My Closet Queen (Chapter 62)

5.7K 109 7
                                    

Chapter62

<>Sam<>

Malapit na mag December, ang bilis talaga ng araw. Sobrang lamig na ng simoy ng hangin mararamdaman mo na talaga paparating ang christmas. Sana magiging masaya ang darating na pasko ko ngayon kumpara last year. Kung babalikan ko yung araw na yun sana hindi nalang nangyari sobrang sakit ang naramdaman ko nun, parang ayaw ko na mabuhay at mawala nalang sa mundong ito.

*flashback*

Sweetheart malapit na mag christmas gusto ko magkasama tayo dahil yun din ang araw ng anniversary natin, mag a-anniversary na tayo akalain mo yun tatagal tayo ng ganito, ayaw ko pa sayo dati nun dahil mukha kang basagulero at chickboy." Sabay kurot ko sa cheek nya

oo nga sweetheart, sobra akong nabighani sa kagandahan mo at kagandahan ng ugali mo, nasayo na ang lahat. Kala ko nga hindi ka na mapapasakin dahil hindi ako ang ideal man para sayo. " sabi nya at sabay akap sakin, sobrang higpit hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan hindi ko alam kung ano meron sa yakap nya na yun pero yumakap na lang din ako ng mahigpit.

Hinatid nya na ako samin at umuwi na sya. Nagtxt ako sa kanya pagkarating ko sa kwarto ko  hinahantay ko ang reply nya hanggang sa nakatulog na ako.

 

Pag gising ko walang txt ang sweetheart ko, nagtataka ako dahil hindi sya ganito, pag mag kaaway lang kami hindi sya nagrereply sakin, sa pagkakaalam ko ok naman kami bago magkahiwalay kagabi nag reminisce pa nga kami. Naligo nalang ako at pumasok sa school. Hindi na ako nag breakfast sa bahay dahil gusto ko kasabay ko ang sweetheart ko mag almusal, nagagalit na nga sila mama dahil hindi na ako nag almusal sa bahay pero sinasabi ko nalang na madami pa kasing gagawin sa school pero ang dahilan ko lang talaga dahil gusto ko makasabay ang sweetheart ko kumaen.

 

Pumunta ako sa canteen at bumili ng makakaen, ngayon ako naman ang bibili ng pagkaen namin ng sweetheart ko dahil sya lagi nag su-surprise sakin, ayun siguro nagustuhan ko sa kanya lagi syang may surprise for me. Pumunta ako ng tambayan namin kung saan lagi kami nagkikita dito sa school.

 

Inantay ko sya pero wala, miske txt wala pa din. Bakit hindi sya nagttxt simula pa kagabi hanggang ngayon. Nakauwi kaya sya sa kanila. Hindi naman sya ganito, first time lang nangyari na ganito talaga sya.

 

Nag bell na at pumasok na ako sa classroom namin hindi ko nakain yung binili ko kanina sa canteen dahil hindi dumating ang sweetheart ko. Nasan na kaya sya hindi pa naman kami magkaklase kaya hindi ko malalaman kung pumasok na ba sya or hindi.

 

Hanggang sa mag uwian walang txt or tawag, miske anino walang nagpakita, hay! Nasan na kaya ang sweetheart ko. Nag aalala na ako, hindi ko alam kung may nangyari na ba sa kanya or anything.

 

Malapit na magsimbang gabi hindi pa din sya nagpapakita. Nangako pa naman sya sakin na kukumpletuhin namin ang simbang gabi na magkasama, at sya ang taong alam kong tinutupad ang ano mang pinangako.

 

Simbang gabi na kasama ko ang mga kaibigan ko dahil wala pa din sya kaya mga kaibigan ko kasama ko, alam ko hindi nya ako bibiguin tutuparin nya yung pangako nya, habang nagmimisa hindi sya mawala sa isip ko, kumakapit pa din ako sa paniniwalang tutuparin nya yung pangako nya na sabay kami magsisimbang gabi at kukumpletuhin namin.

My Closet Queen (girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon