My Closet Queen (Chapter 11)

14.1K 196 1
                                    

Chapter11


<> Sam <>


Buti naman at tapos na ang exam, at kahit papano makakapag relax relax na ulit.


Dahil saturday bukas walang pasok at sa monday holiday we have a long weekend.


Malapit na matapos yung klase namin excited na ako para bukas.



First time namin mag outing kasama si jess, buti nga pumayag sya sumama saka sinabi ko na sa mga tropa ko na isasama ko si jess at ok naman sa kanila at kilala naman na nila si jess.


5



4

3



2




1




" ok class your dismissed "



Nagtayuan na kami at excited na ako lumabas ng classroom, aayusin ko pa kasi yung gamit ko.




" excited mo naman umuwi" sabi sakin ni jess habang palabas kami ng classroom.




" oo nga kala mo ngayon lang makakaalis" sabay singit ni giezel.



Naku ayan silang dalawa tatawa tawa. Pake ba nila eh excited ako lagi pag ganitong mag-oouting .




" syempre na stress ako kaka aral para sa exam, saka pake nyo ba" pag susungit ko sa kanila.



At ayun nagtawanan lang sila. Inisnab ba naman pag susungit ko sa kanila.



Andito na ako sa bahay nag ayos ng biglang pumasok sa kwarto ko si Samuel.



" ano oras tayo aalis bukas? " excited na tanong Samuel




Kasama lagi si Samuel sa lakad ng barkada, close siya sa mga barkada ko kay giezel lang iba.


Haha kunwari pa tong kapatid ko alam ko naman kung ano nararamdaman nya para sa bestfriend ko.



" excited lang? O excited makasama si giezel? " pang aasar ko sa kanya sabay higa na din ako sa tabi nya tapos na kasi ako mag ayos ng gamit ko.




" kapal ah, baka sya ang excited ako kasama, saka aasarin ko lang naman sya ng aasarin eh. " sabi nya na pangiti ngiti na parang may binabalak




" ay ate, sama ko yung kaibigan ko pwede ba? " sabi nya.



Ok lang naman sakin mas masaya kung marami



" ok lang sa rest house naman natin tayo pupunta kaya ok lang kahit maraming kasama " sabi ko


Ayun nagtxt na si samuel aayain siguro yung mga barkada nya.



Sa rest house namin kami pupunta dahil long weekend at kailangan na din mag unwind sarap kaya mag unwind sa baguio lalo't na bermonth na at sobrang lamig sa baguio.






Van dala namin para iisa nalang sasakyan dalhin saka kasya naman kami lahat, kaso etong kambal ko maarte at isang sasakyan dadalhin nya siguro para dun sila ng mga barkada nya.



Kinausap na nila mama yung caretaker sa rest house na ayusin dahil pupunta kami dun.


Si josh ang nagdri2ve kapalitan nya si alfred dahil ilang hours din ang byahe papuntang baguio.



Naku bago kami umalis ay nagpasikat pa tong si josh kay jess.





<> Jessica <>





Nasa byahe na kami. Dito ko sa side ng bintana katabi ko si Sam katabi nya naman si Giezel.



Sila chloe margarette and richie nasa likod papunta kami ngayon dahil kakatapos lang naman ng exam at ilang araw walang pasok.



Hindi ako nag paalam kay daddy na pupunta kami sa baguio dahil wala naman syang pakielam sakin at hindi ko lagi sya naabutan na nasa bahay.



Buti nalang at sinama ako ni Sam dito sa outing nila dahil wala naman ako magagawa kung nasa bahay lang ako.



" sigurado akong magugustuhan mo dun dahil ang ganda ng view " sabi sakin ni Sam




" mas maganda pa sayo? " sabi ko sa kanya.




Natawa naman ako sa reaksyon nya na biglang nahiya sa sinabi ko.



Ayaw talaga netong sinasabihan sya ng maganda o kahit anong papuri nahihiya sya saka sobrang humble ni sam.


Kahit na napaka ganda nya hindi nya ito ipinagmamayabang.



" oo mas maganda pa sakin " sabi nya na ngumingiti




" pero mas maganda ka " pahabol nyang salita pero pabulong



Para siguro hindi marinig ng mga kasama namin.



Ngumiti ako alam ko nag blush ako pero sana lang hindi nya nakita dahil nakakahiya.




Dahil mahaba pa ang byahe tulog na yung iba si alfred natulog muna para may energy sya pag pinalitan nya si josh mag drive.


Ng maramdaman kong bumibigat na ang aking mata kinuwa ko yung kaliwang kamay ni Sam at inakbay ko sakin para gawin kong unan sya yumakap ako sa beywang nya para comfortable ako.



Nagulat ata tong si sam sa ginawa ko kaya inangat ko yung ulo ko habang nakaakap sa beywang nya



" sige na please! Inaantok na ako gusto ko ikaw unan ko " sabay pout ko.



Wala na sya nagawa ginulo nalang nya yung buhok ko at bumuntong hininga nalang sya.



Dinig na dinig ko ang lakas ng pintig ng puso ni Sam.



Kinakabahan din ba sya kagaya ng kaba na nararamdaman ko ngayon? Na kaba na nararamdaman ko pag nakikita ko si Sam.


Na kaba tuwing magkasama at magkalapit kami sa isat isa.


Hinigpitan ko nalang yung yakap ko kay sam at ang sarap sa feeling I feel comfortable in her side, hugging her makes my day complete.


The lasting I know before I fell asleep Sam kissed my forehead and she said " get some rest baby "



I just smile and fall asleep



Nagising ako at nakaakap pa din ako kay Sam at ganun din sya, nakatulog din si Sam hindi muna ako gumalaw gusto ko yung sitwasyon namin ngayon na nakayakap lang sya sakin at nakayakap ako sa kanya.


Saka baka pag gumalaw ako magising si Sam.



Hmmm bango talaga ni Sam hay naku pinag nanasaan ko nanaman sya.



Maya maya gumalaw na si Sam at nagkunwari akong tulog nakatitig sya sakin dahil kahit nakapikit ako dama ko na nakatingin sya.



" hindi ka magaling magpanggap, kanina ka pa gising noh? " sabi nya. Kaya dumilat na din ako



" good morning " sabi ko sa kanya sabay ngiti




" good morning ka dyan, ayan oh may panis ka pang laway " sabi nya.



Dali-dali naman ako bumitaw sa beywang nya at tinignan ko sa salamin kung may panis na laway ako tumawa naman sya agad



" joke lang. Pero tignan mo tong damit ko puro laway " pang aasar nya.


Hinampas ko sya sa braso nya pero mahina lang baka masaktan umiyak pa to.



Sabi ni alfred malapit na daw kami kaya nagsipag gisingan na yung iba at etong isa hindi pa din tapos sa pang aasar sakin.



" hmmm bago na yung pabango ko, amoy laway na yung damit ko oh " parinig ni sam.



Kaya kinukurot ko sya sa tagiliran lakas kasi mang asar, hindi naman tumulo laway ko eh.



Saka hindi ako tulo laway yung mga guys lang tumutulo laway pag nakikita ako.



Ok ako na makapal mukha yan ang kabaliktaran ko kay Sam kung sya humble ako makapal mukha lakas ng bilib ko sa sarili ko.



Dumating na kami sa rest house nila Sam at tama sya mas maganda pa nga ako kesa sa mga view dito. Echos!



Maganda nga talaga ang view at sobrang lamig. Ang laki ng rest house nila at halatang pinag isipan ang mga designs at mukhang mamahalin halatang sa ibang bansa galing ang mga furnitures.



Ang nakakatuwa at may music room dito saka pagpasok palang makikita mo yung piano talagang pinuwesto yung piano para maging center of attraction.


Nakatitig lang ako sa piano at parang gusto ko tumugtog pero ayaw na ni daddy na tumutugtog ako.


Siguro dahil naaalala nya si mommy at talagang malaki lang ang galit sakin ni daddy.




" ok guys we have 5 rooms here, at yung nasa 2nd floor yung master bedroom bawal tayong pumasok dun dahil sa love birds yun " sabi ni sam na patawa tawa habang nagsasalita.



Sino kaya yung love birds na yun, may kasama ba kami magsyota ngayon. Or baka, don't tell me susunod yung boyfriend ni Sam dito at dun sila kaya hindi kami pwede dun. Hay! Erase erase hindi pwede yun. Akin lang si Sam.


" So malalaki naman yung mga kwarto at yung dalawang kwarto ay para talaga sa mga guest kaya may ilang kama dun kada isang guest room, dahil sampu lahat tayo yung iba magsasama sama ok lang ba? " -Sam




Teka sabi ni sam sampu kami sa pagkakaalam ko walo lang kami, si Giezel, Margarette, Chloe, Richie, Josh, Alfred, Sam at Ako.



Asan yung dalawa? May nakikita ba si Sam na hindi namin nakikita?



" Saan na daw ba sila " tanong ni chloe habang nagttxt



" Malapit na daw, may dinaanan lang daw " sabi naman ni Josh



Ahhh may inaantay pa pala kami. Sino kaya yun at hindi nalang sumabay sa van maluwag pa naman kami.




" oh iha andito na pala kayo. Kamusta ang byahe. Ang ganda ganda mo pa rin." Sabi ng matandang babae kay Sam na galing sa kitchen at sabay halik sa pisnge ni Sam at nag mano din si Sam.




