ako may lalaking lumapit sakin tingin ko ay kasing edaran lang namin

or mas matanda sya sakin. Matangkad, moreno, at matangos yung ilong nya, makapal yung kilay

nya at ang manly ng postura nya, siguro taga dito sya. Tinignan ko sya ngumiti lang sya

" Hi! " bati nya

" Hello " bati ko at ngumiti din ako

" bakit mag isa ka lang, " tanong nya

" ah wala nagpapahangin lang " sabi ko

" ah, ako nga pala si Antonio ikaw yung kaibigan ni insan Sam diba "

" Ah oo, Jessica po " sabi ko

Nakwentuhan lang kami ni Antonio mas matanda sya sakin ng limang taon at tama nga ako dito

sya nakatira sa pangasinan kakagraduate nya lang ng agriculture kung ano ano pa yung pinag

usapan namin ng dumating si Sam.

" oh insan bakit hindi mo sinasamahan yung kaibigan mo ang ganda ganda pa naman " sabi ni Antonio

" may ginawa kasi ako sa loob, saka makakaalis kana dahil andito na ako " sabi ni Sam

Nagulat naman ako sa sinabi ni Sam parang hindi sila ok ng pinsan nya dahil sa tono ng

pakikipag usap nya kay Antonio

" nag eenjoy pa ako kausap sya kaya mamaya nalang ako aalis " sabi ni Antonio na parang inaasar nya pa si Sam

Bigla naman kumunot yung noo ni Sam, alam ko naiinis na sya kaya hinawakan ko yung kamay

nya

" ah sige na aalis na kami, magpapahinga lang kami napagod kami sa byahe " paalam ko kay Antonio at hinatak ko na si Sam papuntang loob

Pumunta kami sa kwarto at umupo si Sam sa kama nakatingin lang ako sa kanya yung tingin na

nagtatanong kung ano meron sa inasal nya kanina

" what? " tanong ni Sam

" pwede ba malaman bakit ganun ka kanina? " 

" I'm sorry, hindi lang talaga kami ok ng pinsan kong yun " sabi nya sabay yuko at hawak sa noo nya.

Lumapit naman ako sa kanya at inangat ko yung mukha nya

" wag mo na uulitin yun ah kahit hindi kayo ok wag ganun ang asalin mo nagmumukha kang monster " sabi ko at ngumiti naman sya at yumakap sa bewang ko.

" Sam pahinga ka muna, alam ko napagod ka mag drive kanina " sabi ko habang nakaakap pa din sya sa bewang ko

" ok lang, ganitong nakayakap ako sayo nawawala na pagod ko " sabi nya

My Closet Queen (girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon