My Closet Queen (Chapter 8)

13.9K 204 1
                                    


Chapter8



<> Sam <>



Today is Sunday and ngayon ibibigay ni jess yung premyo ko dahil nanalo kami sa last game namin laban sa mansoc kala ko matatalo na kami, dahil sobrang galing ng kalaban.

Pero sinigurado ko talaga na kami mananalo dahil sayang naman yung premyo na ibibigay ni jess, saka ayoko matalo may parusa.

Ano kaya ibibigay nya premyo? Bumaba na ako at pumunta sa kitchen magluluto muna ako ng almusal maya pa namang 12 usapan namin ni jess.

Isa din sa mga hobbies ko ang pagluluto wala lang dahil mahilig ako kumain kailangan ko din matutong magluto, hindi puro kain lang ng kain.

Nagluto ako ng bacon, tuyo, at egg nag fried rice na din ako para sa tuyo. Ng matapos ako magluto saktong padating na sa lamesa sina mama, papa at samuel.


" hmmm sarap naman ng almusal natin " sabi ni papa habang inaalalayan nya si mama sa pag upo, ikaw na gentleman papa.

" oo nga mapaparami naman kain ko neto ate " sabi ni samuel na tuwang tuwa

" oh tara na kumain na tayo at lalamig ang pagkain " sabi ni mama

Si papa na nag lead ng prayer at kumain na kami.

Habang kumakain nag uusap usap lang kung ano nangyari sa amin ng nagdaang araw.

Maya maya sabi ni papa na sunday ngayon at magsisimba kami.

Sabi ko naman na pagkatapos namin magsimba hindi na ako makakasama sakanila maglakwatsa dahil may lakad ako ng 12nn pumayag naman sila papa.

Habang nagbibihis ako bigla kong naisip ano ba susuotin ko san ba kami punta ni jess kaya tnxt ko sya.

" baby ko, san ba tayo pupunta para alam ko kung ano susuotin ko "

" kahit ano, mas ok kung simple lang. " reply nya

" ahmmm magsisimba pa kasi kami nila papa at mama saka ng kambal ko sama ka samin gusto mo para sabay na tayo" txt ko ulit sknya.

Matagal bago sya nakapag reply

" ok. San ba kayo magsisimba para magpapahatid na lang ako sa driver " reply nya



Sina mama, papa at samuel magkasama sa isang sasakyan sabi ko dadalhin ko na yung sasakyan ko dahil diretso alis na kami ni jess at alam nila na kasabay namin magsimba si jess.

Pagdating ko sa simbahan naghanap lang ako ng space sa parking at pumunta na sa loob ng simbahan dail nandun na daw si jess sa kanina pa.

" I'm sorry kanina ka pa ba dito? Tagal kasi nila mama eh" sabay halik ko sa pisnge nya. Ngumiti lang sya

" asan na yung family mo? " tanong nya habang palinga linga sa paligid

" baka naghahanap pa ng pag paparkingan, dinala ko kasi yung sasakyan ko kasi aalis pa tayo dba" tango tango sya.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

<> Jessica <>

Habang nag aantay kami ni sam busy sya nagttxt ng may biglang tumawag saknya.

" Samatha sweetheart ! "

napalingon kami ni sam sa tumawag na ginang na nasa 40's siguro maganda ito at kahawig na kahawig nya si sam pati yung mata, kasama naman nito ang lalaking nasa 40's din at matangkad maputi, kapareha nya naman ang ilong ni sam pero mukhang masungit dahil seryoso ang mukha nito

" mama, papa ang tagal nyo naman. Asan na si samuel? " salubong ni sam

" nauna na kami naghahanap pa sya ng parking space " sabi ng mama nya na nakangiti lang hindi sya masungit hindi katulad ng ibang nanay na mayayaman

" ahhh mama,papa this is Jessica my new best friend, correction another best friend baka kala nyo hindi ko na best friend si giezel " sabi ni sam sa magulang nya na kala mo kabarkada nya lang kausap nya


" Hello po nice to meet you mr. and mrs. Hernadez " sabi ko sknla na nahihiya

" ay nako sweetheart masyado kang formal, you can call me tita sexy and this is your tito Santi "

Natawa kaming tatlo pati na din yung papa ni sam, at ngumingiti pa sya kala ko masungit saka pareho nya ngumiti si sam

" hay naku honey sexy ka dyan, sige iha tawagin mo ko tito macho para bagay ako sa sexy kong katabi" sabi ng papa ni sam sabay yakap sa mama ni sam.

Nakakatuwa silang tignan parang mga teenager parin at halatang mahal na mahal pa din nila ang isat isa.


Bigla akong nalungkot, namiss ko yung family ko, kung hindi nawala si mommy ganyan din ba kami kasaya.

Hindi na ba uuwi lang si daddy para matulog sa bahay at maligo at papasok na sa trabaho nya.

Sana nandito nalang din si mommy para may nag aalaga sakin kahit laging wala sa bahay si daddy.

Pero hanggang sana nalang ang lahat dahil hindi na mangyayari ang gusto kong mangyari.

Nagulat nalang ako ng may humawak sa kamay ko at pinisil.

" are you ok? Bigla kang natulala dyan at para kang maiiyak na" bulong sakin ni sam

" wala naman may naisip lang ako, saka ngayon nalang kasi ako magsisimba ulit" sabi ko at pinilit ko nalang ngumiti


Biglang may nagtakip sa mata ni sam at nagulat ako kung sino yung lalaki na yun. Bigla kumirot yung puso ko, bakit sya andito?

Saka kasama ba namin sya magsisimba ngayon o nagkataon lang na ngayon din sya magsisimba. Sila na ba?

My Closet Queen (girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon