Chapter30
<> Jessica <>
Nagulat ako sa sinabi ni Sam hindi ko inaasahan na dito sya sa bahay matutulog
Akala ko pauuwiin nya lang ako pero sasamahan nya daw ako
Salamat talaga kay Sam hindi nya ako pinapabayaan mag isa dahil kailngan ko talaga sya ngayon
Ayaw ko talaga muna dito sa bahay dahil alam kong iiyak lang ako ng iiyak
Pero ngayong kasama ko si Sam alam kong ok na ang lahat
Pagpasok namin dumiretso na kami sa kwarto ko dahil wala din naman si daddy dito
" una na ako magpalit " sabi ko
Paglabas ko tinitignan lang ni Sam yung picture namin ni mommy nung bata pa ako
" ang cute mo dito Jess, kamukha mo ngumiti yung mommy mo " sabi ni Sam
Ngumiti lang ako dahil namiss ko nanaman si mommy
" Shhhhh " sabay halik nya sa noo ko at pumunta na ng cr
" tulog ka na para mapahinga na yang mata mo masyado napagod kakaiyak " sabi ni Sam sabay halik sa mata ko at noo ko
Natulog na kami ni Sam nakaunan ako sa braso nya habang nakaakap kami sa isat isa
Pag gising ko wala sa tabi ko si Sam
Nalungkot ako hindi ko alam kung bakit iniwan na kaya ako ni Sam
Umuwi na kaya sya
Bakit hindi nya ako ginising
Tatayo na ako sa kama ng bumukas yung pintuan
Nakita ko si Sam na may dalang tray
Bigla ako napangiti kala ko umalis na si Sam
" good morning baby ko, breakfast in bed " sabi nya
Pagkaupo nya sa tabi ko inakap ko agad sya
Its nice to know that there's someone I can turn to who will always care and
She's always there
Bute at nakilala ko sya at masasabi ko na talagang mahal na mahal ko na si Sam
Hindi hadlang kahit na babae sya o pareho na babae kami basta ang alam ko mahal ko si Sam
At handa akong sabihin sa lahat ng tao yun miske kay daddy
" oh tama na yan kumain ka na lalamig to " sabi ni Sam
Bumitaw na ako sa pagkakayakap ko sa kanya at kumain na kami
" ikaw nagluto neto? " tanong ko
" oo sino pa ba? Hindi mo pa ba alam luto ko? " sabi nya
" hindi naman sa ganun, pero pano ka nagluto ? " pagtataka kong tanong
Ngayon lang kasi nakapunta dito si Sam bakit alam nya agad yung kitchen namin at nakapagluto pa sya
" basta kumain ka nalang ng kumain may pasok pa tayo " sabi nya at sinubuan nya ako
Ngayon nalang ulit ako nagbreakfast dito sa bahay at naging masaya dito sa bahay
Dito kami sa V. Court nag cheecheer kami kay Sam dahil final game na ng IABF sport fest
Kasama ko sila Margarette Chloe at Richie wala na daw sila klase kaya andito sila
Sila Josh at Alfred sunod nalang daw
Sila samuel naman at mga kaibigan nya nasa kabilang side namin
Lumapit samin sina Giezel at Sam
" oi kayong dalawa galingan nyo ha naku nakakahiya kayo pag natalo kayo " sabi ni Richie
" oo nga hindi ko kayo tropa pag natalo kayo " dadag ni Margarette
" pagnanalo kayo guys libre ko painom " sabi naman ni Chloe kaya nag hiyawan kami
" oh wala ba akong good luck kiss dyan " bulong ni Sam
Tumingin ako si Sam ba talaga to
" ahhh so gusto mo bibigyan kita dito " sabi ko sa kanya na ng aasar
Alam ko nagbibiro lang sya dahil maraming tao at maiilang sya
" joke lang. Ibig kong sabihin handa mo na yung surprise ko dahil mananalo na kami " sabi nya
" oh alis na kami nilalanggam na ako. " sabi ni Giezel na pasimpleng ngiti samin
" saka ikaw Chloe handa nyo na yung bar nyo dahil mananalo na kami " pahabol ni Giezel
Ayun nagsimula na yung laban sobrang dikit ng laban walang lumalamang ng malaki
Balikan lang ang score natalo sila Sam sa first set blinock kasi ni Sam yung palo
Pero nag outside, checked ball kaya nanalo yung kalaban
2nd set panalo sila pumalo si Giezel at hindi na block ng kalaban kaya sa kanila ang 2nd set
3rd set sila ulit nanalo, napanalo ng captain nila
Time out kaya lumapit kami kila Sam kasama na namin sila Josh at Alfred
Si Josh dikit ng dikit sakin at asar ng asar hinampas ko nga sya sa braso
Napatingin si Sam samin tapos umiwas na sya ng tingin ulit
4th set talo sila pano to si Sam puro error yung play nya
Parang wala sya sarili nya umabot na tuloy ng 5th set
Dikit nanaman yung laban 8-8 na yung score
Naging 10-8 lamang yung kalaban nag time out sila Sam
Napapansin din ng captain nila na wala sa hulog si Sam sa paglalaro
" Hernandez ano nangyayari sa laro mo? Kanina ang ganda ng laro mo sabay sa huli ka pa gaganito? " inis na sabi ng captain nila
" sorry captain " sabi ni Sam na nakayuko lang
Naawa ako bigla kay Sam hinatak ko sya sandali at kinausap
" Sam ano nangyayari? Ayoko napapagalitan ka ng captain mo umayos ka nga " sabi ko
Pero hindi sya umiimik kaya niyakap ko sya at kniss ko sya sa cheek
" galingan mo sige hindi mo makukuha yung surprise ko sayo, saka nakalimutan mo ata busted ka na pag natalo kayo " sabay bitaw ko sa kanya sa pagkakayakap at pumunta na ako kila Chloe
bumalik na si Sam sa team nila pero ganun pa din yung itsura ni Sam mukha syang malungkot
Nagsimula na yung laban nag all 10 na yung score si Sam parehas gumawa nung puntos
Sa kanya lagi binibigay yung bola para paluin at nakakalusot yung mga palo nya
Bumabalik na ulit yung laro ni Sam
14-13 na ang score lamang sila Sam isa nalang panalo sila
Sobra na yung hiyawan ng mga tao dito
Hindi nasalo ng libero nila Sam yung bola kaya nag 14-14 yung score
Lumamang ulit sila Sam at 15-14 na
Sinet ni giezel kay Sam tumalon yung kalaban nya para i-block
kala nila hahampasin ng malakas ni Sam pero hininaan lang ni Sam kaya na drop lang
at hindi nasalo ng nasa likod ng mga blocker kaya nanalo sila
Nagsitalunan silang lahat dahil panalo sila Sam pati ako
Pero etong si Sam parang hindi masaya ano kaya nangyari sa kanya
Dami bumabati kay Sam ng congratulation at si Sam yung MVP pero parang hindi sya masaya
" Congrats guys! Tara na sa bar nila Chloe " sabi ni Margarette
" tara na guys libre ko na nga, sama nyo na yung mga teammate mo Giezel " sabi ni Chloe
BINABASA MO ANG
My Closet Queen (girlxgirl story)
AcakSi Sam na lagi iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Minsan na syang umibig sa kapwa nya babae pero pinigilan nya dahil iniisip nya ang sasabihin ng ibang tao at ayaw nya masira kung anong relasyon meron sila ni Giezel. Pero pano kung magkagusto ulit...