My Closet Queen (Chapter 21)

12.1K 170 0
                                    

Chapter21






<> Jessica <>





Ilang weeks na nagdaan mula nung nag outing kami sa rest house nila Sam.




Simula din nun mas nagiging sweet si Sam at pinanindigan nya talaga yung panliligaw nya.



Pero pag kaming dalawa lang pinapakita nya yan at saka pag andyan si Giezel



dahil sabi ni Sam hindi pa daw sya handa sa mga sasabihin ng ibang tao para samin



Kasi daw may mga ibang tao na hindi tanggap ang relasyon na babae sa babae or lalaki sa lalaki.



Si Giezel palang ang nakakaalam na Bi si Sam at ok naman ito kay Giezel.



Na kwento sakin ni Sam nung araw na umamin sya sakin na mahal nya ako yun din daw araw na



nilasing sya ni Giezel para umamin sya kay Giezel at napag usapan nila ng maayos.



At nalaman ko din na si Giezel pala ang first crush ni Sam na babae syempre selos ako pero sabi ni



Sam tapos na daw yun at ako na ang Love nya saka kay Samuel na daw si Giezel.






Mag isa lang ako dito sa park ng school dahil sila Sam at Giezel nagprapractice pa ng volleyball



Kaya inaantay ko sila, saka sabi din kasi ni Sam antayin ko sya.


Lagi nya ako hinahatid sa bahay pauwi dahil yun daw gusto nya


Kaya lagi ako nagttxt sa driver namin wag na ako sunduin.


Biglang may tumabi sakin, at umakbay nagulat ako pero ng maamoy ko yung pabango nya



Ngumiti nalang ako. Alam ko na kung sino to kahit hindi ko tignan


" hindi ka tumitingin sa umaakbay sayo, baka maagaw ka sakin nyan" sabi nya habang nakaakbay pa din



" hindi na kailngan, amoy mo palang alam ko na ang baho eh " biro ko sa kanya


" baho ka dyan nagshower ako pagkatapos ng practice " sabi nya na paamoy amoy pa sa sarili nya


" napaka patola mo talaga " sabi ko sa kanya



" ahh patola pala ahhh " sabay kiliti nya sakin





Hindi ko talaga maintindihan to si Sam minsan pag nasa public kami hindi sya sweet pero ngayon kala mo walang mga tao dito sa park at kami lang kung harutin ako




" uuwi ka na ba kain muna tayo, nagutom ako sa practice eh " sabi nya




Gutumin talaga to si Sam kahit kailan.




Kumain na kami at hinatid nya na ako samin.







<> Sam <>




Hinatid ko lang si Jess at umakyat na ako sa kwarto ko dahil napagod ako sa practice namin



dahil malapit na yung laban namin malakas yung makakalaban and first time kasi makapasok sa finals yung team namin kaya todo practice.



Nagtxt lang ako kay Samuel na maaga ako magpapahinga kaya hindi na ako makakasabay ng dinner




Nagising ako nilalamig ako na pinag papawisan, nakakumot naman ako saka ang sakit ng ulo at katawan ko.



Bumukas yung pinto



" ate anong oras na nakahiga ka pa " sabi nya sabay tingin sakin na parang nagulat


" anong nangyari sa iyo bakit namumutla ka? " sabay punta sakin at sinalat salat ako


" ang taas ng lagnat mo sandali lang tatawagin ko si manang " sabi nya sabay labas mg kwarto


Pinainom na ako ni manang ng gamot at pinagpahinga.


Bago umalis si Samuel pinasabi ko na sabihin nya kay Giezel



na hindi ako makakapasok dahil may sakit ako sya na daw bahala dun



magpahinga nalang daw ako. Kinuha nya pa yung cellphone ko


para makapag pahinga daw talaga ako at walang istorbo. Naisip ko naman bigla si Jess


baka isipin nun hindi ako nagttxt sa kanya at baka magalit sya.




Natulog na lang ulit ako masama talaga yung pakiramdam ko

My Closet Queen (girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon