Chapter10
<> Sam <>
Its been a week mula nung binigay ni jess yung premyo ko, hindi ko ineexpect na yun bibigay nya premyo, akala ko manlilibre lang sya ng ice cream. Hahaha.
Saka nakita ko yung mga idol ko na mga volleyball players, saka yung crush ko si Rachel Ann Daquis at Jovelyn Gonzaga. Sila yung mga crush kong babae ewan ko natitibo ako, ang ganda kasi nila at ang galling maglaro.
Malapit na mag midterm exam, at malapit na din yung finals ng IABF sport fest at kasali kami pala sa maglalaro ka laban namin yung mansoc, nahirapan kaming talunin yung team nila, at sila din dahilan kung bakit nagporsige manalo at makuha ko ang premyo ko kay jess.
Nandito ako ngayon sa library at nagaaral, kahit naman mahilig ako sa sport hindi ko pinapabayaan pag aaral ko, at yun pinangako ko kay papa.
Nag graduate ako sa school namin ng nasa top 2, lagi ako may honors nung high school kaya siguro lahat ng luho ko binibigay ni papa.
Kaya hindi ako makapag top 1 dahil si giezel lang naman ang nagmamay ari nun, pero ok lang sakin yun dahil masaya ako para sa best friend ko, at talaga namang matalino sya.
Habang nag babasa ako may tumabi sakin, naka earphone ako kaya hindi ko naririnig sinasabi nya.
Nagulat ako ng may pumitik sa ilong ko. Napakunot ung noo ko sa sakit
" aray naman, nakita na nagrereview ako eh " inis kong sabi
Ganito ako pag nagrereview ayoko iniistorbo ako. Nakatingin lang sya sakin. Parang nagulat sa sinabi ko.
Tumingin ako sa kanya. Nakonsensya naman ako bigla sa pagtataas ko ng boses saknya kanina.
Tinignan ko lang sya sa mata na parang humihingi ako sa kanya ng sorry pero walang lumalabas sa bibig ko na salita.
Hinawakan ko lang yung kamay ni jess oo si jess yung pumitik ng ilong ko kanina, si giezel o kaya yung mga kaibigan ko nung high school alam nila na pag nag aaral ako ayoko iniistorbo ako.
Nagsalita na ako
" hey jess I'm sorry, I didn't mean na magtaas ako ng boses" sabi ko sknya na nag puppy eyes pa ko para patawarin nya na ako, hindi ko kasi kaya magalit dito kay jess hindi ko ba alam kung bakit
" saka ang sakit kasi ng pinitik mo sa ilong ko pa " pahabol kong sabi na bigla kong hinimas yung ilong kong pinitik nya.
Totoo naman ang sakit kasi saka nagulat ako
" sorry na please? " gagamitin ko nga dito ang aking charm, ehem kapal ko lang.
Ngitian ko sya yung ngiti kong nakakatunaw na nakalabas yung dimple ko, feeling ko naman cute ako pag ngumungiti ng labas dimple sana mag work.
" sorry na po " sabi ko na ginaya yung tono ng pagsasalita ni chichay sa G2B. Ayun ngumiti na sya kala ko hindi nya na ako papansinin.
" asan ba masakit, at kung makareact ka kanina kala mo bawal ka kausapin" sabi nya habang nakahawak sya sa baba ko at nililipat lipat sa kaliwa at kanan taas baba.
" eto po yung pinitik mo yung ilong ko " sabi ko sabay pout ko,
bigla naman sya napatingin sa lips ko pero maya maya bumuntong hininga sya at kniss nya yung ilong ko kung saan ko tinuro kanina na pinitik nya.
Nagulat ako at alam ko namumula na ako na para na akong kamatis sa pula
" oh ayan. Masakit pa ba? " tanong nya na kahit sya alam ko namumula din sya.
Tumango nalang ako dahil hindi ako makapag salita at walang lumalabas talaga na words dito sa bibig ko.
Umayos na ako ng upo at bumalik na ako sa binabasa ko kanina, hindi ako makapag focus dahil sa nangyari kanina, nakaramdam nanaman ako ng kuryente na dumadaloy sa buong katawan ko.
Hay! This feeling, naramdaman ko na to dati at nakaya kong pigilan sana mapigilan ko din ngayon. Magpapanggap nalang nanaman ba ako sa nararamdaman ko?
----------------------------------------------------------_--------------------------------------------------
<> Jessica <>
Nagulat talaga ako sa ginawa ko kanina, pero buti nalang at sa ilong ko sya hinalikan.
Nag pout kasi sya at ang lapit ng mukha namin sa isat isa napatingin pa nga ako sa lips nya pero buti nalang at nacontrol ko pa yung sarili ko at sa ilong ko sya hinalikan.
Ewan ko ba may parang magnet na parang hinahatak ako ng labi ni sam na para halikan sya. Ngayon lang ako nging ganito at sa babae pa, alam ko straight ako, straight pa sa straight pero ano tong nararamdaman ko kay sam, tama ba to?
O masyado lang ako nadadala dahil sobra kaming close ni sam. Pero masaya ako pag kasama ko sya na parang ayaw ko ng humiwalay sa kanya, na nagseselos ako dun sa boyfriend nya, na sana ako nalang yung mahal ni sam at hindi yung lalaki na yun.
Kaya ko ba ipagtapat kay sam tong nararamdaman ko? Sasabihin ko ba sa kanya na gusto ko sya higit pa sa kaibigan, baka layuan nya ako at mailang sya.
Kaya ko ipagmalaki sa lahat ng tao na mahal ko sya hindi bilang kaibigan dahil ako yung tao na hindi iniisip yung sasabihin ng iba, basta kung ano ang gusto ko ay gagawin ko dahil buhay ko to.
Naputol ang pag iisip isip ko ng kinakalabit na ako ni sam.
" kanina ka pa tulala, tapos na ako magreview. Tara na?" Tatayo na sana sya pero hinila ko sya, tumingin naman sya sakin na parang nagtataka.
Sasabihin ko na ba sa kanya tong nararamdaman ko? Pano kung masayang yung pagkakaibigan namin? Pano kung....
" huy! Anu ba nangyayari sayo?" Tanong ulit ni sam na halatang nag aalala
Tumayo na ako at hinatak na sya palabas ng library.
Next time ko na sasabhin sa kanya pag siguradong sigurado na ako sa feelings ko para sa kanya. Tama. Pagpilit ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
My Closet Queen (girlxgirl story)
De TodoSi Sam na lagi iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Minsan na syang umibig sa kapwa nya babae pero pinigilan nya dahil iniisip nya ang sasabihin ng ibang tao at ayaw nya masira kung anong relasyon meron sila ni Giezel. Pero pano kung magkagusto ulit...