Chapter12
<> Sam <>
Nagising ako at sobrang lamig, grabe na talaga yung lamig dito sa bagyo.
Pero buti nalang at nakayakap si Jess sakin at nakakaramdam ako ng init galing sa yakap nya.
Sana lagi nalang kami ganito, lagi sya nakayakap sakin.
Simula kanina hindi sya nag he-hesitate na yakapin ako, nandyan mga kaibigan ko, baka kasi kung ano isipin nila.
Here I' am again iniisip ko nanaman ang sasabihin ng iba.
Ayoko lang pag isipan kami ng iba ng kung ano ano at may sabihin samin na masama at lalo na kay Jess, ayaw ko naman nasasaktan si Jess.
Napaka weird kanina ni Jess ang sungit nya saka kung ano ano pa pinagsasabi yung dun daw ako master bedroom, nung nalaman nya na kaming dalawa lang dito sa kwarto nag good mood bigla.
Baliw talaga tong si Jess. Ayaw ko pa sanang bumangon pero kailngan ko na mag prepared ng pagkain dahil magtatanghalian na gusto ko lang magluto.
Dahan dahan ko inalis yung kamay ni Jess para hindi magising pero lalo nya hinigpitan natawa nalang ako, ayaw ba nya talaga ako pakawalan saka nung pag yakap ulit ni Jess naangat yung shirt ko kaya nakayakap na sya sa tyan ko lalo ko naramdaman yung init galing kay Jess.
Grabe tulog pa ba to bakit gumagalaw yung kamay nya. Nakikiliti ako sa ginagawa nya.
" ahmmmmm Jess " sabi ko. Baka kasi gising na to nantri-trip lang.
Pero walang sumasagot. Maya maya ulit gumalaw nanaman yung kamay ni jess.
Ganito ba to matulog malikot yung kamay. Umangat yung kamay ni Jess na napunta sa boobs ko.
Grabe na talaga to kanina lang nilalamig ako parang nagpalit agad ng klima tong bagyo at parang summer na bigla.
Ang init grabe! Nakapatong pa din yung kaliwang kamay ni Jess sa boobs ko kaya dahan dahan kong inalis at inusog sya para makahiga sya ng maayos.
Grabe sabi ko kay Jess kanina harmless ako sya pala hindi pag tulog nga lang. Hahaha.
Buti nalang at nakapag pigil ako grabe ang init talaga makalabas na nga at magluluto pa pala ako.
Kinumutan ko muna si Jess at lumabas na ako ng kwarto.
Nasa kitchen si manang at inaayos yung mga ingredients na pinabili ko, sabi ko kasi ako magluluto.
<> Jessica <>
Nagising ako na wala na sa tabi ko si Sam, brrrrr! Ang lamig.
Grabe yung panaginip ko sa selos ko ata kanina napanaginipan ko si Sam na nag ma-make out kami dito sa kwarto.
Sana totoo nalang. Tumayo na ako at nag suot ng jacket.
Paglabas ko ng kwarto naririnig kong maingay na sa baba kaya alam ko andun na lahat sila.
Nagtatawanan sila Margarette, Chloe, at Giezel sina Richie at Kasama nung boyfriend ni sam nag uusap.
Mukhang nilalandi ni richie. Si Josh at Alfred tinotono yung gitara.
Lumapit ako kina Giezel at nakipag kwentuhan, maya maya hinanap ko si Sam.
" san si sam bakit wala sya dito. " tnong ko sa mga kausap ko
" namiss mo agad andun sya nagluluto " sabi ni giezel na parang may ibang gusto iparating na nang aasar.
Tumango nalang ako at tumayo.
Wow nagluluto si Sam naks naman.
Ayun pumunta ako ng kitchen at ayun nga busy sa pagluluto ang sexy ni Sam tignan naka ipit ng pataas yung buhok nya na kitang kita ang ka sexyhan ng batok nya naka tshirt na maluwag at nakashort.
Nawala ako sa pagpapantasya ng may biglang yumakap na lalaki sa likod nya at sabi
" hmmm mukhang masarap yan ha! "
dahil sa nakita ko umalis na ako at sira nanaman ang araw ko. Nakakainis bakit kailngan ko pa makita yung ganun eksena nila.
Bumalik ako at nakipag kwentuhan nalang ako kay Josh. Naiinis nanaman ako.
<> Sam <>
Tatawagin ko na sila para kumain dahil tapos na ako magluto, pero buti nalang at dumating si Samuel habang nagluluto ako para ipatikim muna kung masarap ba tong niluto ko nakakahiya kasi baka hindi masarap first time pa naman matitikman ni Jess yung luto ko.
" grabe ang sarap ate, dami mo talagang talent" sabi ni Samuel. Nambola pa tong kambal ko..
Nung tatawagin ko na sila para kumain nakita ko si Jess mukhang ang saya saya tinutugtugan kasi sya ni Josh ng gitara.
Sus kayo ko rin tumugtog ng gitara at kaya ko pang kumanta mas maganda pa.
Sorry ako na mayabang ganito ako minsan pag nagseselos hindi ko macontrol sarili ko sa inis.
" guys tara na luto na yung pagkain " sigaw ko sa kanila sabay balik na ng kitchen
Umupo na ako nasa center table si Samuel, umupo naman sa tabi ko si Giezel katapat ko si Jessica at katabi nya lang naman si Josh.
Hindi ako pinapansin ni Jess, hindi ko alam kung bakit baka masaya na sya sa company ni Josh hayaan ko na nga lang sya.
Natapos ang lunch namin at andito kami sa entertainment room manonood kami ng movies dahil umuulan sa labas kaya bukas na kami mamamasyal.
Horror pinanood namin yung Insidious 1 next daw yung Conjuring.
Parang nasa sinehan ang set up ng entertainment room namin nauna na akong umupo sa 2nd row ako pumuwesto sina alfred, chloe at margarette sa 1st row,sa 3rd row sina Richie, Andrew at Josh, nagulat ako tumabi sa kanan ko si Jess which is sa dulo sya.
Si Samuel nag aayos para maplay na yung panonoorin namin. Si giezel kumuha ng mga maiinom namin at makukutkot namin.
Umupo sa kanan ko si Samuel.
" asan si Giezel? " bulong sakin ng kambal ko napangiti naman ako, iba na talaga tama netong kapatid ko kay giezel, sandali lang nawala
Tumingin ako sa kanya ng nang aasar.
" ayeee! Hinahanap, namiss agad! " sabi ko sabay kiliti sa tagiliran nya
" kapal mo ip-play ko na kasi yung movie hindi pa kumpleto baka umiyak yun pag hindi nasimulan" depensa nya.
Tumango tango nalang ako sa kanya alam nyang hindi ako mapapaniwala sa mga excuses nya.
On cue bumukas na yung pinto at etong kambal ko abot tenga na ang ngiti nung nakita si Giezel
" ganyan pala ang hindi gusto ah, makangiti abot tenga? " pang aasar ko sa kanya, inirapan ba naman ako. Bakla ata to eh.
" Maginaw ba gusto mo jacket? " sabi ko kay Jess nakaakap kasi sya sa tuhod nya.
Naka jacket nga naka short naman. Hindi sya sumagot, hindi nanaman nya ako pinapansin.
Ako nga dapat nagtatampo eh tapos sya pa hindi namamansin. Tumayo ako at lumabas ng entertainment room.
<> Jessica <>
lumabas si Sam nagsisimula na yung movie, maya maya may kumot na tumaklob sakin.
Ay bastos lang nanonood ako eh.
Pagtanggal ko si Sam pala kumuha ng kumot, tinatanong nya kasi ako kanina kung gusto ko ng jacket nakita nya siguro nilalamig ako.
Kinumot ko na sa sarili ko yung kumot at hindi ko pa din sya iniimik. Maya maya hinatak nya ng konti yung kumot
" Penge naman ako kumuha neto eh giniginaw ako. " sabi nya at nagkumot na din sya.
Nakakatakot yung pinapanood namin kaya ginagamit kong pantakip tong kumot, biglang nagulat si Sam at napayakap sakin.
Natuwa naman ako bahagya pero bakit naman sakin sya mapapayakap hindi sa katabi nyang isa yung boyfriend nya.
" Payakap ahhh, nakakatakot ehh " sabi nya.
Hindi naman sa hindi ko gusto pero buti hindi nagtataka yung boyfriend nya at sakin sya yumayakap.
Baka mas masarap ako yakapin kesa sa boyfriend nya. Hahaha
" huy! Tulala ka dyan nasaniban ka na ba? " sabi nya habang nakayakap pa din sakin.
Ngumiti nalang ako. Hay nawala nanaman inis ko sa isang yakap nya lang. Para tuloy akong kabet nitong si Sam eh.
Natapos na tong pinapanood namin halos mabingi kami kakasigaw mapa boys sumisigaw sa lakas ng sounds effect kasi.
Napag desisyunan na wag ng manood ulit ng nakakatakot kasi hindi pa kami nakakarecover sa Insidious.
" Ano na gagawin natin ? " tanong ni Giezel
" Tara bar hopping tayo " sabi ni chloe
" Tara! " sabay na sabi naman ni Richie at Margarette
Ok naman sa lahat kaya nagkanya kanya na kami para mag ayos
Pumunta na kami ni Sam sa kwarto at sabi nya mauna na daw ako maligo.
Tapos na akong maligo nakita ko si Sam na nasa terrace at nakatingin sa malayo mukhang ang lalim ng iniisip, ilang beses ko na kasing tinatawag hindi sya lumilingon
" Huy! Ako ba iniisip mo? " biro ko sa kanya bigla naman syang namula. Bakit kaya?
" tapos ka na pala sige ligo na ako " sabi nya sabay alis
Nakatapis pa pala ako kaya sobrang lamig nung pumunta ako sa terrace.
BINABASA MO ANG
My Closet Queen (girlxgirl story)
RandomSi Sam na lagi iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Minsan na syang umibig sa kapwa nya babae pero pinigilan nya dahil iniisip nya ang sasabihin ng ibang tao at ayaw nya masira kung anong relasyon meron sila ni Giezel. Pero pano kung magkagusto ulit...