My Closet Queen (Chapter 5)

15.6K 232 1
                                    

Chapter5

<Sam>

Ok na kami ni jess.
Saka bukas na yung sport fest ng iabf mag cheecheer daw sya para manalo kami.

Natuwa naman ako kasi magpra-practice pa daw sya ng chant nya para bukas kaya uuwi na sya. Nagpa meeting lang ng kaunti oras si captain at pinauwi na din kami para makapag pahinga para bukas.

Nakarating ako sa bahay at alam ko wala pa dito ang kambal ko dahil wala pa yung sasakyan nya saka sila mama at papa nasa business trip kaya mga maids lang ang dito.

Nagtxt ako sa kambal ko na mauuna na ako kumain dahil maaga ako magpapahinga dahil may laban ako bukas. Kumain na ako at naglinis ng katawan at natulog.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nag jogging lang ako ng isang oras sa park at naligo. Ginising ko na ang kambal ko kailangan kami magsabay ng almusal dahil hindi kami nakapag sabay kumain ng dinner.

" oh bro ano oras ka na umuwi kagabi?" Tanong ko ng pagkaupo nya sa upuan nya

Yan nga pala ang kambal ko c Samuel Evan ilang minuto lang ang pagitan namin, mga 3mins lang ata.Close kami nyan siguro nga dahil kambal kami. Lahat kinukwento nyan sakin. Meron lang ayaw ikwento sakin ang feelings nya para kay ....

" hoy! Tulala ka? Kinakabahan ka ba sa laro nyo mamaya? " sabi nya habang umiinom ng gatas

" hindi ahhh ako pa ba? " pagmamayabang ko sa kanya

" yabang mo talaga. Kumain na tayo lumalamig pagkain" sabay nag lead na sya ng prayer

----------------------------------------------------------------------------------------------------


" ate, sabay ako sayo " habol sakin ni samuel papasok na ako sa sasakyan ko


" oh? Asan sasakyan mo? " kunot noo kong tanong.


Himala at sasabay sya ayaw kaya netong nakikisakay sa ibang may sasakyan gusto nya sasakyan nya lang. Hmm parang alam ko na gusto mangyari neto.


" tinatamad ako mag drive ngayon " sabi nya sabay sakay sa sasakyan

" ako pa ba pinagloloko mo. Alam ko na kung bakit. Saka gagawin mo pa kong driver ah. "

" damot mo naman sis, minsan lang ako maglambing" sabay yakap nya sakin at kiss sa cheek ko.


" oo na alam mo talaga kung paano ako mabobola e noh? Dadaan pa tayo kila giezel ah, baka nagmamadali ka dyan " pagkasabi ko ay biglang ngiti naman ang ugok, sabi na nga ba kaya sumabay sakin to eh.


Malapit na kami kila giezel natatanaw ko na sya sa tapat ng bahay nila at itong kasama ko hindi matago ang excitement sa mukha.


Pagnakita to ni giezel magbabangayan nanaman sila nyan. Huminto na kami sa harap ni giezel at bumaba ako ng makapag mano na din kay tito Pedring

" good morning tito, ano oras po pasok nyo? " tanong ko

" mamaya pa Sam. Sige na pumasok na kayo baka malate pa kayo." sabi ng tatay ni giezel.

" ahhh gie dun ka nalang sa likod may nakasakay na kasi dyan sa harap" nagulat naman si giezel na nagtataka kung sino yung nasa harap na nakasakay.

Pumasok na ako sa sasakyan at pag pasok ko wala pa din si giezel. May kumakatok sa bintana.

Ay putek mapang asar talaga tong kambal ko na to, ni-lock ba naman yung pinto para hindi makapasok si giezel.

Kaya eto katok ng katok yung isa baka akala pinag tri-tripan ko sya.

" samuel buksan mo na nga, mapang asar ka talaga kay gie kaya lagi kayo nag aaway."

" hayaan mo sya para maasar aga-aga." Sabay tawa nya

" bubuksan mo yan o maglalakad ka papasok ng school" banta ko sa kanya kaya bigla naman nyang binuksan

At ayun galit na pumasok si giezel.

" Baki..t" magsasalita sana sya ng makita nya kung sino ang nakaupo sa tabi ko

" good morning kuting" ngising bati ni samuel kay giezel

" kaya naman pala may askal dito nakakasira naman ng umaga. " pasungit na sabi ni giezel

Magtatalo pa sana sila, sinaway ko na dahil hindi matatapos ang bangayan ng dalawang yan aso't pusa talaga yang dalawa na yan pag magkasama.

Nakarating kami ng school ng nagbabangayan ang dalawa ayaw magpaawat kaya maski ako sumusuko at naririndi.

" oh andito na tayo, baka gusto nyo ng tumigil, dahil ang sakit nyo sa bangs dalawa" sabi ko ng nakapag park na ko.


Tumigil naman na sila at bumaba na si samuel. Pero hindi pa din nagpatinag hinarangan yung pintuan ni giezel at ayaw palabasin

" isa samuel ! Para kang bata ahhh.. " saway ko skanya. nagkiss na sya sakin at biglang tumakbo. At nakalabas na si giezel


" grabe talaga yung kambal mo na yun masyadong papansin, nakakasira ng araw"


" baka gusto ka kaya nagpapapansin" pang aasar ko sa kanya


" naku sam wag mo ko inaasar dyan sa kambal mo, matutuyo't lang dugo ko dyan pag nagkatuluyan kami" sabay talikod nya

" ehh bakit namumula ka dyan? Ayeee nagb-blush! " pang aasar ko habang naglalakad kami papunta sa klase namin

Dahil hindi kami tabi ni giezel sa subject namin ngayon ayun nasa likod nakabusangot yung mukha nya. Natatawa nalang ako sa dalawang yun, baka sila pa magkatuluyan.

Habang nakatulala ako, andito na pala yung katabi ko at hindi namamansin. Problema nito?

" hey! Good morning " bati ko kay jess.

Awww walang response

Tinusok ko yung tagiliran nya. Tumingin lang sya ng naka kunot ang noo sabay iwas ng tingin.

Ano kasalanan ko sabi ko sa isip ko. Dumating na yung prof kaya hindi ko na sya kinulit.

Maya maya hindi ko matiis hindi sya kulitin.

Kinuha ko yung papel ko at nagsulat.

" eh bakit masungit? Pangit mo tuloy. :p smile ka na para cute ka na ulit. Please, I miss your smile :)

Pinasa ko sa kanya yung papel at binasa nya naman.

Maya maya pinasa nya yung papel.

" bakit hindi ka nagrereply sa txt ko? " ayyy oo nga pala hindi ko na natignan yung cp ko dahil natulog na ko kagabi

" I'm sorry, pagod ako kagabi kaya nakatulog ako agad. Bawi ako sayo " pinasa ko ulit sa kanya yung papel

" ok. Libre mo ko ahh? " bulong nya sakin nagulat ako at kinalibutan ako naramdaman ko kasi yung hininga nya sa tenga ko.

Ngumiti nalang ako at nakinig na kami sa prof namin.

Ilang minuto at nag dismiss na.

Dito na kami sa v.court at nag wa-warm up kami ngayon first game kami, kalaban namin ang JMA.

Nandun na mga friends namin dahil nga todo daw suporta nila samin ni giezel. At ng malapit na ang laban may kumakalabit sakin si jess pala nag good luck sya at niyakap ako.

Nagulat nanaman ako as usual, hay! Lagi nya nalang ako nagugulat sa mga ginagawa nya.

My Closet Queen (girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon