My Closet Queen (Chapter 64)

5K 113 7
                                    

NOTE: Pinapangunahan ko na po kayo kathang isip ko lang po lahat ng pangyayari dito, basta po kung ano man ang nakasulat dito ay gawa lang ng mahinasyong utak ko HAHAHAHA. For the sake of the story lang po, hindi po ito true story. Salamat. :) Enjoy reading

-----------------------------------------------------------------

Chapter 64

<>Christian Borja <>

MAHAL PA RIN KITA……..

Pagkatingin ko sa kanya bigla sya umiyak, dun lang nya siguro ako nakilala nung pagtingin ko sa kanya ng pagkabigkas ko ng last line.

Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko gusto makita syang ganyan na umiiyak. Napaluhod sya kakaiyak kaya tumakbo ako sa kanya para maalalayan ko sya pero pilit nya ako tinutulak papalayo sa kanya, parang ayaw nya mahawakan ko sya.

“ please….. wag…… wag  kang makalapit lapit sakin” piilit nyang sabi kahit na hikbi nalang maririnig mo sa kanya dahil sa kakaiyak.

“ Samantha sweetheart, please let me explain, yung kinanta ko kanina lahat ng lyrics dun para sayo lah….. ”

“SHUT UP! Don’t call me sweetheart! Dahil nung araw na iniwan mo ako wala na lahat lahat ng mayroon tayo!” dire-diretso nyang sabi na wala man lang preno kitang kita yung galit sa mga mata nya

Lumuhod na din ako at hinawakan ko ang magkabilang balikat nya para tumingin sya sakin

“ Samantha I swear hindi ko gusto ang ginawa ko, hindi ko gusto na iwan kita, hindi ko gusto na lumayo ako sayo, God knows how much I love you. Lagi ako nagdadasal na sana ibalik nalang ang kahapon na hindi nalang kita iniwan, na hindi nalang kita nasaktan pero nangyari na ang lahat. Ngunit pa'no nga ba ang pag-ibig mo magbabalik, batid ko na nasaktan kita ng labis at sinabi ko sa sarili ko na kaya kong limutin ka pero hindi ko nagawa, heto ako ngayon umaasa na mapatawad mo.” Hindi ko napansin na umiiyak na din pala ako

Tumayo sya at pinunasan yung luha na kanina pa umaagos sa maganda nyang mukha

“ Please Samantha patawarin mo ako”

Parang hindi nya narinig lahat ng sinabi ko at tuloy tuloy lang sya sa paglalakad. Hinabol ko sya ng nakaluhod dahil hindi ko na kayang tumayo pa dahil na din sa bigat na nararamdaman ko, yumakap ako sa magkabilang hita nya para mapigilan ko sya sa paglalakad          

“Please I’m begging! Please forgive me!” nakaakap pa din ako sa hita nya

“ Let me go!”  pero hindi ko pa din sya binibitawan gusto ko patawarin nya ako

“ I said LET ME GO!” mataray nyang sabi na may galit yung tono

Wala na akong nagawa kung hindi ibigay ang gusto nya. I slowly let her go at madali syang naglakad palabas ng restaurant na naging memorable saming dalawa. Hanggang sa nawala na sya sa paningin ko at doon mas lalong bumuhos ang luha ko. Wala akong pakielam kung nakikita man ako ng ibang tao dito.

Ang tanga tanga ko! Sinayang ko ang lahat, ang lahat ng pagkakataon na makasama sya. Nauna muna kasi ang takot ko kesa makasama ko si Samantha hanggat may pagkakataon.

Flashback

” Hi tito,tita!” bati ko sa magulang ni Samantha, nandito ako sa bahay nila dahil may date kami ng sweetheart ko.

“ oh Christian sakto nandito ka, kailangan ka naming makausap” sabi ng papa ni Samantha

“ ah ganun po ba tito sige po ngayon na po ba?” tanong ko dahil baka pababas na din si Samantha

My Closet Queen (girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon