Update po Birthday treat ko po sa inyo :)
-------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 65
<> Christian Borja <>
“Sige pumapayag na ako” sabi ni Samantha
Parang lumuwag ang pakiramdam ko ng mapapayag ko si Samantha, akala ko magmamatigas parin sya at hindi pa din ako pakikinggan.
“ Thank you. Kailan? Saan? Saan mo gusto?” excited kong tanong sa kanya
“ ngayon na, at kahit dito nalang din mukhang sandali lang naman yang sasabihin mo.” Walang ka expression expression nyang sabi pero hindi ko nalang pinansin, basta pumayag sya na kausapin ako, okay na sakin yun.
“ Ahmmm Samantha may malapit na park dito, mas okay kung dun tayo mag usap.” Sabi ko
Papasok na sana sya sa sasakyan nya
“ AHhhhh pwede sa sasakyan ko nalang ikaw sumakay, ako na magdri-drive”
“please” pahabol ko dahil alam ko tatanggi nanaman sya.
Hindi na sya nagsalita at pumunta na sya sa sasakyan ko, tumakbo naman ako para mapagbuksan ko sya ng pinto. Iba ang saya na nararamdaman ko ngayon, sobra kong namiss yung ganito kami. Sana pag sinabi ko na kay Samantha ang lahat sana bumalik sya sakin. Dahil ako hindi pa din nagbabago ang pagmamahal ko sa kanya. Naging duwag lang ako talaga. Pero ngayon handa na akong lumaban kasama sya.
Habang nag dri-drive ako patingin tingin ako kay Samantha. Namiss nya kaya yung ganito, na magkasama kami, namiss nya kaya ako? Mahal pa kaya nya ako.
“ sigurado ka bang sa park tayo pupunta dahil lumagpas kana?” pagtingin ko sa side mirror lumagpas na nga kami sa Park kaya napa break ako. Napalakas yung break ko.
“ Oh god Samantha, Im really sorry ang dami ko lang iniisip kaya lumagpas tayo. Are you ok?” pag aalala kong tanong pero nakatingin sya sa nakabukas kong dashboard drawer kinuha nya yung cellphone
“ sayo ba to?” tanong nya sakin
“ Ahhhhh…….ano……”
“ kay Jessica tong cellphone diba?” sigaw nyang tanong
“ teka ano kasiiii.. ano…” utal kong sagot sa kanya hindi ko alam sasabihin ko
BINABASA MO ANG
My Closet Queen (girlxgirl story)
RandomSi Sam na lagi iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Minsan na syang umibig sa kapwa nya babae pero pinigilan nya dahil iniisip nya ang sasabihin ng ibang tao at ayaw nya masira kung anong relasyon meron sila ni Giezel. Pero pano kung magkagusto ulit...