Chapter18
<> Sam <>
Bumalik na si Giezel, habang wala si Giezel kanina ininom ko ng ininom tong alak.
Wala lang gusto ko lang magpaka lasing naniniwala ako na paglasing lumalakas ang loob.
Kinuha ni Giezel yung gitara at nag strum sya.
When you're down and troubled
and you need a helping hand
and nothing, whoa nothing is going right.
Close your eyes and think of me
and soon I will be there
to brighten up even your darkest nights.
You just call out my name,
and you know whereever I am
I'll come running, oh yeah baby
to see you again.
Winter, spring, summer, or fall,
all you have to do is call
and I'll be there, yeah, yeah, yeah.
You've got a friend.
Hey, ain't it good to know that you've got a friend?
People can be so cold.
They'll hurt you and desert you.
Well they'll take your soul if you let them.
Oh yeah, but don't you let them.
You just call out my name and you know wherever I am
I'll come running to see you again.
Oh SAMANTHA, don't you know that,
Winter spring summer or fall,
Hey now, all you've got to do is call.
Lord, I'll be there, yes I will.
You've got a friend.
You've got a friend.
Ain't it good to know you've got a friend.
Ain't it good to know you've got a friend.
" Sam, You've got a friend. Bestfriend mo ako at andito ako sa tabi mo handa ako makinig dahil malaki na natulong mo sakin. Nandyan ka lagi para tulungan ako, hindi ka nagdadalawang isip tumulong sakin at sa ibang tao hanggat kaya mo. " sabi ni Giezel
pagkatapos kumanta at yumakap lang sya sakin at hinahagod yung likod ko.
Hindi ko na kasi napigilan yung luha ko ng kumakanta palang si Giezel, maswerte ako at si Giezel ang naging bestfriend ko.
" Gie, nahihirapan na ako. Nahihirapan akong itago ang tunay na ako. Pinipigilan ko pero ewan ko, alam ko napigilan ko dati pero si Jess gusto ko talaga sya. " nasabi ko na kay Giezel
nakapikit lang ako ayoko makita ang magiging reaksyon ni Giezel
" I know Sam. "
Napadilat ako sa sinabi ni Giezel. Alam nya.
" what do you mean? " pagtataka ko
" Sam bestfriend mo ko, alam ko. Alam ko na sa bawat titig mo kay Jessica may iba, may iba sa ngiti mo na hindi katulad sa mga naging karelasyon mo na lalaki, basta ngayon lang kita nakitang masaya ng ganito " sabi nya
" hindi ka nandidiri sakin dahil babae gusto ko? " tanong ko sa kanya
" hindi. Bakit ako mandidiri saka kung san ka masaya suportanta ka! Saka bakit si Richie tanggap namin kaya wag mo iisipin na huhusgahan ka namin dahil mga kaibigan mo kami" ngiti nyang sabi
" may isa pa akong i coconfess " sabi ko na nahihiya
" sus alam ko na yun. Na nagkagusto ka sakin " sabi nya na natatawa
Nagulat nanaman ako. Alam nya kailan pa? Pano?
Nabasa nya ata yung iniisip ko
" kung iniisip mo kung pano ko nalaman at kailan syempre nakikita naman yun sa pinapakita mo pero alam ko pinipigilan mo naman na hindi ka lalo mahulog sakin, saka congrats napigilan mo dahil ayoko masayang friendship natin. " sabi nya
" dahil ayaw mo sakin? " tanong ko
" nope. Dahil may gusto akong iba " sabi nya na halatang nalungkot sya
Hmm mukhang alam ko na kung sino. Pero sisiguraduhin ko muna
" sino naman gusto mo? " pang iintriga ko
" basta " sabi nya sabay tungga sa alak..