" kayo po talaga manang Lelet hindi po ako maganda. Ok naman po ang byahe nakakapagod haba ng oras na nakaupo" sabi ni sam sabay akbay kay manang lelet





" guys this is manang lelet, sya nag aalaga dito sa bahay kasama si tatang ondoy " pakilala ni Sam




Nag HI naman kami kay manang Lelet




" mga iho at iha kung may kailngan kayo, or kung ano gusto nyo sabihin nyo lang sakin wag kayo mahihiya" sabi ni manang Lelet.



tumango lang kami




" ah sya nga pala asan na yung napaka kulit mong.... " hindi na natapos ni manang Lelet yung sasabihin nya dahil may boses ng lalaki ang nagsalita





" ako ba ang hinahanap mo? " sabay yakap nya kay manang Lelet at tuwang tuwa na nagkita silang dalawa ni manang Lelet, ng magbitaw sila ng yakap.




WHAT THE.? Anong ginagawa nya dito? At bakit andito nanaman sya.



Totoo ba yung iniisip ko na silang dalawa yung tinutukoy na love birds kaya bawal dun sa master bedroom.



Para akong sinaksak sa puso at parang nanghihina ako. Gusto ko na umuwi at nagsisisi na ako sumama ako dito.


Bakit kasi kailngan andito pa tong lalaking to. Umupo nalang ako sa sofa at hindi na maipinta ang mukha ko.



Naiinis ako.



Nakakainis si Sam.


Habang busy sila sa pag aayos kung sino sino sa kwarto ang magkakasama ako eto nakabusangot yung mukha ko hindi ko talaga maiwasan hindi mainis at nasira na yung araw ko.



Nagulat nalang ako at nag aakyatan na yung iba at kinuwa na ni Sam yung kamay ko.



Kanina kasi kinakausap nya ako hindi ko sya pinapansin. Alam nyo naman bakit hindi ko sya pinapansin.



San ba kami pupunta neto eh sila diba magkasama ng boyfriend nya sa master bedroom bakit nya ako hinahatak ngayon. Kainis!


Pumasok kami sa kwarto at ang ganda ng kwarto grabe, kulay white ang pintura ng wall at puro red yung mga kulay ng gamit.



May mga pictures wait!



Puro sila nung boyfriend nya at family nya.



Bakit ganun seryoso na ba sya sa boyfriend nya na yun saka bakit kami andito.




Hahatid nya lang ba ako dito sa kwarto ko at sino kaya kasama ko dito.


" sino kasama ko dito, saka bakit ka ba andito? " tanong ko sa kanya na halatang inis ako dahil sa tono ng pagsasalita ko


Nakakunot ang noo ni Sam na nagtataka, na parang hindi gets kung ano pinagsasabi ko



" bakit ba ang sungit mo, saka bakit ako nandito eh sa pagkakaalam ko rest house namin to at pinagawa to ng magulang ko para maging kwarto ko to " sabi nya habang nakahawak sa baba nya na parang nag iisip isip pa.


" eh ano ngayon kung kwarto mo to hindi ka naman dito sa kwarto na to dun ka sa master bedroom diba? " sabi ko.




Hindi ko na matiis hindi sabihin yung last word ko alam ko mukha akong pakielamera pero naiinis talaga ako pag naiisip ko dun sila nung lalaki na yun matutulog the whole days na andito kami




Lalong mukhang naguguluhan si Sam sa pinagsasabi ko at sa tono ng boses ko, at kung bakit ako nagkakaganun.





" Ano ba pinagsasabi mo, dito ako sa kwarto ko matutulog noh " sabi nya sabay talon sa kama nya




So tatlo kami magsasama ng boyfriend nya kainis ahh




" sino kasama natin dito ? " tanong ko ulit sa kanya, para malaman ko nga kung tama yung hula ko


" tayo lang dalawa. Wag ka mag alala harmless ako " sabay ngiti nya labas yung dimple nya.



Humiga na ulit sya sa kama nya matutulog ata sya

Wait teka ano sabi nya kaming dalawa lang. As in hindi sila magtatabi ng boyfriend nya?



Buti nalang hindi tama yung hula ko na kaming tatlo dito sa kwarto na to.



Kahit papano ok na ako at nawala na yung konting inis ko dahil kasama ko si Sam dito sa kwarto at kaming dalawa lang HAHAHA *evil laugh*



Humiga na din ako sa tabi ni sam at nakapikit na sya.



Dumapa ako at humarap ako sa mukha nya pinagmamasdan ko lang yung mata, bibig, ilong at labi nya.



Grabe ang ganda ganda ni Sam sana akin nalang sya.




" magpahinga ka na para may energy ka mamaya " sabi ni sam habang nakapikit



" Sam " sabi ko



nag hmmmm lang sya



" talaga bang tayong dalawa lang dito sa kwarto " paninigurado ko lang baka kasi mamaya kasama na namin yung boyfriend nya




" oo nga, saka hindi kita pagnanasaan." Sabay ngiti nya



Ngumiti nalang ako at niyakap sya, naririnig ko nanaman ang bilis ng tibok ng puso ni Sam.




Ganun din yung tibok ng puso ko para sa kanya.

My Closet Queen (girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon