My Closet Queen (Chapter 33)

11.1K 141 7
                                    


Chapter33

<> Sam <>

Pauwi na ako sa bahay dahil mamaya may date kami ni Jess first date namin na bilang mag

girlfriend wala lang gusto ko lang sya idate ngayong kami na

Pero kahit papano may nararamdaman akong takot ngayong kami na ni Jess

dahil alam ko sa sarili ko hindi pa ako handa na sabihin sa lahat

kung ano meron kami ni Jess ngayon

Sana maintindihan ako ni Jess sana wag nya ako sukuan

" hi ma san si papa? " bungad ko kay mama ng pumunta ako sa garden namin

" andun lang sa music room " sabi ni mama habang busy sa mga halaman nya

" ok. Pumasok na ba si Samuel? " tanong ko

" oo kanina pa, nagmamadali nga pumasok eh, ikaw hindi ka papasok"

" hindi ako papasok wala naman ginagawa pa " sabi ko

" ok basta ayoko pinapabayaan nyo pag aaral nyo " sabi ni mama

" opo pahinga muna ako " sabi ko sabay tayo na at pumunta na ako kay papa

Pagpasok ko sa music room nag pia-piano lang si papa kaya tumayo lang ako

malapit sa pintuan at pinanood ko lang si papa

Pano kaya kung sabihin ko na sa kanila kung ano ako

Matatanggap kaya nila ako

Matatanggap kaya nila kung sino ang gusto ko

O paghihiwalayin kami ni Jess dahil mali ang pag ibig na pinili namin

Mandidiri ba sakin mga magulang ko kung ganito ang anak nila

Sana matanggap ako nila papa at mama kung ano ako

Ako pa rin naman ang anak nila pero nag mahal lang ng kapwa nya babae

Matatanggap din kaya ni Samuel kung ano ako

Baka hindi na kami maging close dahil hindi normal yung kambal nya

Hindi ko namamalayan naluluha na pala ako dahil nadadala ako sa tugtog ni papa

Napatingin si papa sa direksyon kung saan ako kaya dali kong pinunasan yung luha ko

Ayoko makita ako umiiyak ni papa sana hindi nya nakita

" ah pa akyat na ako sa kwarto ko " sabi ko sabay labas ko

Humiga lang ako sa kama ko at nakatitig lang ako sa kisame

nag iisip ako kung pano na mangyayari sa darating na araw

hindi naman lagi na magtatago nalang ako sa mga tao na kung ano ako

Hindi naman pwede lagi na ok kay Jess na pag kaming dalawa lang pwede ko ipakita sa kanya

kung gaano ko sya ka mahal.

At hindi din pwede na lagi nalang iisipin ko ang sasabihin ng iba

Hindi pwede na lagi akong takot


Napabuntong hininga na lang ako dahil sobrang daming tumatakbo sa isipan ko



Simula palang ng relasyon namin ni Jess pero nag iisip na agad ako ng negative

Basta ang alam ko ngayon may date kami ni Jess

My Closet Queen (girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon