Chapter57
<> Sam <>Madami kami niluto ni kuya Joey kaya dito muna ako sa duyan para magpahinga, ang sarap ng
hangin at malamig pa kaya sobrang nakakarelax.
" oi tara na sa loob ng masimulan na " napatingin ako kung sino si ate Georgee pala
" eto na, sunod ako " sabi ko at tumayo na ako
Pag pasok ko nakita ko kausap ni Antonio si Jess, kaya tumabi ako sa kanila hindi ako nagsasalitapinapakinggan ko lang yung pinag uusapan nila. At ayun nagmamayabang nanaman si Antonio
kung ano ano pinag kwe-kwento kay Jess, si Jess nakikinig lang nayayabangan na siguro sya pero
hindi nya pinapahalata. Dumating na yung iba naming pinsan kaya natigil si Antonio sa pag
kwekwento.
" oh simulan na to " sabi ni kuya Joey na hawak yung bote ng alak.
" oh aakyat na kami wag masyado magwala ah " sabi ni Papa
Pano sila lang ang pinakamatanda dito yung mga tito at tita ko wala pa nasa mga business trip panila kaya puro mga pinsan ko lang nandito.
" opo " sabay sabay namin sabi
Pumunta na kami sa sala at dun kami para kasya kaming lahat at dun pwede mag videoke eto lagipinagkakaabalahan ng family namin pag andito ang mag videoke.
" oh yung mga boses na pang mahal na araw ihanda na ah " pabirong sabi ni Samuel
" ehem! " bulong ko kay Jess
" yabang mo " sabi nya at palo sa braso ko. Tumawa naman ako cute neto
Nagsimula na kami at sinimulan na din ni Ate Diana yung pagkanta sobrang ganda ng boses niAte diana kaya lagi yan nangunguna sa pagkanta.
Mga 3am na kami natapos dahil ubos na yung alak namin at lasing na lahat, iniwanan pa nga kami
ng iba kaya nagpasya na din matulog. Pero si kuya Joey at Antonio nagtatalo pa sila na kung ano
ano, paglasing na talaga si kuya Joey mahilig makipagtalo yan eh si Antonio ayaw din nyan
nagpapatalo kaya ayun iniwan namin silang dalawa pano hindi magpapapigil yang dalawa na yan.
" Sam nagtatalo pa yung dalawa mong pinsan iiwan ba natin " sabi ni Jess na pipikit pikit na din sa lasing
" hayaan mo sila malaki na yan mga yan, lasing kana kaya magpahinga ka na " sabi ko at inalalayan ko sya umakyatPinauna ko na si Jess sa banyo para makapag palit at maghilamos na din. Bumaba muna ako
para mag ayos ng ginamit at pinagkalatan. Dahil walang nagkusa nakakahiya naman sa mga
maid kung maabutan na ganito. Nang matapos na ako mag ayos umakyat na din ako at nakita
kong tulog na si Jess nagpalit lang ako at naghilamos. Tumabi ako kay Jess at natulog na din
BINABASA MO ANG
My Closet Queen (girlxgirl story)
De TodoSi Sam na lagi iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Minsan na syang umibig sa kapwa nya babae pero pinigilan nya dahil iniisip nya ang sasabihin ng ibang tao at ayaw nya masira kung anong relasyon meron sila ni Giezel. Pero pano kung magkagusto ulit...