" Duga ako nag share tapos ikaw basta " sabi ko kunwari nagtatampo ako
" OK! " uminom ulit sya sabay buntong hininga
" Si Samuel ! " sabay pikit nya na parang nahihiya
Hahaha sabi na nga ba,
" BINGO! Napaamin din kita! Wag ka mag alala matagal ko na din pansin hindi ko lang din sinasabi SIS! " sabay tawa ko inemphasize ko pa yung salitang sis para lalong maasar.
Nakikita ko na din noon pa na gusto nya yung kambal ko kaya nawala na din yung pagtingin ko kay Gie.
Saka mas gusto ko naman si Gie sa mga nagiging girlfriend ng kapatid ko.
Parehas lang kami tahimik ni Gie habang umiinom, maya maya nagsalita na sya.
" ano balak mo sasabihin mo na ba kay Jessica yung nararamdaman mo? "
" hindi ko pa alam Gie, natatakot pa din ako sa sasabihin ng iba." Sabi ko kay giezel sabay inom ko sa alak
" wag mo kasi isipin ng iba hindi naman sila ang makakarelasyon mo, saka mukha naman may nararamdaman sayo si Jessica " sabi ni Giezel
" napansin mo din. " sabi ko
Masyado ata observer tong bestfriend ko. Bakit kaya hindi nya mapansin na gusto din sya ng kambal ko..
" oo naman, sobrang sweet nyo kayang dalawa, kala ko nga kayo na kaya sinama mo sya dito sa outing " sabi nya na ng aasar
" pero mukha naman syang masaya kay Josh, ano laban ko kay Josh lalaki sya babae lang ako, mas bagay sila. " sabi ko at tumungga ulit ako
" alam mo Sam ang drama mo, tinutulak mo palayo si Jessica sabay magdradrama ka ng ganyan. Sipain kita eh " sabi ni Giezel na aktong sisipain nga ako
" pano kung sweet lang sya sakin pero hindi sya ok sa girl to girl na relationship " sabi ko
" ewan ko sayo, mag bikti ka sabay talon sa bangin " bwisit naman to seryoso ako sabay ganun pinagsasabi.
Ganito si Giezel pag lasing na kung ano-ano na yung pinagsasabi
Bumukas yung pinto at papunta samin si Samuel na nagtataka siguro kung bakit kami umiinom dito
" what's happening here? Bakit kayo nagpapakalasing? " sama ng tingin nya samin
" wala kang pake! " sabay duro ni Giezel kay Samuel
Halata na nag aalala si Samuel kay Giezel dahil hindi nya hinahayaan si Gie na lalasing lalo na pag nag babar kami.
" wala nagkwentuhan lang kami ng bestfriend ko " sabi ko sabay tungga ulit sa baso ko
" bakit kayong dalawa lang, saka ano problema nyo? May problema ka ba? " tanong sakin ni Samuel, kahit kailan talaga napaka sweet ng kambal ko
" wala to, buhay pag ibig lang pinag uusapan namin ni Gie " sabay ngiti ko kay Gie na nakakaloko kaya sinamaan nya ako ng tingin.
" Para kayong mga baliw, lasing na kayo, tumayo na kayo dyan at kakain na andun na silang lahat sa lamesa kayo nalang inaantay " inalalayan ako ni Samuel pero sabi ko si Giezel nalang alalayan nya dahil kaya ko pa naman sarili ko
" bitiwan mo nga ako, ayoko magpahawak sayo " sabi ni Giezel habang pagewang gewang sa paglalakad pero nakasunod lang si Samuel sa kanya.
Ito talagang dalawa ayaw pa mag aminan
Lumabas na kami ng music room at pumunta na sa dining table.
BINABASA MO ANG
My Closet Queen (girlxgirl story)
RandomSi Sam na lagi iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Minsan na syang umibig sa kapwa nya babae pero pinigilan nya dahil iniisip nya ang sasabihin ng ibang tao at ayaw nya masira kung anong relasyon meron sila ni Giezel. Pero pano kung magkagusto ulit...