Chapter6< Sam >
Nagsimula na ang game. Kasama kami ni giezel sa first 6 na maglalaro.
" GO KUTING! " sigaw ni samuel na ng aasar nanaman.
Dinilaan nalang sya ni giezel.
Sa unang set talo kami. Dahil siguro hindi pa namin alam kung pano maglaro yung kalaban namin.
Nung 2nd set at 3rd set at 4th set kami nanalo kaya tuwang tuwa si captain kala namin matatalo na kami.
" ang galing galing mo talaga Sam, kung hindi dahil sa drop shot mo na yun hindi tayo mananalo" sabi ni sarah sabay yakap nya sakin kaya ginulo ko nalang yung buhok nya at nag congratulate na din mga ka teammate ko.
Pinuntahan ko agad si jessica na sabi ko hintayin nya ko. Tumango sya at umalis na ako.
Kinuha ko lang yung gamit ko at nagpalit ng pantaas nagpaalam na ako sa kanila bukas nalang daw mag meeting.
" giezel wait lang ah puntahan ko lang si jess"
" sige lang uwi na din ako, kailangan ko na umuwi. Bye! Mwaah" nagpaalam na kami sa isat isa
Pinuntahan ko na si jess may kausap sya sa cp nya kaya hindi muna ako lumapit, ng matapos na sya makipag usap lumapit na ako.
" hey! " bulong ko sa kanya na pagulat
" tagal mo naman. " sabay pout nya. Awwww
" kanina pa ko inantay ko lang matapos ka sa kausap mo " ngiti ko sa kanya
" ahh. San na tayo? Magbabayad ka pala ng utang mo. " -Jessica
" san mo ba gusto? " habang papunta kami sa parkingan
" kahit saan, nagugutom na ko eh" sabay hawak nya sa tyan nya
Ayun pumunta kami sa mcdo dahil yun ang una namin nakitang kainan.
Umorder ako ng mcspicy chicken, large fries saka caramel sundae. Sa kanya ganun din pero strawberry sundae sa kanya.
Habang kumakain kami sinawsaw nya yung fries sa caramel sundae ko.
" ayyy. Akin to eh. " sabi ko na parang batang ayaw mamigay at nilagay ko pa sa dibdib ko yung c.sundae ko
" damot pa sawsaw lang" sabay nguya nya
" ayan oh ketchup saka meron ka naman s.sundae "
" e gusto ko sa c.sundae i sawsaw. Damot hmm" sabay irap nya
" osige ito na nga " iaabot ko na, ayaw nya na pansinin
Tumabi ako saknya sabay sumubo ako sa kutsara ng c.sundae ko
"Hmmmm sarap! Delisyoso! " pang iinggit ko sa kanya
" tikman mo ang sarap oh" kumuha ako sa kutsara ulit at isusubo ko na sa kanya
" oh dali na sarap oh, susubo na yan, dali na baby! " nagulat sya sa huli kong nasabi pati ako nagulat kaya nagkunwari nalang ako na wala lang sakin yung sinabi ko
" hmmm ayaw mo d wag. " sabay balik ko ng upuan ko
Kumain lang kami ng kumain ng hindi na nag imikan hanggang matapos na kami kumain. Nasa sasakyan na kami ng ako una pumansin
" saan kita hahatid jessica? " hindi pa din sya nagsasalita
" baby what's wrong? " nagulat nanaman sya dun sa baby na word kaya natawa ako.
" ayaw mo ba na tawagin kita baby? " tanong ko sa kanya habang nakatingin sya sa labas
Tumingin sya sakin at maya maya nagsalita
" ok lang baby. Walang problema. Ang matampuhin ko talaga pagdating sayo" mas nagulat ako sa sinabi nya
" ok. So we're good right? " tanong ko sakanya
" yes!.... Baby " pag aalangan nyang sinabi sabay ngiti nalang at ngumiti nalang din ako.
" so, saan na kita hahatid? " pinaandar ko na yung sasakyan
Sa kanila ko na sya hinatid on the way lang din naman pala sa bahay namin kaya hindi na ako mapapalayo.
Ganda ng bahay nila mayaman din talaga sila.
" ok baby goodnight and thank you sa libre mo. And one more thing Congratulation hindi pala kita na co-congratulate dahil dami nakapaligid sayo kanina" sabay kiss nya sa cheek ko at bumaba na sya.
Hindi man lang ako pinagsalita.
Pagdating ko ng bahay tinanong ko sa maid kung andito na si samuel andun daw sa entertainment room kasama mga kaibigan nya.
Kaya pumunta ako at andun nga at naglalaro sila ng xbox.
" kanina pa ba kayo andito? Kumain na ba kayo? " tanong ko sa kanila habang papasok sa room at humarang sa screen alam ko hindi ako sasagutin ng mga to pag hindi ako humarang dahil busy sa paglalaro
" ateeeee naman eh, alis dyan naglalaro kami" sabi ni Samuel na may pagkainis yung tono
Mas inasar ko pa sila ng patayin ko yung nilalaro nila.
" mamaya na kayo maglaro at kumain muna, dinner na " sabi ko sa kanila
Wala nagawa si Samuel at tumayo na alam nyang mas importante ang sabay sabay sa pagkain bago ang paglalaro kaya inaya nya mga kaibigan nya.
Pag tingin ko sa isang kaibigan ni samuel parang bago to ah saka kung makatingin parang nakakita ng angel. Ehem.
" samuel, problema ng kaibigan mo may sakit ba? Nakatulala oh!" Sabay tingin ko sa cp ko nagvibrate kasi may nag txt.
Nagtinginan naman sila samuel sa sinasabi kong nakatulala.
Si jess pala nagtxt tinatanong kung nakauwi na ako.
" ahhh ate si Charles pala bago naming tropa " pakilala ni samuel sa kaibigan nya. Naglahad naman ng kamay si charles at inabot ko nalang din yung kamay ko at nag shake hands
" oh kumain na tayo. Nagpahanda na ako kay ate liza ng dinner"
habang palabas ako ng entertainment room nagrereply na ako kay jess na kakarating ko lang ng house. Sabi ko kumain na sya ng dinner kahit kumain na kami sa mcdo kanina.
Tok tok tok
Sabay bukas ng pinto ng kwarto ko
" ate nagpapaalam si charles kung pwede ka daw ba ligawan. Mukhang tinamaan sayo. " sabi ni samuel habang papunta sa kama ko at tumalon
Hindi na ako nagulat, hindi sa pagmamayabang pero yung mga titig nya palang kanina alam ko na.
" o ano sabi mo? " tanong ko sakanya habang katxt ko si jess saka si giezel
" sabi ko na sayo naman yun, saka baka mabusted lang sya sabi ko." Kilala talaga ako netong kambal ko
" hayaan mo sya, nagandahan lang sakin yun. Nabighani sa kagandahan ko. " sabay pacute ko
" medyo makapal ahhhh" sabi nya sabay tayo na at nag goodnight kiss na
" kailan pala uwi nila mama and papa? " tanong nya bago lumabas ng kwarto
" hoy tinatanong kita, ngiting ngiti ka naman dyan sa katxt mo. Si charles na ba yang katxt mo?"
binaling ko sa kanya atensyon ko sabay irap ko
" hindi yung charles na yun ah, wait binigay mo no. Ko? " hahabulin ko sana sya pero naka takbo agad kaya sinara ko nalang yung pinto ko.
Mga 12 na ako nakatulog dahil katxt ko si jess.
BINABASA MO ANG
My Closet Queen (girlxgirl story)
RastgeleSi Sam na lagi iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Minsan na syang umibig sa kapwa nya babae pero pinigilan nya dahil iniisip nya ang sasabihin ng ibang tao at ayaw nya masira kung anong relasyon meron sila ni Giezel. Pero pano kung magkagusto ulit...