Chapter25
<> Jessica <>
Minsan talaga ang bilis ng karma
Nang iinis lang ako kay Sam pero eto bigla akong nasaktan sa pagtanggi nya
Aalis na sana ako ng hawakan ni Sam yung kamay ko
" ok gagawin ko na, wag ka lang magalit. I didn't mean it yung sinabi ko kanina nagulat lang ako " paliwanag ni Sam
" no it's ok. I'll understand. " sabi ko sabay bitaw sa pagkakahawak nya
Pero nahawakan nya ulit ako
" please let me go " sabi ko na nangingilid na yung luha sa mata ko
" Ayoko! Please hindi ko gusto yung sinabi ko " sabi nya
" kung ayaw mo mag ka eksena dito bitawan mo ko " sabi ko sa kanya
Binitawan nya ako at nakasunod lang sya sakin
Ewan ko pero nasaktan lang ako talaga
" hatid na kita " sabi ni Sam na nakasunod lang sa likod ko
" ok lang magtataxi na lang ako " sabi ko na pilit na iniiwasan kong tumingin sa kanya
Dahil tutulo lang yung luha na kanina ko pa pinipigilan
Pag punta ko sa sakayan ng taxi ang daming nakapila at wala pang mga taxi kaya ang daming mga tao nakapila at sobrang lakas ng ulan
" tara na please hatid na kita, ang lakas ng ulan oh" sabi ni Sam
Hindi ko sya pinansin at pumila ako
Mga ilang minuto na ang nakakalipas at wala pa din dumadating na taxi kaya hindi nauubos mga tao nakapila at walang tigil yung ulan palakas pa ng palakas
Nagulat ako ng hinatak ako ni Sam, hawak nya lang yung kamay ko at hinahatak ako papunta sa parking lot
Binuksan nya yung pinto at hindi ako pumasok. Tinignan nya lang ako
" please get in " pagmamakaawa nya
Pumasok nalang ako dahil wala din naman ako magagawa
Nagdrive na sya at tahimik lang kami pareho
Sobrang lakas ng ulan at may kasama pang hangin baha na din sa mga ibang lugar
Parang gusto makisama netong luha ko gustong gusto na bumagsak dahil pinipigilan ko
Baka bumaha din dito sa sasakyan ni Sam. Echos!
" Im really sorry Jess, hindi ko sinasadya yung sinabi ko, nagulat lang talaga ako " sabi ni Sam habang nagdridrive sya.
Dahil hindi ako sumasagot tinabi ni Sam sa gilid ng kalsada yung sasakyan
Hinawakan nya yung dalawang kamay ko at hinalikan nya ito
" I swear Jess I want to kiss you nabigla lang talaga ako " paliwanag pa din ni Sam habang kinikiss nya ng paulit ulit yung kamay ko
Naramdaman kong may basa na sa mukha ni Sam
Nagulat ako dahil umiiyak na sya
Naunahan nya pa ako umiyak ah
Hai! Ayoko nakikita si Sam na umiiyak at alam ko ako may kasalanan alam ko na ayaw nya pero pinilit ko pa din
" Shhhhh I know Sam. Hindi ko lang kaya yung narinig ko. Parang nandiri ka kasi sakin nun na ayaw mo talaga ako halikan at kinahihiya mo ako sa mga taong andun " sabi ko na umiiyak na din ako
Yung kaninang luha na pinipigilan ko umagos na
" nagulat lang talaga ako promise pero I want to kiss you. Hungrily. Like this " sabi nya sabay hinalikan nya ako
Hinalikan nya nga ako na parang she's really hunger for my kiss na kala mo matagal kami hindi naghalikan
Una kala mo sabik na sabik yung halik nya sabay dahan dahan na at kung kanina yung halik nya nasa lips ko lang ngayon nasa leeg ko na
Hindi ko alam kung saan nanggagaling yung sensation na nararamdaman namin ngayon kung
Dahil ba sa panahon dahil malakas ang ulan at malamig o dahil kay Sam sa init ng halik
Na binibigay nya dito na sya sa leeg ko at ang kamay nya kung kanina nasa mukha ko lang
Ngayon nasa tyan ko na at hinihimas. I was tugging her tongue ng tumigil sya
" mamaya na ulit baby ang lakas na ng ulan baka mastranded tayo dito " sabi nya sabay halik sa noo ko at inayos nya pa yung damit ko
Medyo delikado mag drive kasi nga sobra talaga lakas ng ulan kaya sabi ko kay Sam
Dun na ako matutulog sa kanila kesa ihatid nya ako sa kanila at umuwi sya ng matagal
Mga 11 na kami nakarating sa kanila dahil baha na nga yung ibang lugar at trapik pa
" una ka na sa cr, kuwa ka nalang ng damit ko dun, tignan ko lang si Samuel kung andito na " sabi ni Sam at hinatid nya lang ako sa kwarto nya at lumabas na
Paglabas ko wala pa din si Sam kaya humiga na ako, bumukas yung pinto at kasama nya si Samuel
" hi! " sabi ni Samuel na nakakaloko yung ngiti
Alam nya na kaya yung samin ni Sam. Wala pa naman kami pero nanliligaw sakin si Sam
Alam nya kayang BI si Sam, sinabi na kaya ni Sam?
Ng matapos na si Sam humiga na si Sam sa tabi ko yumakap sya sa likuran ko
" tulog ka na? " tanong ni Sam
Umiling lang ako
" can we talk? " tanong nya
Hmmm ano kaya pag uusapan namin? Saka ok na kami diba?
Nag make out na nga kami sa sasakyan nya ehhh
Umikot ako at nakaharap na ako sa kanya
Nakaakap pa din sya sakin kaya yung kamay nya nasa bewang ko nakapatong
Nakatitig lang sya sa mata ko
Magsasalita sana ako pero pinigilan nya ako magsalita
Kung kanina yung kaliwang kamay nya nakapatong sa bewang ko ngayon
Index finger nya nakalagay na sa lips ko
" ako muna. Sorry sa lahat ng nagawa ko ngayon alam ko date natin ngayon pero hindi man lang kita napasaya, sorry kung ganun nasabi ko sayo, sorry kung duwag ako, duwag sa sasabihin ng iba, sorry kung..... " Pinigilan ko sya magsalita
ako naman ang naglagay ng index finger ko sa lips nya
" Shhhh don't say sorry. It's not your fault. Alam ko na ayaw mo na PDA sa maraming tao pero pinagpilitan ko pa din yung gusto ko, saka masaya ako sa date natin na to lalo na nung nasa sasakyan tayo kanina" sabi ko
Ayun namula nanaman tong si Sam nakakatuwa talaga
Niyakap lang ako ni Sam. Maya maya hinawakan nya yung mukha ko nakatitig lang sya sa mata ko
" baby wag ka magsasawa sa pag iintindi sakin " sabay halik sa noo ko
" saka wag ka magsawa mahalin ako dahil pag nagsawa ka.. " sabay halik naman sa nose ko
" ipapaalala ko sayo kung gano kasarap yung lips ko " sabay halik nya sa lips ko
Grabe to si Sam kinikilig ako sa ginagawa nya.
Sobra nyang sweet lalo ako nahuhulog sa kanya
Ngumiti ako dahil hindi ko mapigilan yung kilig na nararamdaman ko
" baby ok lang yan kiligin " pang aasar nya
Kaya hinampas ko yung braso nya. Mapang asar kasi alam ng kinikilig ako sasabihin pa
" halik ka ng halik tayo na ba? " sabi ko sa kanya para kunwari galit ako
At hindi nya na mapansin na kinikilig ako
" hindi pa. Pero yung puso mo akin na yan at ako na ang andyan sa loob " sabi nya sabay turo sa puso ko
" saka akin lang to " sabi nya sabay halik sa lips ko ulit
Hindi nanaman ako makapag salita
Mukhang bumabawi si Sam ah.
" tulog na tayo may pasok pa bukas " sabi ni Sam sabay halik sa noo ko
Yumakap nalang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Closet Queen (girlxgirl story)
RandomSi Sam na lagi iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Minsan na syang umibig sa kapwa nya babae pero pinigilan nya dahil iniisip nya ang sasabihin ng ibang tao at ayaw nya masira kung anong relasyon meron sila ni Giezel. Pero pano kung magkagusto ulit...